Story 3-Episode 31: eXeo

29.4K 896 118
                                    

"What are you doing here? Kanina pa kita hinahanap." Ani Paul sa aking bandang likuran. Nakaupo ako sa likod ng isang malaking bato sa dalampasigan. "Nandito ka ka lang pala.  Dinner is ready."

Nilingon ko ito saglit, bago ko muling ibinaling ang aking paningin sa karagatan. Lumapit naman ito sa akin para umupo sa aking tabi.

"Are you ok?" makaraan ang panandaliang katahimikan.

"Hanggang kailan tayo rito, Paul?" Nanatiling nakatingin ako sa malayo.

"Bakit?  Ayaw mo na ba rito?  Hindi ka ba nagagandahan sa lugar na 'to?"

"This is a paradise.  This is the safest and most beautiful place I have ever been and seen. But it's been two weeks since we've been here, at nakakalungkot din pala kapag wala kang makitang ibang tao."

"I know."

Nilingon ko ito, "so how long? How long are you going to keep me here?"

Natahimik ito sandali, bago nito sinabing, "Natunton na ng mga tauhan ko ang kinaroroonan ni Estella."

"Hindi 'yan ang tinatanong ko, Paul."

Tila hindi n'ya ako narinig."Wala na si Socorro. Nakita na ang kanyang bangkay 'di kalayuan sa nasunog na bahay n'yo."

"Paul! Hindi sabi 'yan ang itinatanong ko." Tumaas na ang boses ko. Medyo naiiyak din dahil basta na lang nitong sinabing patay na ang Mama ko.

"Nasakote na namin si Martin at ang mga tauhan nito. Nagtangkang makawala ni Kyle pero nahuli rin naman ito ng aking mga tauhan."

"Paul, ano ba?!" mangiyak-ngiyak na ako sa inis.

"Mahuli ko lang sa Estella, alam kong matutunton ko rin ang tunay na kaaway."

"Paul!" Tumayo na ako at hinampas ito nang malakas sa braso. "Sasagutin mo ba ang itinatanong ko o hindi?!

Kalmado itong tumayo at tinitigan ako sa aking mga mata.  He looks very pained and saddened.

"Am I that horrible of a company that you can't handle to stay safe here with me for a little while more?"

"That's not what I mea--"

"Of course it is."  He looks upset.  Tinalikuran muna ako nito bago ito nag-umpisang maglakad pabalik sa bahay na aming tinutuluyan.

"P-Paul!" Pagtawag ko.

Huminto naman ito at nilingon ako.

"You got it all wrong, please don--"

"Dinner is ready if your hungry." He said plainly, bago nito ako tuluyang iniwan.

***

Natapos na ang hapunan, hindi pa rin n'ya ako kinakausap. Magkatulong naming inayos ang aming pinagkainan, pero nanatili ang kanyang katahimikan. I'm pretty sure by now he's deeply upset with me, pero bakit nga ba?  Nagtatanong lang naman ako kung hanggang kailan kami magtatagal doon?

"Paul, matutulog ba tayo nang hindi nag-uusap?" while we are preparing for bed.

"Anong gusto mong pag-usapan? Kahit naman yata anong ibalita ko sa 'yo, balewala lang sa 'yo, dahil mas gusto mong makaalis agad dito para iwanan ako."

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon