Story 3-Episode 11: eXeo

29.7K 776 83
                                    

His little house is as creepy looking as his food. Kahit saan ako tumingin, kay duming tingnan. Hindi ako makaalis sa may bungad ng pintuan. I looked around; even up the ceiling. Kinilabutan ako sa dami ng cobwebs at mga gagamba.

Dito ba talaga siya nakatira? Bakit parang hindi naman yata tirahan 'yun ng tao? Maalikabok ang sahig, mga pasimano, banko at lahat ng mga ibabaw. Halatang hindi man lang nagagalaw ang mga 'yun. Dinalaw na naman tuloy ako ng kaba. Obvious naman kasi na hindi naman nagagalaw ang mga kagamitang 'yun at halatang wala namang nakatira ro'n.

Napa-iktad ako nang isinalya niya ang pinto sa pintuang pinasukan namin. Nagmistulang tambol na ang tunog ng pagtibok ng puso ko nang masulyapan ko ang kakaiba at matatalim na ang tingin n'ya sa akin. Lalo lumala ang takot ko nang bigla na lang nitong itinapon ang hawak n'yang mga street food sa basurahan, bago nito hinawakan ang aking pupulsuhan para hatakin patungo sa isang maliit na silid.

Naging napakabilis ng mga pangyayari. Pagpasok namin sa maliit na silid, isinara rin agad nito ang pinto. Ini-lock ito, bago nito pinindot ang isang hidden red button sa ilalim ng takip ng switch ng ilaw. Biglang gumalaw ang papag, tumayo ito nang patagilid--nakasukdol sa dingding, saka awtomatikong nagbukas ang animo'y floor door. Sa loob ng nagbukas na floor door ay may dalawang steal doors na maikukumpara sa elevator doors. Sumunod na bumukas ang mga ito. At sa lubusang pagbukas noo'y siya namang pagbukas ng ilaw sa ilalim.

"A-ano 'to. S-sa'n mo ako dadalhin?"

Tila tumigil ang paghinga ko nang sa halip na sagutin ako nito'y binuhat ako nito. Binagtas muna nito ang bungad ng floor door, saka ito tumalon sa butas. Nag-landing ang kanyang paa sa animo'y steal floor, na unti-unti namang bumababa na tulad ng sa isang elevator. Unti-unti rin namang sumara ang pinasukan naming floor door habang kami'y bumababa.

Napanganga na lang ako sa mga sumunod kong nakita matapos naming sumukdol sa hangganan nito paibaba. Sa tantiya ko'y hindi lang twenty feet ang layo namin ngayon sa ibabaw ng lupa. Sunod na nilakad ni Champ ang isang maliwanag na pasilyo na may nakaabang na elevator door sa may dulo. Sa gilid ng elevator door ay may umiilaw horizontal oval shaped na fiber glass. Lumapit muna si Champ do'n bago nito ako marahang ibinaba.

Napanganga ako nang may biglang tinanggal si Champ sa kanyang mga mata, bago nito itinapat ang kanyang mga mata sa pahalang na oval shaped na bagay na 'yun.

It suddenly lit like it was scanning his eyes. Sinundan ito ng pagsasalita ng isang boses babae ng... 'Eagle one identified. Enter your pass key.' May nag-appear na keypad pad sa fiber glass. May pindot si Champ ang then it disappeared bago lumabas ang isang hugis kamay, kung saan inilapat ni Champ ang kanyang kanang kamay.

'Welcome home, Eagle one.' Muling pagsasalita ng isang boses babae.

"Thank you, Martha." Sagot ni Champ. Sinundan ito ng pagbubukas ng steal door.

'You're welcome, Eagle one.' Sagot ng tinig ng babae, na ngayo'y mas obvious na sa akin na isang android na may artificial intelligence. 'Welcome home, Paul.'

Wait...who?

Hindi na ako nagkaro'n ng pagkakataong makapagproseso. Hinila na ako ni Champ sa loob ng pinto, na agad din namang sumara matapos naming makapasok.

What I saw inside simply blew my mind. It's a state of the art studio type wide space na may sariling bar, kitchen, dining, living area, bed area na kinalalagayan ng napakagarang canopy bed na pabilog ang hugis. Everywhere I look is simply high-tech and modern. Sa isang sulok, malapit sa kama, may isang desk na may pitong malalaking computer monitors na yari sa fiber glass. Isa ang nasa ibabaw ng lamesa, habang ang anim nama'y nakadikit sa pader.

Napalingon ako kay Champ na nakangisi na pala sa akin. Agad ko naman napansin na tila nag-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Medyo dark kasi ang mga 'yun kanina, bago nito inalis sa mga contacts n'ya sa may entrance kanina. Samantalang ngayo'y kulay berde na ang mga ito, na katulad ng kay...Landon.

"So, what do you 'really' want for dinner." Tumatawa ito habang naglalakad papunta sa may Kitchen, na abot tanaw ko pa rin naman. Wala naman kasing mga divisions ang lugar na 'yun. "Unless you really want what I bought a while ago. Sabihin mo lang. I will get them for you." Nagbubukas na ito ng ref. "Do you care for a drink?" Sumulyap ito sa akin. Tumango ako. "What do you want?" Wow, nag-iba na rin ang accent n'ya.

"What do you have?" Sagot ko.

"Everything." Nakabungisngis ito.

"You can't possibly have everything here."

"Try me."

Nag-isip ko. "I want a Cherry Coke mixed with Dr. Pepper, please." Nginitian ko ito ng pilya.

Tumawa siya, "Cherry coke mixed with Dr. Pepper coming right up." May kinuha itong tatlong can ng softdrink in can. Kumuha ng baso at ang laman ng dalawa.

Napailing ako. How can he possibly have those weird combination ready?

"So..." Habang iniaabot n'ya sa akin ang baso ng pinaghalong softdrink. "Why did you return my gifts?" may inginuso ito sa may gilid ng sofa. Naroro'n nga 'yung mga paper bags na dinala ni Andrew sa bahay namin.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Hindi ko pa man din naibubuka ang bibig ko nang biglang may nag-buzz sa computer area. Agad itong sumugod do'n at walang delay na tumipa sa keyboard. Nagulat ako nang biglang lumabas ang mukha ni Andrew sa malaking screen ng monitor na nakapatong sa lamesa. May mga pasa ito sa mukha; putok ang labi.

"Did you get her?" bungad ni Andrew.

"Of course." Tumatawang sagot ni Champ.

"You owe me." Itinuturo ni Andrew ang kanyang mga pasa sa mukha. Nakasimangot.

"Thanks, cuz." Humalakhak si Champ. "So, where is he?"

"Who? Your traitor right hand?" iniipod ni Andrew ang focus ng camera sa kanyang gilid. Naroroon si Landon; nakagapos sa silya. "He's right there. Waiting for you."

Muling humalakhak si Champ. "One down, two to go."

"You're on your own, Cuz." Natatawang sagot ni Andrew. "I quit!" Mukhang nagbibiro lang naman ito.

"I know you won't quit on me." Sagot ni Champ. "You adore me like that."

"Yeah right." Tila naluging sagot ni Andrew. "So pa'no? I am just checking on you. Nakabantay na sina Buboy dito. I better go home muna to get some lovin'. I need a good fuck, dude. You better do too." Humalakhak ito. "Now is the time."

"You do that, goof ball!"

"Hell yeah!" He goofed off as if he was thrusting in front of the camera.

Lalong lumakas ang pagtawa ni Champ. "Go home maniac!"

"This sex god, is signing...off." Naputol na ang connection.

Umiiling-iling si Champ habang pumipihit papaharap sa akin.

"So, who are you really?" agad kong tanong sa kanya. "Are you the real Paul?"

"Maybe?" tumawa siya. "Ano sa tingin mo?"

"Ilan ba ang impostor mo?" nakangisi ako.

"Three."

[ITUTULOY]


Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon