Story 1-Episode 19: cXema

49.1K 1K 92
                                    

"There is no excuse for what I've said." Anya, habang naghahanda na kami sa pagtulog, "Please let me know how I could make it up to you?"

Hindi ako sumagot, because the truth is, I don't want him to make it up to me. I don't want him to show me his bright side. I don't really want to feel his soft side. I don't want to be too attached to him because that's not the reason why I'm here.

"I'll sleep on the couch." Malamig na sabi ko, matapos kong kunin ang isang unan sa kama.

"Hey!" Hinablot niya ang unan na kinuha ko, "What?"

Kinuha kong muli ang unan na hinablot niya. "I said, I will sleep on the couch." Nag-umpisa na akong humakbang palayo.

"Wait teka!" Nahagilap n'ya ako sa braso.

"Bakit do'n ka matutulog?"

"Either ako, o ikaw ang dapat matulog do'n, Mateo. I am the visitor here, kaya ako ang matutulog do'n."

"You're not a visitor here." He gave me that frustrated look.

"Yes, I am"

"No, you're not!" Kinuha n'ya ang unan na hawak ko.

"Yes, I ummh!"

He kissed me, and then used his manly strength to squeeze me closer to him. Nagpupumiglas ako hanggang sa makakuha ako ng buwelo para makakalas sa kanya. Nagulat s'ya nang agad akong lumayo sa kanya.

"The slut is really tired right now." Muli kong kinuha ang unan na nalaglag na sa kanyang paanan. "If you want to have sex with her, you better learn to wait 'till she's recharged." Tumalikod na ako at naglakad palayo.

"I'm not asking for it. I-I just want to sleep beside you." Anya.

Hindi ko ito pinansin. Nagdire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan ng couch. Naupo muna ako ro'n at saka ko pinagpag ang unan.

"Sofia please?"

Sinundan pala ako nito. Lumuhod sa harapan ko, sumubsob sa ibabaw ng hita ko, at pagkatapos ay niyakap ang aking balakang.

"Please forgive me. I didn't mean to call you a slu--" Hindi na niya masabi this time. "I'm just in a deep shit right now and it is significantly affecting my psyche." Pagtutuloy niya. "I am not saying this to find myself an easy way out. But I do beg for your forgiveness, and another chance to set things right. Please, Sofia. Please let me in again..."

Pilit kong tinanggal ang pagkakayapos n'ya sa aking balakang.

"I'm really tired, Mateo." Humihiga na ako sa sofa. "Bukas na lang tayo mag-usap." I turned my back against him. Ibinaon ko ang mukha ko sa may bandang sandalan ng coach and then completely dozed to sleep.

***

Sumigaw ni Mateo.

He's coiling sideways on the floor--sa tabi mismo ng hinihigaan ko. He was grimacing in great pain, holding his groin with both hands.

Natungtungan ko kasi ang significant part niya matapos kong bumangon papunta pa banyo para umihi. It was 2:30 nang madaling araw.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"What are you doing on the floor?!" Singhal ko sa kanya. Napapasulyap sa kanyang unan at comforter na nakalatag sa sahig.

Was he sleeping on the floor?

"I told you..." Namimilipit pa rin ito sa sakit, "I want to sleep beside you."

"Are you insane?"

"Yes!" Namimilipit pa rin ito.

He must be really hurting kaya lumuhod na ako sa sahig para subukang ma-comfort ito.

"Ang tigas-tigas ng sahig, ba't di ka na lang do'n sa kama mo?!" Kunwari'y naiinis na sabi ko sa kanya.

Kunwari...dahil sa totoo lang, nata-touch na ako sa pinaggagagawa n'ya.

"Ayoko sabi kung hindi kita katabi."

Exactly what I'm talking about.

"Ah, ewan ko sa 'yo. Magsi-C.R. lang ako." Tumayo na ako at nilakdawan s'ya para makapunta ako sa banyo.

I tried to appear as cold as I could be towards him, but it is killing me inside. Lalo na habang sinisilip ko ito mula sa maliit na siwang sa pintuan ng banyo ay naaaninag ko kung paanong inaayos niyang muli ang kanyang sarili sa pagkakahiga sa sahig.

Halatang hindi ito kompurtable. Halatang may nanakit pa ring parte sa kanyang katawan. Tila isa itong batang paslit na tumagilid at kinakapa-kapa ang kaninang kinahihigaan ko.

Naluluha ako. Bakit ba naman kasi nagkakaganito ang lalaking 'to? Ganun ba siya kasabik sa 'kin? Ganun ba talaga n'ya ako kamahal? Pero pa'nong mangyayari 'yun gayung hindi pa naman talaga n'ya ako kilala? P'wede ba talagang magmahal ng isang taong hindi pa natin lubusang kilala? O baka naman...mas madali lang talagang mahalin ang hindi pa natin lubusang nakikilala.

Mabuti pa nga ako, kahit pa'no, alam ko na ang ilang detalye ng pagkatao niya. Pero ako? Ano bang alam n'ya tungkol sa 'kin? Pa'no n'ya 'ko mamahalin kung wala naman s'yang nalalaman sa totoo kong pagkatao?

"Mateo..." Mahinang bulong ko sa kanyang tenga. Tinatapiktapik ko rin ang kanyang braso. Bumalikwas naman ito at tiningnan ako. "Sige na nga, magtabi na lang tayo do'n sa kama. Ako ang nahihirapan sa 'yo sa paghiga mo d'yan sa sahig eh."

"Talaga?" Bumangon muna ito nang paupo, kinuha ang mga unan, kumot at comforter namin, bago ito tumayo at mabilis na dinala ang mga 'yun sa kuwarto. "Huwag kang gagalaw d'yan!" Aniya, nang ako naman ang papatayo.

Natigilan ako. "Why?"

Humahangos ito palapit muli sa akin at saka n'ya ako binuhat nang pahalang sa kanyang mga bisig.

"I want to carry you." He indeed carried me. Gently and carefuly towards his bed.

Napanganga ako sa kanyang ginawa; Nakatanga ako sa kanya habang pinagmamasdan ko ang pagpunta n'ya sa kanyang p'westo.

"Tulog na tayo, Sofia." Nakangiti siya, nakabuka ang mga braso. "Dito ka na umunan." Itinuturo n'ya ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib--sa may bandang kilikili. Sumunod naman ako. Hinalikan muna n'ya ako noo, bago nito inamoy-amoy ang buhok ko. "Now, I'm the happiest man alive."

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon