Story 1-Episode 23: cXema

42.9K 947 52
                                    

I feel guilty treating Mateo so badly. Ako na nga ang may malaking atraso sa kanya, ako pa ang may ganang magsungit. Pero wala akong magagawa, 'yun lang kasi ang naiisip kong paraan para hindi na mas lalong mapalapit pa ang kalooban ko sa kanya.

Nakakainis naman kasi ito. Humahanap na nga ako ng paraan para kamuhian s'ya, o makahanap ng mga reasons para hindi ako makunsensya sa mga binabalak ko laban sa kanya, pero lalo pa yata itong nagiging sweet at mabait sa akin.

Bakit ba s'ya gano'n? Bakit kung kailan mas kailangan ko nang sumpungin ito ng topak sa ulo'y saka naman ito tumino. Sinasadya ko na nga kung minsan ang paggawa ng mga bagay na siguradong ikabubuwisit n'ya;  hoping na maging ugat 'yun ng aming matitinding pag-aaway, pero hayun s'ya, cool na cool pa. Ang kinalabasan? Ako pa ang nagiging mas sumpungin sa kanya.

Limang araw na lang ang natitira sa palugit ko kay Don Segundo, pero hindi ko pa rin talaga alam ang gagawin ko. Ni wala akong plano; kung meron mn, nauunsiyami lang ito dahil sa mga kabutihang ginagawa sa akin ni Mateo. Mga kabutihang sa totoo lang, natutukso na akong gantihan, pero hindi ko naman magawa dahil sa dami ng balakid nakaharang sa aming dalawa.

My situation is not getting any easier, and my surging pregnancy hormones is not helping. Dahil sa aking pagbubuntis, mas naging emosyonal ako. Alam n'yo 'yung pakiramadam na parati na lang ako naiiyak, naiinis...sinusumpong and I can't even control it. Daig ko pa ang nasasapian ng masamang ispiritu.

***

"Anak," Bungad sa akin ni Mommy, nang sinagot ko ang cellphone ko. "Natanggap mo raw ba ang mensahe ni Don Segundo sa 'yo? Gusto n'yang malaman ang estado ng pinapagawa niya sa 'yo."

"Shit!" Bulong ko.

"Ano?!" Tila naiiritang tanong ni Mommy sa kabilang linya.

"W-wala po." Sa mababang tono.  Napapatingin ako sa pintuan ng k'warto; Kinakabahan ako baka biglang pumasok si Mateo. "May limang araw pa naman ako 'di ba?"

"What's taking you so long?" Nakaiiritang banat ni Mommy, "Alalahanin mo anak, malaki na ang naibibigay ni Don Segundo sa atin. Mahigit dalawang milyon na ang nailabas n'ya dahil tinubos din nito ang bahay natin."

Nabubuwisit talaga ako kapag tinatrato akong tila walang utak ng aking ina. Mabuti sana kung tinutulungan n'ya akong pasanin ang aming mga problema. Pero sa halip na tulungan ako, lalo lang n'yang pinabibigat ang mga pasanin ko. Mabuti sana kung hindi ko alam na...may relasyon sila ni Don Segundo.

Hindi naman ako malinis na babae. Nakikipagtalik din ako sa lalaking hindi ko asawa. Pero at least, wala akong asawang pinagtataksilan. Lalo pa't kung ito'y nakaratay sa ospital at may malalang karamdaman.

Halos bumaliktad ang sikmura ko nang mahuli ko sila ng matandang hukluban na 'yon. Minsang umuwi ako sa bahay para kumuha ng ilan sa aking mga kagamitan. At sa dinamirami ng pagmimilgruhan, do'n pa man nila napiling gawin ito sa k'warto nila  ni Daddy. Dahil do'n, nagdududa talaga ako kung magkakuntsaba na sila, simula pa lang sa umpisa.

Hindi nga kaya, silang dalawa ang may pakana ng lahat? Sa una pa lang kasi, si Mommy na itong halos ipagtulakan ako sa matandang tuso na 'yun.

Ang gulo-gulo na talaga ng isipan ko. Pakiramdam ko, isang nerve na lang ang hindi pa pumipirma para tuluyan na akong magka-nervous breakdown.

***

"Sofia! Sofia!" Pagtawag ni Mateo, habang kinakatok ako sa loob ng isang cabinet. "What are you doing there? Sofia!" Muli itong kumatok.

Tomorrow, is my last day to have his signature. Pero heto ako, naduduwag;  nakasiksik sa loob cabinet. Pilit inoorganisa ang isipan.

"Leave me alone, Mateo. Please?"

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Kausapin mo ako. Lumabas ka r'yan. Ano bang problema mo, Sofia?"

Hindi ako sumagot.

"Sofia." Nanlulumo ang boses niya, "Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit biglang-bigla ka na lang nagbago. Ayaw mo na ba sa 'kin?"

Of course not, Mateo. I want you. I want you with my whole heart.

"Sofia..." Nanginginig na ang boses nito. "May mali ba akong nagawa? May dapat ba akong ginawa na hindi ko ginawa?"

No. You've been perfect since I moved in with you.

"Sofia please? Please talk to me. Bakit ang layo-layo na ng loob mo sa 'kin? Kung kailan tayo nagsama sa iisang bubong, saka ka naman dumidistansya. You don't smile often anymore. I always catch you crying. We haven't been intimate for two weeks now. Ano bang problema? Ayaw mo na ba sa 'kin?" Naririnig ko ang pagsinghap n'ya. "Ginagawa ko naman lahat para ma-please kita di ba? Kung kulang pa, please sabihin mo sa 'kin. I'm willing to adjust, but please... don't just leave me behind without a fair fight."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Parang sasabog ang didib ko habang pinakikinggan ko ang boses n'ya. Ano ba ang gagawin ko? Hindi ko talaga ito kayang papirmahin. Hindi ko rin ito kayang traydurin. Pero hindi ko rin kayang bayaran ng buo ang utang namin kay Don Segundo.

"Gosh Sofia." Ninuksan na nito nang puwersahan ang cabinet na kinalalagyan ko. "What's the matter?" hinatak ako nito at niyakap.

"I'm in deep shit, Mateo." Basang-basa ng luha ang aking buong mukha. Gulo-gulo ang aking buhok. "And I don't know..." Halos hindi na ako makapagsalita sa paghikbi, "How to get out of it without..."

"Without what?" Sapo-sapo nito ang aking mukha.

"Without hurting you."

Natigilan ito sandali. "Why?" Nanginginig ang boses n'ya, "Are you planning to leave me?"

"No. It's...even worse than that."

Nagliwanag ng kanyang mukha, "What could be worse than you, leaving me...have you cheated on me?"

"I-I..." Bigla akong napipi hindi ko kasi alam kung matatawag kong cheating ang pinaplano kong gawin.

"Sino? Ha!" Biglang tumaas ang kaniyang boses; nanlilisik din ang kaniyang mga mata."Sabihin mo!" Niyuyugyog n'ya ang magkabilang balikat ko. "Mas magaling ba sa s'ya akin? Mas gusto mo s'ya kaysa--"

"It's not that kind of cheating Mateo!"

"If it's not that, then what?!"

"I'm sure you're gonna hate me," Tumayo na ako't lumabas ng cabinet, "Kaya please allow me to pack my things first."

"W-what the--so you're just going to leave me?!" Mataas ang boses n'ya bagama't bakas sa kanyang mukha ang matinding pagkabigla at pag-aalala.

"I don't want to, but I better prepare so you don't need to drag me outside after I've told you everything."

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon