Story 2-Episode 31: atteXo

30.8K 859 119
                                    

"What happened?" Tanong ni Eric sa amin ni Henry. Nadatnan kami nito sa tapat ng bukas na selda... 'Yung seldang pinanggalingan namin--kung saan kami dating ikinulong.

"They're not here anymore." Sagot ko. Itinituro ang seldang walang laman.

"Ha?" Kunot-noong sinilip ni Eric ang loob. "Pero sinong nagpalaya sa kanila?"

"W-wala na sila when we got here." Sagot ni Henry sa kanya.

Nakarinig kami ng mga yabag. They are fast approaching.

"Dito tayo!" Pagyaya sa amin ni Eric sa kabilang direksyon. Siya na ang nanguna.

Napakarami palang pasikot-sikot sa lugar na 'yon. Maraming madidilim na pasilyo at nililikuan.

"Saan tayo pupunta, Eric?" Tanong ko sa gitna ng aming pagtakbo.

"Sa lagusan." Anya. Napahinto ito. Tila natulala habang nakatingin sa bungad ng tinutukoy nitong lagusan.

Nilingon ko kung ano ang tinitingnan nito. There's Lucho, Mandy and Nana Lydia. Hawak-hawak ni Lucho ang leeg ni Nana Lydia. May nakatutok ditong patalim.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Eric sa nakangising kapatid.

"Where do you think you're going bro?" Paunang salita ni Lucho kay Eric. "Patay na si Frederick Zamora sa mata ng maraming tao. May death certificate ka na nga di ba? And Henry...Henry Zamora doesn't even exist. He doesn't even have a birth certificate. Ano, ha? Isa sa inyo ang nanakaw sa pagkatao ko?" Umiiling-iling ito habang lalong mas hinihigpitan ang kapit sa leeg ng umiiyak na Nana Lydia. "No. My name is mine and mine alone!"

"Eric! Tumakbo na kayo! Pabayaan n'yo na ako." Umiiyak na sambit ni Nana Lydia.

Nakita kong iniabot ni Lucho ang kutsilyo kay Mandy, upang ito mismo ang humalili sa kanya sa pagtutok nito sa leeg ni Nana Lydia, at pagkatapos noon'y may dinukot naman ito sa kanyang kanang bulsa. Isa itong revolver--na dahan-dahan naman nitong itinutok kay Eric.

"You and Henry have stolen enough from me." Anito, "Pareho na kayong nakinabang at nakaranas kung pa'no maging ako. Binabawi ko lang ang akin."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.

Kakalabitin na sana nito ang gatilyo nang tinabig ito ni Nana Lydia. Pumutok ang baril na aksidente namang tumama sa gitnang didbdib ni...Henry.

Natahimik ang lahat. Napatingin ang lahat kay Henry--na unti-unti na ring tinitingnan ang kanyang nadurugong dibdib.

"Henry!" Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito. Hindi gumagalaw ito. Tumakbo at hinawkan naman ni Eric ang kanang braso nito.

Nanghihinang tumunghay ito kay Eric, "Thank you for allowing me to see the world outside..." May dugo nang lumalabas sa kanyang bibig.

"Henry..." umiiyak na sambit ni Eric.

Unti-unting lumingon ito sa akin, "S-salamat sa pagpaparamdam mo sa akin kung paano ang mahalin at magmahal."

Umiiyak na kami ni Eric habang unti-unti nang binabawian ng buhay si Henry. Pag-iyak na naantala naman sa pagdaing ni Nana Lydia.

Tres EkisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon