Story 1-Episode 10: cXema

70.8K 1.1K 46
                                    

"You what me?!" Habang humihiga ako.

Nakatulala lang ito sa kesame habang hinahabol ang paghinga.

Naghintay ako ang ilang minuto para sagutin n'ya ang katanungan ko, pero walang kasagutang dumating. Sa halip,  bumangon ito at pumasok sa banyo para mag-shower.

"Magbihis ka na Sofia." Nang makalabas ito sa banyo. "Aalis na tayo." Kumukuha ito ng kanyang damit sa walk-in closet.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Bumabangon na ako.

"You'll know."

Hay naku. May pa-surpresa effect pa talaga 'tong mamang ito. Isa pa naman ito sa mga bagay na ayaw ko. Ayoko nang binibitin ako. Ayoko nang misteryo. Ayoko nang nagugulat. Kaya nga ayokong nagbabasa at nanonood ng mga suspense and thrillers. I hate the feeling of guessing, and of getting surprised in the aftermath.

Sumakay kami sa kanyang--whew, sobrang garang two-door sportscar. Sa sobrang gara parang ayokong sumakay. It took us almost an hour on the main road bago kami lumiko sa isang subdivision. We made several turns--tatlo sa bilang ko, until he finally parked his car right in front of a medium sized 2-story house.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"What are we doing here?" Habang bumababa ako sa kotse.

"What do you think of this house?" Nakangisi ito habang nakatingala sa bahay.

"It's alright." Sagot ko, "Simple lang. Kaninong bahay 'to? Sa 'yo?"

"Yup."

"Really?" Nginisian ko ito, "I didn't realize you like simple houses in a simple middle class neighborhood. Ganito ka na ba kagipit?" That was intended as a joke.

"What's wrong with simplicity and being in the middle class?" Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Ops." Itinaas ko ang magkabilang kamay ko, "No offense intended sir. Nasabi ko lang naman 'yun because you are Mateo Carb--"

"I already told you I am broke, right?"

"Yes, but I don't mea--"

"You don't mean what?" Nagbabaga ang kanyang mga mata. "'You don't mean to look down on me because you think this is all I can afford now?!"

"Hey, wait I--"

"Pare-pareho talaga kayong mga babae." Nanginginig na himutok n'ya. "I guess I was right about you all along." Halos pabulong ang kanyang mga huling pangugusap.

"What is that supposed to mean?" Naiirita na rin ako sa biglang pag-iiba ng mood n'ya.

Bumalik itong muli sa tapat ng driver's side ng kotse, binuksan ang pinto at saka ako sinigawan ng, "Sakay!" bago ito tuluyang sumakay sa sasakyan.

What in the effin' world is wrong with this guy? Ano bang masama sa sinabi ko? Bakit biglang-bigla na lang itong napikon?

"Ano bang problema mo?!" Singhal ko sa kanya, habang sumasakay ako sa passenger's seat.

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon