Story 3-Episode 25: eXeo

26.8K 787 97
                                    

I suddenly regret knowing the truth. Mas maganda sana siguro kung hindi ko na lang inalam. Ilang araw matapos kasi n'yang sabihin 'yun sa akin, unti-unti na ring nag-iba na ang demeanor n'ya. Parati na itong seryoso, bihirang ngumiti, madalang na magsalita at kung makatingin sa akin ay tila pa rin buo ang pagtitiwala niya sa akin. Mas gusto na rin nito ang parating nag-iisa sa isang sulok; madalas na pinaaatras na n'ya ako kapag nagtatangka akong lumapit. I am not really sure kung talagang nagbago na siya, o baka naman, ganito naman pala talaga ang tunay na ugali n'ya.

***

"Paul, may problema ba tayo?"

Hindi ko na matiis ang pananahimik n'ya. Ang pag-iwas nitong makipagkwentuhan sa akin tulad ng dati. Abala ito sa pagbabasa ng Diaryo. Nakaharap ito sa kaniyang laptop while we are both having breakfast in the kitchen. Lalo akong nabahala nang hindi pa rin nito ako sinagot.

"Paul..." Hinawakan ko ang kanyang brasong may hawak na diyaro. "May problema ba tayo?"

Tiningnan niya ako nang masama, at saka ito marahang ngumisi bago nagsalita, "You tell me." Bumalik ito sa pagbabasa.

Hindi ko alam kung pa'no ipoproseso ang sinabi niya; hindi ko kasi ito maintindihan.

"I tell you, what?" Sabi ko; nakakunot-noo.

Ibinaba nito ang binabasang dyaryo sa island. Isinara muna ang laptop, bago ito muling tumingin sa akin.

"You tell me, why you're not too worried about what happened to your family at all."

I don't know what to say. What makes him think I'm not worried? Pa'no naman kaya n'ya malalaman kung worried ako o hindi  kung hindi naman n'ya ako kinakausap.

"What are you talking abou--"

"You know exactly what I'm talking about!" Tumaas ang boses n'ya; nagulat ako.

"I swea--"

"You swear what?!" Bumaba na siya sa high chair na kinauupuan niya, kinuha ang laptop sa ibabaw ng island at saka muling humarap sa akin, "That you don't know everything was just a ploy by your accomplices, and that you actually know that your family is safe, hiding somewhere, and for what?! To make the whole stupid world believe the your family is dead?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

I am caught off guard. I didn't see that coming.

"I don't know what you're talki--"

"Of course you do, damn it!" Nag-walkout ito. Sinundan ko naman ito.

"I don't know what to tell you, pero wala akong alam sa mga ipinaparatang mo--"

"Shut up!" Sa biglang pagharap n'ya sa akin. Nagulat ako kaya't napaatras ako nang bahagya. "Hindi ko alam kung ano ang inuutos sa 'yo ng mga kakuntsaba mo, but let me tell you this." Dinuro n'ya ako sa mukha. "Nagkakamali kayo sa kinakalaban niyo!" Inilapag nito ang laptop sa lamesa, bago nito ibinalibag ang hawak na dyaryo sa ibabaw nito.

"Ano bang pinagsasabi mo, Paul?" Natataranta na ako. Naglakad ito papunta sa walk-in closet, sumunod ako. Kinuha niya ang isa sa mga naka-hanger na suit, at saka nag-umpisang magbihis.

"Your game is over." Aniya sa mababang timbre, " I need you out of my place and out of my life... right now, Nadine!" He's not even looking at me.

"P-pero, bakit? Ano ba talagang nagawa ko sa 'yo? A-at saan naman ako pupunta. You know I-I don't have a place to go anymore. Our house bur--"

Wala itong pakialam. Tinalikuran ako nito saka nagdirediretso sa pagbibihis.

"Paul, please..." Hinahabol ko ito kung saan man ito maglakad. "Please don't do this to me."

Bigla itong humarap sa akin; bakas sa kaniyang mukha ang matinding poot.

"H'wag mong sabihing hindi ko ito pinag-isipang mabuti, Nadine. Ilang araw ko ring tiniis ang saloobin ko sa katrayduran mo. Ilang araw ko ring kinimkim ang pagsira mo sa pagtitiwala ko sa 'yo dahil...." Nanginginig na ito, "Hindi ko matanggap, na ang kaisa-isang babaeng minahal ko'y wala rin naman palang ipinagkaiba sa lahat ng mga kaaway ko."

"H-hindi ko maintindihan Paul..." Naiiyak na rin ako. "Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Sa papa'nong paraan ko ba nasira ang pagtitiwala mo? A-ano 'to? Please Paul, help me understand."

Natahimik ito sandali; pinakalma ang sarili.

"P'anong may nakaalam ng tunay kong pagkatao?"

"H-ha? Anong ibig mong sabihi--"

Naglakad ito papunta sa lamesang pinagpatungan niya ng laptop niya; sumunod naman ako sa kaniya. Binuksan nito ang drawer ng lamesang 'yun at kinuha ang kaniyang tablet. He turned it on and swiped the screen for a little bit bago nito ito iniabot sa akin para ipabasa ang isang email--dated a week ago, coming from an anonymous sender.

It reads in large font:

Paul Lexmark Woldon-Andersen. Gotcha! Please say hi to Nadine for me.

Natulala ako sa screen; hindi makapaniwala sa nabasa ko. Walang masabi. Wala ring maisip.

"Hi raw." Pagbasag ni Paul sa katahimikan. Marahan kong tiningnan ang kanyang mukha; nakangisi ito. "Sabi ng kakuntsaba mo."

"P-pero Paul, w-wala akong alam dito." Nanginginig na ako ngayon. Hindi ko malaman ang gagawin at sasabihin. "Maniwala ka naman sa 'kin oh, hindi ko alam kung sino it--"

"Sa 'yo ko lang ipinagkatiwala ang buong pagkatao ko." Mariin ang kanyang pananalita. "Sinabi ko ang lahat dahil mahal kita. Ikaw lang, Nadine. Ikaw lang ang nakaaalam kung sino ako. Pero isa ka rin palang bitag!" Hinablot niya ang tablet sa kamay ko. "Nakaungos kayo ngayon. Fine! Nalaman niyo na kung ano ang pangalan ko at tunay na hitsura ko, then you all left me with no better option but to finally show you who I really am--" Ibinalik na nito ang laptop sa drawer. "And what I can really do." Nilapitan ako nito at iniyuko ang kaniyang mukha sa aking mukha. "I regret ever knowing you, Nadine. More so, I regret ever letting you see me up close. Pero ito ang tatandaan mo!" Hinawakan n'ya nang mahigpit ang baba ko, bago nito pinisil nang mahipit ang aking pisngi. "Alam mo lang ang tunay na pangalan ko, pero hindi mo pa ako kilala!"

"Paul..." Nanginginig na ako sa sobrang takot at iba pang pinaghalo-halong emosyon. "Maniwala ka naman sa 'kin oh. Wala akong alam sa nangyayari, maniwala ka naman o-ahh!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagpisil niya sa mga pisngi ko.

"I may not be the fictitious person, Paul Mendez. But you should know better by now that he doesn't even have half of the power I actually have. Lalabas ako sa madla, if that's what you all want, pero sisiguraduhin kong pagsisihan n'yong lahat na kinalaban niyo ang isang tulad ko. Lalo ka na!" Binitawan n'ya nang pabigla ang aking mukha. "You piece of cunning little whore!"

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon