Story 3-Episode 10: eXeo

29.8K 720 92
                                    

Daig ko pa ang nakasakay sa roller coaster sa bilis nitong magpatakbo. May pagkakataon pa na animo'y naglalaro pa ito. Humihiyaw. Nag-e-exhibition sa pagmamanipula ng kanyang motorsiklo.

Langyang buhay. Nasusuka na ako sa kakaikot-ikot nito. Akala ko, hihimatayin na ako kapag pinalulundag nito ang motorsiklo at pinaangat nito ng front wheel, para ang hind wheel lang ang nakalapat sa lupa.

Kahit anong sabihin ko, tila hindi nito naririnig. At kapag napapatili ako sa sobrang takot, humahalakhak pa ito na tila tuwang-tuwa pa ito na natatakot ako.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko nang maglaon, pero hindi naman masyadong nakatulong 'yon. Lalo ko lang naramdaman ang pagsiray-siray nito sa motorsiklo. Lalo akong nahilo. Lalong animo'y hinahalukay ang walang laman kong sikmura.

Nakakainis. Natutukso tuloy akong tumalon na lang. Kung hindi nga lang talaga sobrang ang bilis ng pagpapatakbo nito, kanina pa siguro ako bumitaw.

Lalo akong nabuwisit sa kanya nang nakipagkarera pa ito sa mga jeep at kotse sa kalye. Hindi ko na mabilang ang dami ng drivers na nagalit sa kanya. Ang angas kasi. Akala mo kung sinong basta-basta na lang nangka-cut o nang-o-overtake. At kapag may mga luko-lukong minumura ito, lalong lumalabas ang asal kalye nito as he sticks his middle finger up towards them. 

Bastos. 

Walang modo. 

Asong kalye. 

Daig pa ang walang pinag-aralan.

He slowed down nang malapit na kami sa bukana ng isang depressed area. Tuluyan na nito itong inihinto nang tumapat na kami sa isang maliit at lumang bahay na napapalibutan ng mga nagtitinda ng sari-saring inihaw.

Kararating pa lang namin, pero hindi ko na halos matagalan ang dumi at baho ng lugar. Hindi ko rin gusto ang amoy ng usok na nagmula sa mga iniihaw na--sari-saring mga nakadidiring bagay.

Pinababa muna ako nito bago nito tinanggal ang helmet sa kanyang ulo. Napatanga ako. Napaka-guwapo rin kasi nito--matangos ang ilong, mestisuhin, mamula-mula ang magkabilang pisngi at labi. Ang kaso mo, ubod naman ng dungis tingnan dahil sa dami ng stubbles sa kaniyang mukha, pati na rin ang magulong pagka-ponytail ng medyo mahaba nitong buhok. May hikaw din ito sa kaliwang tenga; nakasuot ng itim na shirt na may mahabang manggas. I looked further down... naka-rugged faded jeans din ito na butas-butas at naka-leather boots na sa laki nito, siguradong knock-out ka kapag inihataw ang mga 'yun sa ulo mo.

"Anong order mo ngayon, Champ?" Nakabungisngis na tanong sa kanya ng matandang tindera ng ihaw-ihaw.

Champ? Wow, kaya naman pala asal aso. Tunog aso rin ang pangalan nito.

Maangas na tumayo muna ito mula sa kanyang tinungkurang motorsiklo, bago ito naglakad papalalapit sa mga nag-iihaw.

Ang tangkad pala nito. Hahanggang balikat lang n'ya ako, to think na, hindi naman ako maliit na babae. I'm 5'6". He must me more than 6 feet.

"Bigyan n'yo nga po ako nito at saka nito at saka nito..." May itinuturo itong kung ano-ano sa ibabaw ng mga grill at trays. "Dalawang order po dahil may bisita ako." Itinuro ako nito bagama't hindi ito nakatingin sa akin. Napangibit naman ako nang matanaw ko ang mga paa at bituka ng manok na kasama sa mga inorder n'ya.

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon