Story 2-Episode 16: atteXo

34.3K 877 24
                                    

"Eric? Ikaw na ba si Eric?" si Mommy, habang pinapasadahan ng tingin si Eric.

It's our graduation day. Eric finished his Bachelor's degree in Economics, samantalang ako nama'y Business Administration.

"Kilala niyo po ba talaga ako?" nakangiting tanong ni Eric kay Mommy.

"Oo pero," Sumulyap muna sa akin si Mommy, "hindi ko alam na ikaw pala ang boyfriend nitong anak ko. Tingnan mo nga naman ang buhay oo. Akalain mong hanggang ngayon gusto mo pa rin itong pangit na 'to." Tumawa siya, sabay turo sa akin.

"Wow." Reaksyon ko, "Sarili kong ina?" nakairap ako. Tumawa lang si Mommy.

"Kumusta ka na ba, hijo? At 'yung kakambal mong si Lucho."  Napatingin sa akin Eric.

"A-ahm. M-my brother passed away 3 years ago po." Hinawakan niya nang pasikreto ang kamay ko.

"Oh no, what happened?" 

"A-aksidente po."

"Anong klaseng aksidente?"

"We fell into a ravine. I survived, he didn't."

Nagulat ako.  Napatingin ako kay Eric na nakatutok naman ang paningin kay Mommy. He never mentioned they both fell. I thought it was only his brother who fell and died.

"Oh my goodness." Tinakpan ni Mommy ang kanyang bibig.  "I'm so sorry, hijo. I didn't know."

Tumango lang si Eric. Ngumiti nang bahagya.

"Pero alam mo ba?" dugtong ni Mommy, "Na madalas ka ring maaksidente noon?"

Napakunot si Eric, "ako po?"

"Oo ikaw."

"Ano pong klaseng aksidente?"

Nag-antanda si Mommy, "Sumalangit nawa ang kapatid mong si Lucho, pero masyadong pilyo kasi noon ang kapatid mo, ilang beses ka niyang gamuntik nang naipahamak."

Nagkatinginan kami ni Eric.

Lumapit si Mommy sa kanya. May hinawakan ito sa noo ni Eric.

"Kita mo yan?" Si Mommy, itinuturo ni Mommy ang manipis na pilat ni Eric sa ilalim ng kanyang bangs.  Pilat na ngayon ko lamang napansin. "Yan 'yung sugat na tinamo mo nang itinulak ka niya sa tabing-ilog noong mga bata pa kayo."

Tiningnan n'ya si Mommy na tila hindi nito maalala ang tinutukoy nito.

"Hindi mo na maalala?" tanong ni Mommy sa kanya.

Tumango si Eric

"Ang totoo, hindi ko talaga masasabing aksidente 'yun, kasi ayon do'n sa yaya niyo, itinulak ka raw ni Lucho dahil ayaw mo raw itong pansinin. Busy raw kasi kayo sa paglalaro nina Martin at Madison. Akala nga namin noon hindi ka na makakaligtas. Pero mukhang nagamot ka rin pala.  Hindi na namin kasi kayo nakita ilang linggo matapos ang aksidenteng 'yun. Nagpunta na raw kayo sa Europa ayon sa driver ng Papa mo."

"S-sigurado po ba kayong ako ang nalaglag?" Tanong ni Eric kay Mommy.  Bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Oo. 'Yan nga ang pilat mo oh." Itinuro ulit ni Mommy ang pilat ni Eric sa noo. "Mahaba ang buhok mo noon, hanggang dito."  Itinuro niya ang kaliwang panga ni Eric. "Bakit mo naman naitanong? Hindi mo ba alam?"

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon