Story 3-Episode 9: eXeo

30.1K 811 126
                                    

It took us a good one hour and a few minutes to make it to the main road. Kamalas-malasang halos wala namang dumaraang sasakyan do'n. Kung meron man, either puno na o ayaw naman kaming pasakayin.

Tatlumpung minuto ang nakalipas, nang natanaw na namin ang grupo nina Martin sa di kalayuan. Halos magkandarapa ang mga ito sa pagtakbo papalapit sa amin, matapos ang unang pagkakataon na natanaw nila kami.

Naawa ako kay Landon. Buhat-buhat pa rin kasi ako nito habang humahangos kami papalayo. Mabuti na lang at huminto ang pinarang truck nitong may lulang mga manok sa likod ng sasakyan.

"P'wede po bang makisakay." Humihingal na sabi ni Landon sa driver ng truck, "Kailangan ko lang pong dalhin ang misis ko sa ospital."

Wow ha! Hanep sa script. May instant husband ako. Tsk, mabuti sana kung may benefit.

"Aba oo naman. Halikayo. Sumiksik na kayo rito sa unahan." Itinuturo nito ang passenger's side ng truck kung saa'y may pinausod siyang binatilyo papalapit sa kaniya--para mabigyan kami ng espasiyo ni Landon.

"Maraming salamat po. Tayo na po!" Ani Landon kasabay ng mismong pagsasara nito ng pinto.

Mabilis na nakaandar ang truck. Sa awa ng Diyos, nakalayo na kami nang tuluyan sa mga humahabol sa amin.

Bumaba kami sa isang bayan, kung saan kami nakasakay sa isang taxi.

"Manong." Ani Landon sa taxi driver. Magkatabi kami sa likuran. "Pakihinto n'yo nga po sandali sa tapat ng tindahang 'yon." Itinuturo nito ang isang tindahan.

Huminto naman ang taxi.

"Nadine, dito ka muna." Mahinang bulong nito sa akin. "Kailangan ko lang makitawag."

Sinulyapan ko ang payphone sa may pasimano ng tindahang tinutukoy n'ya.

Nakapagtatakang sumusulyap-sulyap si Lanson sa akin habang may kinakausap sa pay phone. Medyo malayo ang taxi at nakasarado ang bintana, kaya kahit nakikita ko ang pagbuka ng kanyang bibig, hindi ko naman naririnig kung ano ang kanyang sinasabi. Natapos din naman agad ang pakikipag-usap nito.

"Manong, tayo na po." Ani Landon sa driver na halos kasabay ng pagsasara nito ng pinto ng taxi, "Pakidala n'yo po kami sa address na 'to." May iniabot itong papel. Kinuha naman ito ng taxi driver.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Landon habang papaandar na ang taxi.

"Basta." Hindi ito nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, gayung, kampante naman ako sa kanya kanina. Siguro, dahil ito sa tila pag-iiba ng ikinikilos nito matapos nitong makitawag sa telepono. Pasikreto ko itong sinipat sa tagiliran ng aking mata. Tama. Tila naging mas tensyonado ito. Nahalata ko ito sa galaw ng kanyang mga kamay at mga binti. Hindi ito mapakali; animo'y ninenerbiyos.

Lalo akong kinabahan nang nag-umpisa nang magpaliko-liko ang taxi bago namin binagtas ang isang highway. At sa bandang walang masyadong mga gusali, lumiko ito pakanan, patungo sa isang makipot na daan.

"Nandito na po tayo." Sabi ng taxi driver.

Nagtataka ako, dahil nakahinto lang naman kami sa isang intersection na walang ibang sasakyan kundi ang aming sinasakyang taxi. Wala ring tao ro'n at wala ring mga bahayan o gusali.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Ok." Ani Landon. "Heto." May iniabot itong dalawang-libong piso.

"Sir, sobra po 'yan, wala po akong panukli." Sabi ng driver.

"Sa 'yo nang lahat." Tugon naman ni Landon, "Basta't kalilimutan mo nang may inihatid ka rito, ok ba?"

