Story 1-Episode 32: cXema

42.8K 994 38
                                    

"Gusto mong sumunod?" Tanong ni Don Segundo kay Guadalupe. 

"Wala na rin naman ang mag-ama ko eh, bakit hindi? Sige, patayin n'yo na rin ako!" Umiiyak na sagot nito. "Ang ipinagdarasal ko lang ay ang mapagbayaran n'yo balang araw ang lahat ng inyong kasamaan; ang pang-aabuso at pagpatay n'yo sa ina ng batang Aguero, ang pagpapatay n'yo sa kanyang Ama, pati na rin ang pagtatangka ninyo sa buhay n'ya, at ang panggagamit sa mga tao para lang kalauna'y idispatsa. Akala mo nakalalamang ka, pero nakakakaawa ka. Nasa 'yo na nga ang lahat pero wala ka namang kasiyahan. Tumanda ka nang nag-iisa. Patuloy na nag-iimbot kahit sa mga taong ipinapatay mo na. May katawan ka nga pero walang kang puso at kal--" Mukhang pinatahimik rin siya ng isang putok ng baril mula mismo sa baril na hawak ni Don Segundo.

Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ang mapahagulhol at amakalikha ng ingay; bagama't hindi ko maipaliwanag ang sakit sa dibdib ang aking nadarama, ginawa ko pa rin ang lahat ng makakaya ko para mapakalma ko ang sarili ko.

"W-wala kang k-kalulu...wa."  Nagulat ako, boses pa rin iyon ni Guadalupe.  Sumilip ako, sa balikat lang pala siya pinatamaan ng matanda sa kanya.

Tila nabuhayan ako ng loob, ngunit para lang muling kabahan nang muli itong tinutukan ng baril ni Don Segundo.

"Sige, subukan mong iputok 'yan." Sabi ni Thirdy kay Don Segundo.  Nakalabas na rin pala ang baril nito. Nakatutok ito sa mismong sa sentido ng matanda. "Pasasabugin ko rin ang utak mo."

Hindi gumalaw si Don Segundo, bagama't nakangisi ito para inisin si Thirdy.  "Be my guest."

"You framed my Dad.  Ikaw ang tunay pumatay kay Mama?!" Nanginginig si Thirdy.

"Eh paano kung ako nga? May ebidensya ka?" Humalkhak ito. "Pasensya na, masarap kasi ang nanay mo eh. Nag-enjoy naman s'ya bago ko s'ya pinatay. Nakakatawa nga lang talaga ang hitsura n'ya habang sinasaksak ko ito sa dibdib. Ganun pala ang hitsura ng babaeng namamatay habang kinakantot?" Sinundan nito ito nga malakas na halakhak.

Kakalabitin na sana ni Thirdy ang gatilyo nang, "Aguero!" Sigaw ng hepe pulisya. Lumalapit ito kay Thirdy. Ang totoo'y kasama na namin sila kanina pa upang matulungang kaming mai-record ang confession ni Don Segundo na s'yang maglilinis sa pangalan ng ama ni Thirdy. Kinuha ng hepe ang baril sa naginginig sa galit na si Thirdy.

Kasunod ng hepe, nag-umpisa na ring magsisulputan ang mga kasama nitong alagad ng batas, para isa-isang hulihin at iposas si Don Segundo at ang mga tauhan nito.

***

Daddy didn't made it.  Ayon sa awtopsiya.  He died on the spot when he was shot on his forehead. Sa awa ng Diyos, nakaligtas naman ang tunay ko ina.  Naka-confine sila pareho ni Rina sa Ospital para do'n na magpagaling.

***

Sa silid ng tunay kong ina kung saan ay naroroon din si Rina...

"Ano po ba talaga ang istorya? Naguguluhan po ako. Paano po ba kayo nagkasabit-sabit sa mga palabas ni Don Segundo? Ma... Ah, eh, ano po ba ang gusto niyo itawag ko sa inyo?"

"Mas gusto kong tawagin mo akong...Inay." Nakangiting sagot ni Guadalupe.

"I-inay." Nginitian ko ito.

"Dalagitang katulong pa lang ako nang mag-umpisa ang gulo ng mga Aguero at Villacorta.  Nag-umpisa ang kaguluhan ng dalawang makapangyarihang angkan nang pinakasalan ng biyudang ina ni Don Segundo ang byudong lolo ni Third. Lalo na nang ipinamana ng ina ni Don Segundo ang karamihan sa kanyang ari-arian sa ama ni Third, sa halip na sa kanya, bago ito pumanaw."

"Pero bakit nga ba hindi sa kanya ipinamana, samantalang s'ya naman ang anak?"

"Dahil walang tiwala ang ina ni Don Segundo sa kanya. Babaero kasi ito, sugarol at marami pang masasamang bisyo. Samantalang ang ama ni Third, mabait, pino, matino at matalino."

"Pero paano kayo nasangkot? Bakit si Marina ang kinilala kong ina? Bakit hindi ikaw?"

"Simple lamang naman talaga ang buhay namin ng ama mo noon.  Isa ako sa mga katulong sa mansyon ng mga Villacorta, habang ang Daddy mo naman ang Driver ng pamilya nila.  Do'n tayo no'n nakatira, do'n ko rin nga kayo ipinanganak ng ate mo sa mansyon nila. Ang kaso, habang ipinagbubuntis kita, nag-umpisa na ring magloko ang Daddy mo.  Nahawa s'ya sa amo n'ya, kasama na rin 'yung pakikipagrelasyon nito kay Marina."

"So, totoong nagkahiwalay kayo, at pagkatapos ay sumama ito kay Marina?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Oo." Napabuntong hininga siya, "Pero hindi talaga ako doon nasaktan. Mas nasaktan ako nang dinala ka niya at ang ate mo, lalo na nang magkasakit at pumanaw ang ate mo na hindi ko man lamang nakikitang muli."

"Pero bakit? Bakit s'ya ang kinilala naming ina at hindi ikaw?"

"Nagalit sa akin ang ama mo nang pinagbantaan ko siyang isusumbong sa kinauukulan.  Kaya para panatiliin ang pananahimik ko, kinuha n'ya kayo, pero hindi ko alam kung saan n'ya kayo dinala. Hindi naman ako makalabas ng mansyon, dahil simula nang mamatay ang matandang Villacorta, naging tila bilanguan na ang mansyon. Walang pwedeng lumabas nang buhay. Naka-tap lahat ang mga telepono.  Dahil na rin sa nalalaman naming mga kasamaan at kabulastugan ng aming bagong amo."

"Isusumbong sa kinauukulan?  Isusumbong n'yo ang alin?"

"Ang pagdampot nilang mag-amo sa mga babaeng natitipuhan nila kung saan-saan, para halinhinan nilang gahasaing mag-amo at ng iba pa nilang mga kasamahan.  At kapag nagsawa na sila sa kanilang mga dinadampot, pinapatay nila ang mga ito at pagkatapos ay itatapon na lang kung saan-saan."

"Yun ba ang ginawa nila kay Rina?"

"Iba ang kaso ni Rina."  Anya, "Si Rina ang unang inutusan nila na lasunin ang ama ni Third kapalit ng kaligtasan ng mga magulang nito sa Bataan.  Nagpanggap itong part-time na empleyado sa opisina. Filing clerk, tagatimpla ng kape at tagahanda ng miryenda ng matandang Aguero. Pero nang hindi nito nakayanang gawin ang ipinag-uutos sa kanya, do'n na nagbago ang naging silbi nito sa mag-amo. Isinama na rin ito sa mga babaeng pinaglalaruan nila, ginagahasa, sinasaktan at kapag nagsawa na'y saka nila papatayin."

"Diyos ko..." Bulong ko.

"Tuso si Don Segundo.  Samantalang isang mang-mang at tau-tauhan naman ang iyong ama. Hindi ko nga masikmura na pati ikaw ay nilinlang n'ya. Kumuntsaba ng taong magpapanggap na duktor, para lamang mapalabas nila ni Marina na may malala itong sakit.  Para ano?  Para magamit ka n'ya sa batang Aguero?  Alam mo bang hindi aksidente ang pagkikita niyo ni Third?"

"Ano po?"

"Hindi aksidente ang pagkikita niyo ni Third."

"Anong ibig niyong sabihin?"

"Kasabwat ng iyong ama ang ilan sa mga tauhan ni Third. Pilit dinadala ng mga ito si Third sa mga lugar na maari kayong magkita at magkadaupang palad. Matapos ang ilang beses na pagkabigong pagkitain kayo ng batang Aguero,  nagtagumpay din sila sa huli. Simula noon binuo na ng iyong ama ang kanyang maitim na plano.  Ginawa niya 'yun para makapagpasikat sa kanyang amo, na no'ng mga panahong 'yon ay nagkakaroon na ng bagong paborito.  Hindi matanggap ng iyong ama na hindi na siya ang paborito ng kanyang amo, kaya hayun, nadamay ka...Idinamay ka n'ya."

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon