Story 3-Episode 18: eXeo

32.6K 831 101
                                    

"Don't tell me you're taking advantage of your disguises para malaya kang makagawa ng krimen?" while snuggling in bed, right after we wore ourselves out making love.  Nakaunan ako sa kanyang dibdib. I can feel him brushing my hair with his fingers repeatedly.

Napatawa siya, "Of course, not."

"Then what do you call what just happened in the park?"

"A loony interval, I guess."

Tumatawang nagpalit ako ng p'westo.  Humiga na ako nang maayos sa kaliwang side ng canopy bed.

"Do you always have that?" habang sinisipat ko ang silhouette ng kanyang mukhang naka-side view sa aking anggulo. Nakatingin kasi ito sa itaas.

"Have what?" iniharap na n'ya ang kanyang mukha sa akin.

"Your lunatic interval."

Muli siyang tumingin sa itaas, "kung minsan lang.  Either kapag sobrang nababagot ako dahil wala akong magawa o kapag naiinis ako dahil sa sitwasyon ko o kapag nagagalit ako dahil sa nangyari at nangyayari pa rin sa buhay ko o p'wede ring dahil masaya lang ako dahil finally, after almost a decade and a half of lonesomeness, isolation, mayro'n akong constant na kasama sa araw at gabi; sa pagtulog at sa paggising." Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan 'yun, "Na sobrang na nagpapasaya sa 'kin."

Tumagilid siya pakaliwa para titigan ako.  Tumagilid naman ako pakanan para makipagtitigan sa kanya.

'What a beautiful creature,' Sabi ko sa isipan ko.  'What a shame he has to go through this kind of life.'

Sa publiko.  Tinitingala ang isang Paul Mendez.  He's a well-known  powerful man who can get whatever he wants.  Sino nga ba ang mag-aakala na kung sino man ang nasa kabihasnan at nagpapakita sa madla'y mga impostor lang? Mga impostor na ginagamit ng mga taong tumutugis sa kanya para tuluyan nang mapasakanila ang kayamanan at kapangyarihan ng mga Mendez. Mga taong sakim at halang ang mga kalukuwang kayang gawin ang kahit na ano, makuha lang nila ang kahit anong kanilang naisin.

"What do we do next?" habang tine-trace ko ng aking hintuturo ang linya ng kanyang matangos na ilong at malalambot na mga labi.

"We have set a trap for the second impostor."

"We? Are you talking about Andrew here?"

Nagbuntong-hininga muna siya, bago muling humiga nang patihaya at tumingin sa kesame.

"No."

Napakunot-noo ako. "Then who?"

"'Yung totoong mga tauhan ko."

"'May mga tauhan ka?"

Bumaling s'ya sa akin at saka n'ya ako nginisian.

"Why? What makes you think na wala?" Muli s'yang tumagilid paharap sa akin. "Dahil ba lagi akong nagsosolo?"

"Pretty much." Nakanguso ako, "and siguro dahil na rin sa sinabi mong isolated ka, at parati kang nagtatago.  I have this immediate impression na...nag-iisa ka lang parati."

"I already told you. I trust no one, kaya I always keep my distance. I do have people working for me. But I only work with them from the distance."

"Like Charlie in Charlie's Angels?" 

Napatawa siya. "Something like that."

"Bakit? Shy type ka ba?"

Mas lalong lumakas ang pagtawa n'ya na agad din namang napawi bago n'ya sinabing...

"That's what you do when everybody seems after your head."

"Pero bakit?"

Hindi n'ya ako sinagot; he just closed his eyes to sleep. Maybe because he knows I already know the answer.

***

"Nadine..."

My vision is blurry at first, as I see him hastely coming to and fro; getting himself dressed.

"What?" pupungas-pungas na bumangon ako nang paupo, holding the blanket to cover my nakedness.

"Get up! Quickly! We need to go!" He picked up my clothes and placed them on top of my lap.

"Pero bakit?"

"I'll tell you later, but we must go right now!'

I just did what I was told.

I was half expecting na pupunta kami sa parking lot sa basement level, kung saan n'ya iniwan ang motorsiklong parati naming ginagamit.  Kaya nasorpresa ako nang pinindot niya ang 30th floor button ng elevator.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"Where are we going?" while the elevator is moving up.

"You'll see." Nakangising sagot niya.

We were on the 30th floor in no time. Pagkalabas namin ng elevator, naglakad lang kami ng ilang hakbang sa hallway, bago kami nagpunta sa isang pinto going to the stairway leading to the rooftop.

Napanganga na lang ako kung ano ang natagpuan namin doon.  There's a dark blue helicopter waiting for us there with two men--isang piloto na nasa loob ng helicopter and another wearing a black suit outside, waiting for us.

"I-I have never ridden a heli--" Nag-aalinlangan akong umakyat, as Paul tried to guide me towards the backseat.

"Don't worry. I'll be by your side." Bago iti bumaling sa dalawang lalaki. "Let's go." Naging hudyat ito upang sumakay na rin ang lalaking naka-black suit sa tabi ng piloto.

I became more nervous when I heard the heli's rotor blades cut into the air immediately after the engine started.  I have never been in a plane or helicopter before and this is definitely the first time I will ever experience being carried by something that flies in the air.

Mabuti na lang Paul held my right hand tighter--reassuring me that everything will be alright. Kung hindi, I'll probably faint. Lalo na nang nag-umpisa na itong lumipad sa ere kung saa'y nakikita na namin ang napakalawak na view ng kung ano man ang mga nasa lupa.

The aerial trip didn't last long.  Sa tantiya ko nga'y hindi naman kami lumabas ng siyudad.  Tila lumipat lang kami ng building; sa rooftop ng isang building din ito  nag-landing.

I am in awe sa mga sumalubong sa amin do'n. Hindi lang siguro labing-dalawang kalalakihang naka-suit ang sumalubong sa amin.  Meron din do'ng tatlong babae na naka-pin stripe coat and pencil cut skirt.  Pare-parehong nakapuyod ang mga buhok ng mga ito; mga naka-shades din.

"Lex! Kamusta?" nakabungisngis na salubong ng isang matabang lalaki--na sa tantya ko'y mga edad singkwenta pataas. Nakabuka ang mga braso nito, habang lumalapit ito kay Paul.

Lex? Why is he calling Paul...Lex?

"Mabuti naman po, Tito." Tugon ni Paul habang tinatanggap ang pagyakap nito.

What the heck is going on?

"So, who are you with?" tanong ng lalaking tinawag niya Tito, habang nagkakalas sila sa pagkakayakap sa isa't isa, "Is this your girlfriend?" nakatingin ito sa akin.

Sumulyap muna sa akin si Paul bago n'ya sinabing.  "No, Tito."

Nagulat ako. Parang may kung anong matalas na bagay ang sumaksak sa dibdib ko.

"Then, who is this girl?" nakakailang ang paghagod nito ng tingin sa akin.

"My flavor of the month."  Sagot ni Paul.

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon