[ 8 ] Fear

18K 259 18
                                    

Click VOTE on the upper right hand corner! :)

Chapter 8: Fear


"Kanina ka pa ba nandyan?" kinakabahang tanong ni Steffi

"Bakit parang gulat na gulat ka?"

"W-Wala"

"Kakaakyat ko lang. Kumain na tayo"

"Sige. Mauna na ako. Sumunod ka na lang"


Madaling umalis doon si Steffi para makaiwas. Alam niya sa sarili niya na kahinahinala ang itsura niya dahil talagang nagulat siya nang makita doon si ZAC. Hindi niya alam na talagang nasa pinto si ZAC at sinusubukang makinig sa nangyayari sa loob pero ang alam niya lang, si Jico ang kausap ni Steffi at nabanggit na naman ang pangalan na Eric.


'Steffi, hanggang kailan ka ba maglilihim sakin?' tanong ni ZAC sa isip niya


Masama ang loob ni ZAC dahil alam niya na may tinatago sa kanya si Steffi. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos ng ilang taon ay ganito pa rin ito. Alam niya na may tinago din noon sa kanya si Steffi at naloko siya nito noon pero hindi ibig sabihin noon ay palagi na lang siyang magpapaloko dito. Para hindi na din makahalata pa si Steffi ay sumunod na sa kanya si ZAC.


"Zyril, may tanong ako"

"Ano iyon?"

"Do you think that I'm acting weird?"

"Bakit mo natanong iyan?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko"

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi. Pero kung ano man ang kakaibang ikinikilos mo, sigurado akong may dahilan iyon. Wag mo na isipin yan, kumain na lang tayo"


Kumain sila pero hindi mapigilan ni Steffi na tumingin kay ZAC at mapaisip kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.


"May problema ba?" tanong ni ZAC

"Bakit ang bait mo sakin?"

"Kasi mahal kita"

"Kahit ba may nagawa akong hindi maganda, mahal mo--"

"Mahal pa din kita. Kung ano ano ang iniisip mo hon. Malapit na tayo magpakasal kaya wag mo na kwestyunin ang pagmamahal ko sayo"

"Sige, pasensya na"


Kumain sila at pagkatapos kumain ay pumunta na sila sa kwarto para makapagpahinga. Habang si ZAC ay humiga para matulog, si Steffi naman ay pumwesto sa harap ng bintana para tingnan ang nangyayari sa labas. Hindi rin napigilan ni ZAC ang sarili at nilapitan si Steffi para yakapin siya habang nakatalikod.


"Zyril"

"Namiss kita Geneere"


Napangiti si Steffi at hinayaan na lang si ZAC na yakapin siya.


'Dito talaga ako nararapat. Kasama si ZAC, masaya at walang iniisip na iba. Sana matapos na ang lahat. Maikasal lang ako kay ZAC, magiging okay na. Kailangan ko lang ng kasiguraduhan' sabi ni Steffi sa isip niya


Hinila siya ni ZAC para umupo sa kama at lumuhod sa harap niya si ZAC.


"I just want you to be happy Steffi. I will do all I can to do that. I love you"

"I know that ZAC. I love you too"


Niyakap ni Steffi si ZAC ng mahigpit at pagkatapos nun ay magkatabi silang humiga hanggang sa makatulog si ZAC. Kahit anong gawin ni Steffi ay hindi siya makatulog dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip niya. Nang may kumatok sa pinto ay tiningnan niya kung sino at nakita doon ang isa sa mga katulong.


"Good afternoon Ma'am Steffi. May nag-iwan po nito sa labas"


May iniabot na isang kahon ang katulong sa kanya pero nagtaka siya nang mahawakan iyon dahil tila ba wala itong laman. Dinala niya iyon sa loob ng kwarto at pagbukas niya noon, may isang maliit na papel siyang nakita. Binasa niya ang nakasulat sa papel at nanlaki ang mata niya sa nabasa. Agad niyang tinapon ang papel sa basurahan at itinabi ang kahon.


'Hindi ito maaari' yan lang ang nasabi ni Steffi sa isip niya


Nang mapansin niya na tila ba nagigising na si ZAC ay madali siyang humiga sa tabi nito. Patuloy niyang iniisip kung sino ang nagpadala noon sa kanya dahil hindi pamilyar ang sulat kamay na nandoon at walang nakalagay kung sino ang nagpadala. Dahil sa hindi din naman siya mapakali, naisipan niya na lumabas na lang sa kwarto at nilibang ang sarili niya.


Hindi niya alam na gising pala si ZAC at nagkukunwaring tulog. Nakita ni ZAC ang nangyari kay Steffi at nang makalabas ito ay bumangon siya at nilock ang pinto. Tiningnan niya ang kahon pero walang nakita doon kaya tiningnan niya ang basurahan at tiningnan ang papel na tinapon doon ni Steffi para basahin.


'Mag-ingat ka kay ZAC, Steffi. Hindi mo alam kung ano ang mga kinikilos niya dahil busy ka sa iba. Kapag nalaman niya ang tinatago mo, you're dead meat'


Nagulat si ZAC sa nabasa. Hindi niya alam kung sino ang pwedeng magpadala noon pero kung meron man, si Jico lang ang naiisip niya dahil alam ni Jico na nagtataka siya sa mga kinikilos ni Steffi.


'Hindi na ako nagtataka kung bakit gulat na gulat si Steffi nang mabasa niya ang sulat na ito. Natakot siya na baka dumating ang araw na mabisto ko siya' sabi ni ZAC sa sarili niya


*The next day*


"Ma'am Allysa, may naghahanap po sa inyo"

"Sino--"


Hindi na nakapaghintay pa ang bisita ni Steffi at pumasok na kaagad sa loob ng opisina niya.


"Sige, iwan mo na kami dito"


Lumabas ang sekretarya niya at agad na nilock ng lalaking pumasok ang pinto.


"May makakarinig ba satin dito?" seryosong tanong ng lalaki

"Wag kang mag-alala, soundproof ito"


Tumayo si Steffi at nilapitan ang lalaki. Hindi niya maiwasang hindi tingnan ang mukha nito.


"Nagmature ang mukha mo. Ang tagal din nating hindi--"

"Anong nangyayari Steffi?"

"Anong sinasabe mo?"

"Alam mo ang sinasabe ko. Wag ka na magtanga-tangahan pa. Anong mayroon?"

"Wala akong alam sa sinasabe mo"


Hindi napigilan ng lalaki ang inis at naitulak niya si Steffi papunta sa dingding.


"Wag ka na magmaang-maangan pa!"

"Hindi ko alam ang sinasabe mo Kurt! Bakit ba ang agresibo mo?! Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit pero ganito ka pa. Ano bang problema--"


Naputol ang sinasabe ni Steffi nang suntukin ni Kurt ang pader.


"Wag tayo dito mag-usap"

"Soundproof ito hindi ba? Walang makakarinig satin"

"May CCTV"

"Wala akong pakialam"

"Kumalma ka muna, pwede ba? Mag-usap tayo ng maayos. Hindi ko kasi talaga alam ang sinasabe mo"

"Steffi!"

"Ano bang ikinagagalit mo?!"

"Ano na naman ba ang binabalak at tinatago mo?! Alam ko na mayroon. Wag mo nang hintayin pa na malaman ko at sabihin mo sakin ang totoo"

"Wala kang malalaman sakin Kurt"

"Kapag naalanganin ka, walang tutulong sayo"

"Kaya ko ang sarili ko"

"T*ng*ina Steffi! Alam ni ZAC na may tinatago ka!"

"Alam ko"

"Alam mo din ba na hindi pumasok sa trabaho si ZAC ngayon? Nasa tambayan namin siya at hindi siya maistorbo. Ni walang makalapit samin sa kanya dahil kakaiba na naman ang aura niya. Kasama niya si Kim at mukhang may paulit ulit silang pinapanood. Alam ko na may kinalaman ka doon. Ngayon lang namin nakitang nagkaganun ulit si ZAC"


Walang masabe si Steffi sa narinig. Alam niya na naghihinala si ZAC pero hindi niya alam na kumikilos na ito para alamin ang tinatago niya. Nanghina ang tuhod niya pero pinilit niya pa din na wag magpaapekto.


"Wala ka man lang bang sasabihin?"

"Pwede ka na umalis kung wala ka ng sasabihin"

"Itong tatandaan mo Steffi, hinayaan kita noon sa mga masamang binabalak mo pero hindi ko ito palalagpasin ngayon. Hindi ka pa din nagbabago pero hindi na din kita kilala. Hindi ka pa nadala sa nangyari noon at naglilihim ka na naman ngayon. Kapag may nangyari, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka"

"Kurt, akala ko ba kaibigan kita?"

"Akala ko din noon pero hindi pala. Ito lang ang maipapayo ko sayo, galing galingan mo ang pagtatago. Kung noon naloko mo siya, ngayon hindi na. Hindi na bulag sa pagmamahal si pinuno kagaya ng iniisip mo. Wag mo siyang bilugin dahil hindi na uubra yan. At kung pwede lang, iwan mo na lang siya kung hindi mo talaga siya mahal dahil--"

"Mahal ko siya Kurt, mahal na mahal. Yun ang dahilan kung bakit ko kailangan maglihim sa kanya. Kapag lumabas na ang katotohanan, maiintindihan mo din kung bakit ko ito ginagawa"

"Kung ganun, tingnan na lang natin. Baka hindi pa matuloy ang kasal niyo. Balita ko, mapapaaga yun"

"Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal!"

"Mahal ka niya, sigurado akong matatanggap ka ng kaibigan ko kung sino ka man. Ngayon, mas magandang aminin mo na lang sa kanya ang lahat. Kung natatakot ka na hindi ka niya pakasalan dahil sa mga tinatago mo, mas matakot ka kapag hindi ka niya natanggap na kasal na kayo"

"Kurt, hindi mo ako naiintindihan"

"Aalis na ako. Tawagan mo na lang ako kung sakaling nagbago ang isip mo at gusto mo na ipaalam sakin ang lahat"

"Kung ganun, wag mo na asahan ang tawag ko"

"Ikaw ang bahala"


Umalis doon si Kurt at naiwan si Steffi. Hindi mapigilan ni Steffi ang takot na nararamdaman sa pagbisita sa kanya ng taong akala niya matalik na kaibigan niya.


'Ako din ang sumisira ng pagkakaibigan namin. Kung kaibigan ko siya, dapat siya ang nilalapitan ko at hindi ko ito sinasarili pero hindi niya ako maiintindihan dahil matalik na kaibigan niya si ZAC. Sa ngayon, wala akong ibang mapagkakatiwalan at maasahan kung hindi ang sarili ko lang'

-----------------------

Join the facebook group: http://www.facebook.com/groups/AineTan/

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now