Story 2-Episode 30: atteXo

35K 941 81
                                    

Kailangan maisagawa n'ya ang ritual para muling maisagawa ang pagpapalit ng espiritu ng kambal. Ako ang nagkalap ng mga ito para kay Eric at sa kanyang Mama matapos kong nakapagbihis ng aking sariling damit.

Pinapunta ako ni Henrietta sa isa sa mga silid sa impyernong lugar na 'yun. Ang silid na ito'y s'ya palang nagsisilbing altar ng kanyang ina kung saan makikita ang kung ano-anong kagamitang ginagamit nito sa pangkukulam. Ipinakuha nito sa akin ang mga sumusunod:

Siyam na itim na kandila.

Posporo.

Itim na mantel na may ginintuang palamuti.

Chalk.

Isang matalim na punyal.

Isang kupitang ginto na bakbak ng oniks.

Isang bilog na medalyon na may ukit ng talang nakatayo o pentacle (1).

Isang medalyon na may palawit na angkh (2)

Piling-piling mga tuyong ugat ng mga halaman at tuyong katawan ng mga hayup at insekto.

Ang maliit na itim na tomo ng mga orasyon, at

Tatlong partikular na mga manyika na yari sa katsa. Ang bawat manika'y may nakasulat na mga letrang; L, F at H. May mga nakatahi rin ditong ilang strands ng mga buhok at mga piraso ng tela na wari'y pintol mula sa kanilang mga damit.

Nakakadena pa rin ang mga paa ng Mama ni Eric habang ginagampanan niti ang orasyon. Halata ko naman sa kilos nito't galaw na sanay na sanay na ito sa pangkukulam.

Una nitong inilatag ang itim na mantel sa kanyang gilid. Ipinatong n'ya roon ang kupita, punyal at tomo. Matapos niyang gawin 'yun, gumuhit ito--gamit ang chalk, ng malaking bilog sa kanyang harapan. Sa loob ng bilog ay gumuhit naman ito ng tala na kaparehong kapareho ng tala sa kanyang kwintas na may palawit na pentacle (1).

Pagkatapos nitong gumuhit, nilagyan naman nito ng itim na kandila ang limang sulok ng tala at sinidihan ang bawat isa. Sa gitna ng tala'y ro'n naman n'ya inilagay ang manyikang nay initial na F at H. Pinagbigkis nito ang mga 'yun ng kanyang kwintas na may palawit  ankh (2) at saka nito binuburan itong kung ano-anong ugat at  inurasyonan ng mga dasal na binabasa naman nito mula sa maliit na tomo.

Matapos nitong dasala'y sunod naman nitong kinuha ang punyal at kupita, bago nito hiniwa ang kanyang kaliwang palad upang patuluin ang sariling dugo sa kupita.

Muli itong nagbasa ng orasyon, bago nito kinuha ang apat na itim na kandila't sabay-sabay itong sinindihan nang magkakabigkis. Matapos n'yang sindihan ito'y pinatulo naman nito ang natutunaw na wax nito sa ibabaw ng mga manikang may ugat na kasabay ng pagpapatulo niya ng kanyang dugo mula sa kupita sa kabilang kamay--may dinarasal din itong panibagong orasyon habang nakapikit.

Ilang saglit pa'y narinig ko na ang pagdaing ng magkapatid. Sa kanilang mga bibig ay may tila tig-isang maliit na ilaw o orb na pilit lumalabas upang lumiban sa bibig ng isat isa.

Halos kalahating oras silang nagkagano'n. Umuungol, dumaraing at umiiyak na tila nasasaktan sila sa nangyayari kanila.

Walang hinto ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko kasi akalain na makakasaksi ako ng kababalaghang katulad nito.

Maya-maya pa'y magkasabay nang humihiyaw ang magkapatid. Ito'y matapos magpalit ang dalawang maliliit na orb na naglabas-masok sa bibig ng isat-isa.

Ilang minuto rin ang lumipas bago sila kumalma. Ilang saglit na sinundan ng pagmulat ng kanilang mga mata.

Namilog ang mga mata ko habang nasasaksihan koalng tila dumidiretso na ang baluktot na mukha ni Herny. Dimidiretso na rin ang kanyang mga kamay at mga paa. At bagama't nanatili pa rin itong lumpo sa powerchair n'ya ay nagiging mas kahawig na nito ngayon ang kanyang mga kakambal.

"Ang usapan natin Eric." Serysong wika ni Henrietta. "Tumupad ka sa usapan."

Sumulyap muna sa akin si Eric, na ngayon ay nasa sarili na nitong katawan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Walang problema Mama. Pero sa isang kundisyon." Kalmadong sagot ni Eric sa kangyang ina.

"Anong kundisyon pa? Nagawa ko na ang napag-usapan natin ah!"

"We're taking Henry with us." Sinulyapan nito si Henry na ngumiti naman pabalik sa kanya.

"No!"

"Yes." Sagot ni Eric. "He's my brother I'm going to keep him!"

"No. No. No!" Nagsisisigaw ang si Henrietta. Sinundan ito ng pagsugod nina Josie, Brando at Max sa silid.

Nagulat ako kaya't napatakbo kaagad ako sa tabi nina Eric--sa gitna nila ni Henry.

"Hulihin niyo sila, dali!" Utos ni Henrietta.

Nataranta ako. Lalo na nang sinugod na nina Brando at Max si Eric.

"Tumakbo na kayo." Sabi sa amin ni Eric. Diretsong sinapak nito sa mukha sina Max at Eric.

Pinaandar na ni Henry ang kanyang powerchair. Sinabihan ko kasi itong mauna na papalabas habang ang Mama naman nila ay tinutulungan ni Josie na tanggalin ang mga shackles sa nagkabilang binti nito.

"Madison!" Pagtawag ni Eric sa akin habang nakikipagbuno ito sa dalawang sanggano. "Get the third bunch of keys on the third row." Sinipat ko kaagad ang sabitan n'ya ng mga susi at agad na sumugod doon.

Pero bago pa man din ako nakarating ay nahagip ni Henrietta ang aking buhok a likod. Isang paa na lamang pala'y makakalagan na ito ni Josie. Nakipagbuno ako. Hindi man naging madali  naabot ko pa rin naman ang pakay ko. Naging kapalit naman noon ang ilang bungkos ng buhok na naganot ni Henrietta mula sa aking anit. That really hurt, pero hindi ko na lang ito ininda. Mas inuna ko na lang ang tumakbo sa may pintuan habang sinusulyap-sulyapan ko si Eric--sa nagbabakasakaling may susunod pa itong instruction para sa akin.

"You know what to do!" Sigaw nito sa akin.

Ano raw? Anong alam ko na?

"Sina Nana Lydia!" Sigaw n'ya, matapos niyang sapakin ng isa pa si Brando. "We have to set them free!"

***

Footnote

(1) Pentacle: worn as a pendant, depicts a pentagram, or five-pointed star, used as a symbol of Wicca by many adherents.

(2) Angkh: also known as breath of life, the key of the Nile orcrux ansata (Latin meaning "cross with a handle"), was the ancient Egyptian hieroglyphic character that read "life", a triliteral sign for the consonants. It represents the concept of eternal life, which is the general meaning of the symbol.

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon