Story 3-Episode 8: eXeo

30.2K 790 139
                                    

Bigla akong tinablan ng hiya. Kaya kahit masakit, binawi ko ang paa ko sa pagkakahawak n'ya. Nakaramdam man ako ng kaunting kiliti, nasa tamang huwisyo pa naman ako.  Ano ba kasi ang ginawa n'ya? Bakit n'ya hinalikan ang aking paa gayung hindi pa man din kami pormal na magkakilala?

"Ops." Namumulang wika n'ya.  Kinakamot-kamot nito ang sintido n'ya.  "I'm sorry. I didn't mean to..." umatras ito. Umakyat malaking batong malayo sa akin. Sumusulyap-sulyap ito na tila hiyang-hiya sa kanyang ginawa. "M-madalas din kasi no'ng matapilok ang nasira kong Mama." Yumuko ito na tila nanlulumo. "A-at gano'n ang ginagawa ng nasira kong Papa to make her feel better." Tumingin ito sa malayo.

Tila kinurot puso ko sa kanyang mga sinabi. I simply can't believe that a man,  as tough and fierce looking as him, can possibly be this gentle and sentimental as well. Tila hindi maaaring mangyari; parang... nananginip lang ako.

"I-I don't mean to do that either." Nahihirapan ma'y nasabi ko rin.  "Hindi lang kasi ako sanay ng...uhm. W-wala pa kasing nakagawa sa aking ng...uhm. Ganun."

Lumingon ito sa akin. His features are simply majestic whichever angle you look at. He's hot kahit marungis at gulo-gulo ang kanyang buhok. I guess it's part of his overall appeal. He must really be one of those people na mahirap papangitin.

"No, really. I'd like to apologize." Aniya, "Kung maaari lang, kalimutan mo na. Kunwari hindi nangyari." Kakamot-kamot ito. "At kung p'wede sana, 'wag mong mame-mention ito kay...Paul."

Nagulat ako.  "What do you mean? H-hindi ba ikaw si Paul?!"

"I sure am the Paul Mendez...in the eyes of the press."  Napangiti siya, "Most especially when the name populated the news since Mr. and Mrs. Mendez were killed three years ago. Sure, you can call me Paul, but no...I'm not the real Paul Mendez."

Naramdaman ko ang panlalamig ng aking mga kamay ay paa.  What the heck is going on?

"K-kung hindi ikaw si Paul...sino ka? A-and why do you have to pretend you're him?"

"I'm Landon. His doble, bodyguard and head of security."

Napamura ako nang pasikreto. Bodyguard? Ganito kag'wapo at ka-mukhang mamahalin bodyguard lang?

Bigla kong naalala 'yung bodyguard at driver na nagpunta sa bahay. They are all 'effing' good looking; almost of the same built and height.

Ano bang meron ang Paul Mendez na ito? Modeling agency?

Landon is his double...bakit kailangan n'ya ng double? Anong feeling niya, action star?

Napansin kong pinagtatawanan ako ni Landon. Sinimangutan ko ito.

"What's funny?" animo'y ginusamot na ang mukha ko.

"I'm sorry...Nadine, right?" nakabungisngis ito.

"Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"

He cleared his throat. "From Paul."

"Hindi ko na nagugustuhan 'to."  Nakasimangot na naghalukipkip ako. "Sino ba talaga ang Paul na 'yan at masyado namang pa-mysterious at paimportante?!"

Tumawa si Landon. "Because he is."

"He is what?"

"Mysterious and important."

"Oh really now?  Mas importante pa ba s'ya sa buhay mo? Aba, kung bodyguard ka n'ya, hindi ba't parang isinasangkalan mo na rin ang buhay mo para sa kanya? Nakita mo nga 'yang nangyari sa 'yo? Pa'no kung pinatay ka no'ng mga dumukot sa 'yo, ha?"

"I'm insured.  My family will be set for life."

"Family? What family?"

"My family back in Norway."

"You're from Norway pa?"

Tumango ito.

"Aba, eh napakasusyal naman ng Paul na 'yan. Bodyguard, kailangan imported pa?"

"I'm Filipino Norwegian."

"So lahat kayo, imported, gano'n?"

"Hindi naman but..."

"But, what?"

"All of us have to have similar features with Paul."

Aba-aba! So, may looks requirement nga sila? Naku! Lalo tuloy akong na-curious sa hitsura ng Paul na 'yun. G'wapo rin kaya siya, o baka naman feeling g'wapo at delusional lang kaya feeling niya, kasinggwapo siya ng mga bodyguards n'ya.

Hay, ewan.  Basta ako. Nabubuwisit na ako sa Paul na 'yan.  Kung talagang importanteng tao ito, bakit parang hindi naman ito sikat?  Bakit ngayon ko lang narinig ang kanyang panga--teka, medyo sikat nga pala sa lipunan ang mga magulang n'ya, pero kahit na! Bakit hindi naman nababanggit na may anak ang mga ito na katulad n'ya?

"We need to go now, Nadine. Mas malamang sa hindi, na alam na nilang nakatakas tayo. Kailangan nating nakalayo bago pa nila tayo maabutan dito."

Inakay na ako ni Landon para muling isakay sa kanyang likuran.

"Saan tayo pupunta?" nag-uumpisa na itong maglakad.

"We need to find the main road to find anyone who can give us a ride."

"Ihahatid mo ba ako sa amin?"

"Of course not."

"Why not? I need to see my Papa!"

"Nadine...can't you remember who put you in this mess?"

"S-si Yaya?"

"Is that how you call Estella?"

"Estella? Who's Estella? My Yaya's name is Esmeralda."

Natahimik siya sandali; tila nag-iisip.

"So it's true." Mahinang sambit n'ya.

"So it's true what?" 

"That Estella used her late twin sister's identity to get into your household."

Natulala ako sandali. "W-what do you mean by...late twin sister?"

"Her dead sister."

Hindi ko na alam kung paano ia-absorb ang mga kadidiskubre ko from Landon.

"A-are you saying that the real Esm--"

"The perks of being the head of your future spouse's security team. I am very much well informed. Estella's twin sister, the real Esmeralda is already dead. She died two decades ago.  She took her life by hanging herself.  She committed suicide after she learned your Father married your Mother."

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon