Story 2-Episode 6: atteXo

40.2K 946 40
                                    

"Oh crap!"  Bulalas n'ya. "What am I saying? I'm sorry Madison. Will you forget that I asked that stupid invading question? Once again. I'm not a creep o-ok? I'm just a little bit conflicted—"

"Yes." Mahinang sagot ko.

"I'm sorry what?"  Nagsalubong ang mga kilay n'ya.

"I said yes, I have a birthmark...there." Bigla akong napahiya--napayuko.

"Really?!" Gulat na gulat na reaksiyon n'ya.  Muli itong umupo sa tabi ko.

"W-why did you asked?"

"H-ha?"  Namula ulit ito.

"Sabi ko, bakit mo natanong?"

Natigilan siya, tila hindi masabi-sabi ang totoong dahilan n'ya.

"W-wala naman." Tumayo s'ya; naaaburido. "S-sige Madison..."  Kumaway muna ito bago ito nagmadaling umalis.

***

Is it possible na napapanaginipan din n'ya ako? How in the world he did he know about my birthmark 'there', samantalang hindi naman ako nagsusuot ng kahit anong pang-itaas na may kwelyong mas baba sa collarbone ko. I can't remember if I ever wore a swimsuit, or any clothing that could possibly expose that part of my body.

This is getting wierder and wierder by the hour, kaya muli na akong lumapit sa dati kong propesor.

"Merong mga claims na tinatawag na Group Dreaming or Mutual dreaming." Matapos kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. "Under the concept of Mutual dreaming merong tinawag na 'Meshing dreams' at 'Meeting dreams'. 'Yung Meshing dreams ang pinaka-common, 'yun 'yung pwede kang nagkaroon ng similar dream with someone else, after you both go through a common experience.  Halimbawa, pareho kayong nanood ng iisang movie o pareho kayong dumaan sa magkaparehong memorable experience."

"Pero pa'no po 'yung sa 'min?  We both haven't seen each other until lately."

"Sa Meshing dreams kasi, you don't necesarily have to meet. 'You just need to have similar experiences na nagre-register sa inyong 'yong subconscious mind."

"Eh ano naman po 'yung Meeting dreams?"

"'Yun yung least likely na mangyari. Kung mangyari man, sa pelikula lang siguro." Natawa s'ya, "Ang meeting dreams ay isang uri ng Lucid dreaming na nakikipag-tagpo o nakikipag-usap ka na mismo sa iba o isang tao habang parehas kayong nanaginip ng kaparehong panaginip.  Nag-uusap ba kayo sa gano'ng paraan sa mga panaginip mo?"

"M-mukhang hindi naman po eh."

"Baka naman Meshing dreams lang ang nangyayari sa inyo.  Can you recall any situation na possibleng pareho kayo nang naranasan?"

"Related to having sex? No!" Agaran ang pagsagot ko.

Napatawa s'ya, "Not necesarily.  Possible rin kasing isang traumatic experience o kahit anong memorable experience na p'wedeng pareho n'yong pinagdaanan."

"Nang magkasabay?"

"Not necessarily."

"Nalilito po ako."

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon