Story 2-Episode 18: atteXo

36.7K 1K 79
                                    

We planned to tell my family that very night. Paalis na kasi si Kuya Martin pabalik sa training camp nito, kaya sinabihan ko si Eric na mas makakabuting wala na kaming sayanging oras.  Pumayag naman ito, bagama't kinakabahan ito sa magiging reaksyon ng pamilya ko.

Naroon na kami sa kalye kung saan naroro'n ang bahay namin, nang may natanaw si Eric na sobrang ikinabahala niya; we saw his Mother's car, right in front of our gate.

"Shit!" Pabulong na bulalas ni Eric.

"Hey..." Bulong ko. "Ibaba mo na lang muna ako rito. You may park somewhere nearby, I'll text or call you whatever I find out is going on.

"Are you sure?"

"Yes."

***

"O narito na pala ang anak ko." Salubong ni Mommy sa akin.

Naroon nga ang Mama ni Eric. Posturang-posturang nakaupo ito sa aming sofa. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito, na sobra-sobra ko namang ikinabahala.

"Anak." Ani Mommy.  "Hindi pa pala alam ng Mama ni Frederick na kayo na ng kanyang anak?"

Frederick? 'Yun talaga ang ginamit na pangalan ni Mommy. Shit!  She has no idea how much I hate her right now. Isa lang ang ibig sabihin nito...Eric is in great trouble.

"Mama, si Eric po.  Siya po si Lucho hindi si Frederick," Sinubukan ko pa ring ilusot, umaasang makikiayon lamang si Mommy. "Pasensya na po kayo."  Pagbaling ko sa Mama ni Eric, "Nalilito lamang po si Mommy sa kambal."

"Ano ka ba naman hija, hindi ako nalilito." Nakakapanggigil sa galit na sagot ni Mommy, "kaya nga hindi kami magkaintindihan nitong Mama ni Fred dahil ang sabi n'yo sa akin si Lucho ang pumanaw sa magkapatid. Ang sabi n'ya si Fred daw ang pumanaw at hindi si Lucho, pero ang sabi ko naman, sigurado ako na si Fred ang naririto noong isang araw dahil sa pilat nito sa noo. Hindi ba't sa kanya na mismo nanggaling na ang pumanaw nga'y ang kanyang kapatid na si Lucho?"

Fuck! Shit! Damn it! I don't know what to do. There's no doubt...buking na si Eric. Nahalata ko agad ito sa pagbabago ng expression ng mukha ng Mama ni Eric.  Lalo na nang tumayo na ito; galit na galit. Nakatikom ang mga kamay. Nagngangalit ang mga panga. At walang salitang nag-walkout.

"I so hate you Mom!" Mangiyak-ngiyak na sabi ko kay Mommy, "you just can't keep your mouth shut, don't you?" alam kong mali na pagsalitaan ko ito nang gano'n, dahil wala naman itong alam sa tunay na nangyayari. But I can't help it. I am so upset.

"What did I do?"

Hindi ko na ito sinagot. Sa halip, pumunta ako sa kuwarto ko at nag-umpisa nang mag-empake ng mahahalagang gamit. 

"Saan ka pupunta?" tanong n'ya sa akin, "Bakit ka nag-eempake?"

Hindi ko ito kinibo.  Nagdirediretso lang ako sa pag-eempake.  Isinasara ko na ang maleta ko nang tinawagan ko si Eric sa cellphone.

"Baby..." mangiyak-ngiyak ako.  Nakatanga naman sa mukha ko si Mommy, "Your Mom already knows."

"Ha? Paanong—"

"Because my mother can't keep her mouth shut!"  I was so upset with my Mom na sinadya kong bigyan ng diin ang sinabi ko."

"I-I have to leave now then..." Nanginginig na sagot ni Eric.

"I'm coming with you."  Sagot ko, "Naka-pack na ang mga gamit ko. Daanan mo na ako please?"

"A-are you sure?"

"Yes." I hung up.

"Madison, ano bang nangyayari?" natatarantang tanong ni Mommy habang sinusundan ako nito papalabas ng k'warto. Pero narinig ko na ang sasakyan ni Eric sa labas bago pa ako nakasagot.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

"I'll just send you an email for the details Mom." Tumulo na ang mga luha ko, "But for now, you have to let me go." Tumakbo na ako papalabas. "And please don't let that woman inside our house ever again, will you?"

"Madison!" Hinahabol n'ya ako hanggang sa gate.

"I'm sorry, Mom."  Bago ako sumakay ng kotse ni Eric. "I love you, but I really have to go."

***

Nagmamadali kaming dumaan ng pad nil'ya para makapag-empake rin s'ya ng mahahalagang gamit n'ya. Ans in less than ten minutes, we're on the road again.

"Where are we heading to, Eric?"

"Ituloy na natin ang paghahanap kay Nana Lydia."

"Sa Negros Occidental?"

"Oo, pero may kailangan lang muna akong daanan sa isa pang condo ko sandali."

"Saan?"

"Narito na tayo."  Pumaparada na ito sa harapan ng isang mataas na building. "Hintayin mo ako rito. Mabilis lang ako."

"O-ok." I said, as he left the car.

It only took him fifteen minutes.  Bumalik itong may dala-dala nang maleta.  Inihagis muna n'ya ito sa backseat bago muling sumakay sa kotse para muling magmaneho.

"Ano 'yan?" Inginunguso ko ang maletang inihagis n'ya. "Mga damit mo pa rin?"

"I am actually prepared for this day, Madison. These are all the important documents and money we need for long travel.  Hindi ako pwedeng gumamit ng cards, or else, mate-trace n'ya tayo. Puro cash basis lang muna tayo simula ngayon.

"Diretso na ba tayo?"

"Oo. Kailangang makalayo muna tayo bago tayo mag-stopover to rest. I know Mama She's not going to waste any second to get one-step ahead of me."

"I'm sorry for this trouble. If not for my Mom, you won't be—"

"Hey."  Hinawakan n'ya ang kamay ko.  "Stop blaming your Mom or yourself.  Ako ang dapat mag-sorry. Gulo ko 'to.  Kayo ang naidmay ko. But I promise to get us through this, ok?"

Tumango ako.

"Thanks for coming with me, baby." Malambing na sambit n'ya. "You have no idea how much strength, hope and happiness you bring to me.  Most especially now that I need you the most."

"I love you."  Bulong ko.

"I love you more."  Sagot n'ya.

[ITUTULOY]

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon