Story 2-Episode 2: atteXo

48.5K 1K 94
                                    

"You know what I think?" ani Randy, ang best friend kong mas babae pang kumilos kumpara sa akin.

"What?" walang gana kong sagot. Nakahilata ako sa couch, nakatingin sa kawalan.

"I think you need professional help."

"I'm not crazy." Wala pa ring kabuhay-buhay ang pagkakasagot ko.

"But you're depressed."

Sinulyapan ko ito sandali sa gilid ng aking kaliwang mata, bago ako muling tumunganga sa kawalan. Hindi pa rin ako gumagalaw.

"What makes you think, I'm depressed?"

"Walang taong kukuwestyunin ang kahalagahan ng buhay kung hindi sila depressed."

Nilingon ko muna ito bago ako umupo nang maayos. "Para nag-iisip ka lang at nagtatanong kung bakit tayo nabubuhay sa mundo, depressed na agad? Hindi ba pwedeng curious ka lang?"

"Kung curious ka lang, eh bakit ganyan ang hitsura mo? Nanlulupaypay at tila nalugi."

Sinamaan ko ito ng tingin. "Porke ba nanlupaypay, depressed agad? Hindi ba pwedeng, pagod o puyat lang?"

"Bakit? Pagod ka ba?

"Medyo."

"Puyat?"

"Oo."

"Bakit ka naman napuyat? Tapos na naman ang midterms ah."

Good question. Bakit nga ba ako napuyat? Ano nga ba ang pinggagagawa ko kagabi? Is it worth telling my bestfriend?

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Fine. I was sleepless last night. I couldn't sleep because of the traumatic slash exhausting experience I had yesterday afternoon--until midnight.

The traumatic part...

I saw our professor--a married middle-aged man, banging a young woman my age--I'm 19, na kakakita ko lang sa library with his hot boyfie in the library that morning. They were doing "it" in one corner of a secluded room while I was passing by. The boyfriend caught them on the act. The slutty girlfriend realized she's been caught. She panicked, but the boyfriend didn't do or say a word. Umalis lang ito, habang naiwang nakatulala ang dalawang manloloko. Sure it was a surprise, but the real excitement is yet to come.

The exhausting part...

The betrayed boyfriend saw me standing in the darker side of the corridor--as he was leaving the room. At hayun na naman, ang pagtitigan naming hindi maipaliwanag. 'Yung pagtitigan na tila kusa na lamang nangyayari.

Unti-unti itong lumapit, habang ako nama'y unti-unti ring umaatras. Napapanganga, natutula sa hindi maipaliwanag naming kuneksyon.

"H-have w-we seen each other b-before?"

My heartbeat's overwhelmed me as he came close. Hindi na ako halos makahinga, sa sobrang nerbyos at kaba. What is he doing? Bakit kino-corner n'ya ako? At bakit nang ikinulong n'ya ako sa harapan n'ya--habang ang kanyang magkabilang palad ay nakatuon sa pader...hindi man lamang ako nagprotesta?

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon