Story 3-Episode 20: eXeo

29.7K 820 110
                                    

Naghintay ako sa ipinangako n'yang paliwanag, pero naubos na namin at lahat ang dessert, pero kung ano-anong mga bagay lang naman ang sinasabi n'ya sa akin. Pakiramdan ko nga, nilalansi na lang n'ya ako para makalimutan ko ang hinihingi kong paliwanag.

"Are you going to tell me or not?" I said in a very low tone. Ang totoo, nagsasalita pa s'ya nang isiningit ko 'yun. May ikinukuwento siyang kung ano-ano na hindi ko na rin naman gaanong naiintindihan.

Natahimik siya. Nakatitig s'ya sa aking mukha.

"What?!" Nang makaraan ang kalahating minuto'y naro'n pa rin s'ya at nakatulala sa aking mukha. "Hindi ba't ikaw ang nangako na sasabihin mo? P'wede mo na bang ipaliwanag kung bakit mo sinabing oo at hindi na ikaw si Paul Mendez? Sino ka ba talaga?! Ang tunay o impostor?!"

"Ako si Paul Mendez."

"Then why do you want me to call you Lex?!"

"Dahil ako rin si Lex."

"Is that your second name?"

"No."

Anak ng tokwa! Sumasakit na ang ulo ko!

"Then what?!" Bulyaw ko. Inis na inis na talaga ako, "Paanong--"

"I-it's really complicated."

"Are you even going to try to expla--?"

We heard a knock on the door. Halos magkasabay kaming napatingin sa may pinto. Sa ikalawang katok, tinungo na ni Paul ang kinaroroonan ng pintuan; sumunod naman ako.

Sumilip muna ito sa door viewer at nakiramdam, "What's happening?" tanong n'ya sa nasa labas

"We need to vacate the place Lex, paparating na ang tropa nina Paul Mendez."

Napatingin sa akin si Paul; sinimangutan ko ito. Lalo lang kasi akong nalito sa tunay n'yang katauhan.

"Ok." Sagot n'ya sa kausap n'ya sa labas, "Go ahead. We'll take the East exit."

"Bilisan n'yo. Malapit na sila!"

Narinig namin ang kanilang mga yabag. Nagsisitakbuhan na sila papalyo.

"Get dressed." Utos n'ya sa akin. Naka-robe lang kasi kaming dalawa."We need to go."

"Na naman? Pero pa'no na 'yung hinihingi kong paliwanag? Nangako ka di ba? Sab--"

"We have no time right now, we need to go." Nakapagbihis na s'ya nang pinulot niya ang aking mga damit para ibigay ang mga ito sa akin."

***

I found out that East Exit refers to the Eastern parking kung saan nakaparada ang pulang sportscar. Mukhang nagkani-kaniya na sila sa pagsibat ng kaniyang mga kasama kanina, dahil wala na akong nakita sa kanyang mga kasamahan sa kalyeng aming dinadaanan.

Hindi ko na alam kung saan na kami naroroon. Gabi na kasi at madilim na ang kalye at kapaligiran. Lalo na nang napagawi na kami sa isang highway, matapos nitong magpaliko-liko kung saan-saan.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Akala ko ba ikaw si Paul Mendez?" Pagbasag ko sa katahimikan habang nagmamaneho ito. "Pero bakit daw tayo hinahabol ni Paul Mendez?"

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon