[ 6 ] Confused

19.5K 296 56
                                    

Chapter 6: Confused


"ZAC, I've been trying to call you for so many times but you're ignoring me"

[ Bakit ka ba napatawag? ]

"Are you with Steffi now? She's at our house earlier"

[ Ano? ]

"You don't know that she went there?"


Nagtaka si Kim dahil tila walang kaalam alam si ZAC sa mga nangyayari. Simula nang bumalik sina Steffi at Jico ay ngayon niya lang napansin na kakaiba ang kinikilos ni Steffi kaya alam niyang may kakaibang nangyayari.


[ Anong ginagawa niya dyan? ]

"I don't know. Actually, I'm very busy. I'll just call you--"

[ Kim ] sabi ni ZAC sa nagbabantang tono


Puputulin na sana ni Kim ang tawag pero nang marinig iyon ay natigilan siya.


[ Alam kong may kakaiba na tumatakbo sa isip mo. Bakit ka tumawag? ]

"Wala lang"

[ Isa ]

"Gusto lang kitang kamustahin. Bawal ba iyon?"

[ Dalawa ]

"Wala na ako sa bahay. Nandito na ako sa bahay namin ni Zavier. Gusto ko lang malaman kung nakauwi--"

[ Tatlo ]


Natakot si Kim sa pagbibilang ni ZAC dahil alam niyang seryoso ito sa kabilang linya.


"Fine. Steffi went there and she's acting a little different. I'm curious so I called but it turned out that you didn't know that she's there"

[ Yan lang ba? ]

"Oo. Nagmamadali siya kaya hindi ko na alam ang ginawa niya. Paalis na din kasi ako sa bahay noon"

[ Sabi ko na nga ba, kakaiba talaga ang kinikiloa niya ]

"So you noticed it too? You're so naive before but now--"

[ Masyado ko siyang mahal kaya hindi ko napansin ang mga kalokohan niya noon pero iba na ngayon. Ilang taon na ang lumipas Kim ]

"What do you want to do?"

[ Babantayan ko lang ang kilos niya at aalamin ko kung bakit siya ganun. Alam kong may alam si Jico pero hindi niya sinasabe dahil gusto niya na ako mismo ang umalam ]

"Why did you say so?"

[ Binabalaan ako ni Jico tungkol kay Steffi ]

"So you're in good terms now?"

[ Hindi pa din. Sa tingin mo ba magkakaayos pa kami nun? ]

"No. Okay, listen ZAC. It is possible that Jico know something but it is also possible that he's just toying you. He wants you to think that something is wrong when there isn't. Don't believe his words. You know him more than I do"

[ May laman ang mga sinasabe niya Kim at kakaiba talaga ang kilos ni Steffi. Kapag may napansin ka pang kakaiba, sabihan mo ako ]

"Okay, no problem. Bye!"


Pinutol ni Kim ang tawag at nagulat siya nang makita si Zavier sa kwarto nila. Hindi niya napansin na pumasok ito dahil sa abala siya sa pakikipag-usap kay ZAC.


"ZAC?" tanong ni Zavier

"Yes"

"Mukhang seryoso ang pinag-usapan niyo ah?"

"It really is"


Niyakap ni Zavier si Kim galing sa likod.


"Wag ka masyado mag-isip dahil maaapektuhan si baby, okay?"

"I can't help it"

"Ano bang gumugulo sa isip mo?"

"Just don't mind me, Zavier. Let's sleep"


Humiga silang dalawa para matulog pero nakatulog na si Zavier at gising pa din si Kim. Iniisip niya pa din kung sino ang lalaki na kasama ni Steffi dahil pamilyar ang mukha nito sa kanya. Alam niya na nakita niya na ito pero hindi niya maalala kung paano at kung sino ito.


'Hindi kaya may kamukha lang siya o may naaalala lang ako sa kanya? Sino nga ba siya at bakit siya kasama ni Steffi?' tanong niya sa isip niya


Nagising si Zavier at napansin na gising pa ang asawa at malalim ang iniisip nito kaya hindi napansin na nagising siya.


"Hon, bakit gising ka pa? Makakasama sayo ang pagpupuyat" nag-aalalang tanong ni Zavier

"Mapagkakatiwalaan naman kita hindi ba?"

"Hon, kasal na tayo. Wala ka pa din bang tiwala sakin? Asawa mo ako, pwede mo akong pagkatiwalaan"

"May tiwala ako sayo hon. Ibang bagay kasi ito. Tungkol ito kay Steffi"

"Ano ba iyon?"

"Kakaiba ang mga ikinikilos niya na pati si ZAC nagtataka na. Kanina, naabutan ko siya sa bahay na may kasamang lalaki at nang makita ako ni steffi, gulat na gulat siya. Kahit na saglit ko lang siyang nakita, napansin ko na may kakaiba sa kanya"

"Ano ang iniisip mo tungkol doon?"

"Nakausap ko si ZAC. Nabanggit ko sa kanya na nakita ko si Steffi pero nagulat ako dahil hindi alam ni ZAC na pumunta pala doon si Steffi. Hindi ko sinabe kay ZAC ang tungkol sa lalaking kasama niya. Dapat ko ba iyon ipaalam kay ZAC?"

"Sa tingin ko, mas mabuti na hindi. Ayaw ko na kapag nagkagulo sila ay madamay ka pa. Hayaan mo sila na umayos ng problema nila. Matatanda na sila Kim, kaya na nila iyon"

"Hindi ko maiwasan na hindi makialam"

"Hon, hayaan mo na si ZAC ang makaalam nun. Matalino siya at alam niya na may kakaiba kay Steffi kaya sigurado ako na aalamin niya kung ano talaga ang nangyayari. Malalaman niya din ang totoo, okay? Matulog na tayo"

"Sige hon. Good night"


***


Madaling araw na pero magkasama pa din sina Eric at Steffi. Nandoon pa din sila sa bahay nina Steffi at dahil nalibang na sila sa pagkekwentuhan ay hindi nila napansin ang oras at nakalimutan ni Steffi na tawagan si ZAC.


"Hindi ka pa ba uuwi Eric?"

"Gusto mo na ba akong pauwiin?"

"Parang kanina pa tayo nag-uusap dito. Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Hindi Steffi. Matagal din kasi tayong hindi nagkausap. Nangako na din ako sayo na simula bukas ay hindi na kita guguluhin"

"Thanks Eric"

"Tatawag pa din ako sayo paminsan minsan kaya sana sagutin mo ang mga tawag ko"

"Makakaasa ka"

"Sige uuwi na ako. Mag-ingat ka Steffi"

"Ikaw din Eric"


Hinatid niya si Eric sa labas at bumalik sa kwarto. Pagtingin niya sa phone niya ay maraming tawag na galing kay ZAC ang hindi niya nasagot. Doon niya lang naalala na hindi niya pa nasasabi kay ZAC na hindi siya makakauwi kaya agad niya iting tinawagan pero hindi niya inaasahan na tahimik lang ito at kalmado.


"Zyril"


Hindi sumasagot si ZAC pero alam ni Steffi na nasa kabilang linya pa din ito.


"Sorry kung hindi ako nakapagsabi kaagad sayo. May mga inasikaso ako at nandito ako ngayon sa bahay. Dito na lang ako matutulog dahil delikado sa daan"

[ Sige ]

"Galit ka ba?"

[ May dapat ba akong ikagalit? ]

"W-wala"

[ Magkita na lang tayo bukas. Asikasuhin mo na ang mga dapat mong asikasuhin ]

"Sige, good night"


Binabaan siya ni ZAC. Nagtataka siya kung bakit ang kalmado nito pero naisip niya na lang na baka galit ito at ayaw na makipagtalo pa sa kanya kaya nagtitimpi na lang. Hindi niya alam na kaya iyon ginagawa ni zAC ay para hindi mapansin ni Steffi na alam niyang may kakaiba itong kinikilos.


*The next day*


"Pre, babalik na ako sa US" deretsong sinabe ni Eric


Napatingin sa kanya si Jico.


"Anong sinasabe mo?"

"Babalik na ako doon at hindi ko na guguluhin pa si Steffi"

"Nagbibiro ka ba? Halos ayaw mo ngang pakawalan yun tapos ngayon, aalis ka kaagad?"

"Seryoso ako. Nakapag-usap na kami kagabi"

"May kakaiba kang binabalak. Ayaw mo lang sabihin"

"Magsisinungaling pa ba ako? Kabisado mo na mga ganyang bagay, hindi ba? Oo, may binabalak ako pero sakin na lang iyon"

"Sige, gawin mo kung anong gusto mo. Alis na muna kami ni Stephen"

"Ge pre"


Pagkaalis nina Jico ay madali siyang pumasok sa kwarto ni Jico para magtingin tingin. Gusto niyang maghanap ng bagay na magagamit niya sa pag-alam niya kung ano ang mga tinatago ni Steffi pero wala siyang nahanap kaya naisipan niyang magtanong na lang sa isang katulong.


"Good morning Sir Eric. May kailangan po ba kayo?"

"Gusto lang kitang makausap"

"May nagawa po ba akong hindi maganda?"

"May gusto lang akong itanong tungkol kay Steffi"

"Ano po iyon?"

"Sabay silang dumating dito ni Jico, hindi ba?--"

"Sir, hindi po. Si Sir Jico lang ang tumira dito at bumibisita lang dito si Ma'am Steffi para makita si Stephen"

"May kasama ba siyang iba kapag pumupunta siya dito?"

"Wala po pero noong nakaraan, kasama niya po si Sir ZAC"

"Sino siya? Pinsan po siya ni Sir Jico"


Napaisip si Eric. Sinabe sa kanya ni Steffi na si ZAC ay anak ng investor sa kompanya ng pamilya nina Steffi pero nagulat siya nang malaman na pinsan din nito si Jico.


"Anong koneksyon ni Steffi kay ZAC?"

"Hindi niyo po ba alam? Siya po ang mapapangasawa ni Mam Steffi"

"Ano?!"

"Sir, may nasabi po ba akong mali?"

"Kailan sila ikakasal?"

"Ang alam po namin, sa susunod na taon pa"

"Sige, pwede ka na umalis"


Umupo na lang si Eric at pinigilan ang galit niya. Gusto niyang magwala pero hindi niya magawa.


'Ikakasal na pala siya. Simula pala noon, niloloko niya na ako. Hindi na ako nagtataka kung bakit ayaw niya na nandito ako. Gusto niya na makapagpakasal muna sila bago niya ipaalam sakin ang lahat. Hindi ako papayag na mangyari iyon. Pipigilan ko ang kasal nila' sabi ni Eric sa sarili niya

--------------

Hanggang dito muna. Any suggestions guys? :) I'll reconsider it as long as hindi makakagulo sa plot ng story na ito. hahaha! As what I've said before, magcomment lang ng magcomment at baka kayo na ang mabigyan ko ng dedication.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Место, где живут истории. Откройте их для себя