Natigilan ang taxi driver sandali. Nakikipagtitigan ito kay Landon sa rearview mirror.

"Malinaw ba?" Pag-uulit ni Landon. Mas may diin na ito.

"O-opo. Sige po." Ninerbiyos na sagot ng taxi driver.

Bumaba na si Landon, bago nito ako inalalayang bumaba. I was limping as I walk out. Tumayo ako with only one feet at tahimik kong pinagmasdan ang pag-alis ng taxi. For some reason, mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko.

"What are we doing here?" Pagtingala ko kay Landon.

Hindi ako nito pinansin. Nanghahaba ang leeg nito na tila may hinihintay.

Nag-iba na nga talaga ito. Hindi na nito ako hinahawakan. Pinabayaan lang nito akong nakatayo ro'n habang nagpaparoo't parito at sinisilip ang bawat kalye ng intersection.

Hindi nagtagal, may dumating nang isang itim na mercedez benz mula sa isa sa apat na kalye. Tumigil ito sa aming harapan at agad na iniluwa ang isang pamilyar na lalaki...

Si Andrew.

"What took you so long?!" Naiiritang tanong sa kan'ya ni Landon.

"Don't start up with me Landon!" Panduduro ni Andrew kay Landon, "Ikaw ang pumalpak, ikaw pa ang may ganang mainis ngayon?!" Sumulyap ito sa akin at ngumisi.

"Anong pumalpak?!" Sigaw ni Landon, "It didn't go as planned dahil nakialam ang tatay mo at ang magaling nitong kabit!" Nanginginig ito sa galit. "Ang usapan, sa park natin tatambangan si Nadine. Pero anong ginawa ng tatay mo? Iniba niya ang plano. Dinala nila si Nadine sa ibang lugar, at ako...putang ina pare! Bakit pati ako idinamay ng tatay mo? Pa'nong nalaman ng tatay mo, kung sa'n ako matatagpuan?! Ikaw ang nagsabi 'no? Are you trying to double cross me?" hinawakan nito ang kuwelyo ni Andrew. "Hayup ka, tinraydor mo ako 'no!"

Litong-lito na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalo na nang nag-umpisa na silang mag-away at magsuntukan.

Napaatras ako. At sa gitna ng kanilang pagbubuno ay humihingkod akong naglakad papalayo. Hindi ko man sigurado kung ano ang ginagawa ko, at kung may mapapala ba ako sa pagtatangka kong makatakas. Naglakad ako papalayo hanggang sa makakaya ko. Gusto ko nang umiyak, pero hindi naman ako mapaiyak. I'm just too scared and confused. That's all I am sure of.

Shit. Does this mean na hindi ko rin mapagkakatiwalaan si Landon? And that... he and Andrew are both part of a masterplan--I am not quite sure what exactly--at this point?

"Hoy!" Dinig kong sigaw ng dalawa sa aking bandang likuran.

Shit! They finally noticed that I'm trying to escape. Mas binilisan ko ang paglalakad ko, pero napakasakit talaga ang isang ankle ko. Pagang-paga na ito and very, very sore.

I don't know what to do. I'm so scared. Lalo na nang naririnig ko na ang mga yabag ng kanilang pagtakbo papalapit sa akin.

Ilang dipa na lang ang layo nila sa akin nang ginulantang ako ng isang rumaragasang motorsiklo sa aking bandang likuran. Daig ko pa ang manikang basta na lamang dinagit ng kung sino man ang driver ng motorsiklo.

Huminto ito saglit matapos makalayo nang kaunti kina Landon at Andrew at saka nito ako iginiyang sumakay sa kanyang likuran at sinenyasang humawak nang mahigpit sa kanyang katawan.

"Kumapit ka Miss." Malalim ang boses nito. Boses lalaki. Nakasuot ito ng itim na helmet kaya hindi ko makita ang mukha nito. "Kapag nalaglag ka dahil lalamya-lamya ka. H'wag ka nang umasang tutulungan kita. Iiwanan kita." Maangas nitong dugtong.

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon