[ 4 ] Secret

20.3K 363 46
                                    

Guys, please vote para alam ko kung gaano kadami yung readers. Thank you :)


Chapter 4: Secret


Ilang araw na kakaiba ang kilos ni Steffi at napansin iyon ni ZAC. Kakauwi pa lang nila galing sa trabaho pero dumeretso kaagad si Steffi sa kwarto kaya sinundan siya ni ZAC.


"Hon, kumain na muna tayo bago ka magpahinga" pagyayaya ni ZAC

"Wala akong gana kumain. Matutulog na ako"

"Ipagluluto kita ng gusto mo"

"Sinabe ko sayo na ayaw kong kumain!' sigaw ni Steffi


Laging mainit ang ulo ni Steffi kakaisip sa mga pwedeng mangyari. Napansin niya na sumeryoso si ZAC kaya hinawakan niya ito sa balikat.


"Hon, sorry. Pagod lang ako. Sige, pipilitin kong kumain kahit kaunti lang"


Nagbihis sila at pumunta sa hapag-kainan. Habang kumakain ay napansin ni ZAC na hindi kumakain si Steffi at tulala lang ito habang nilalaro ang pagkain.


"Geneere" tawag niya dito


Hindi siya napansin ni Steffi kaya hinawakan ni ZAC ang kamay niya para maagaw ang pansin nito.


"ZAC, ano ulit yung sinasabe mo?" gulat na tanong ni Steffi

"Kumain ka"


Pinilit ni Steffi kumain kahit ayaw niya. Hindi maiwasan ni ZAC na tingnan si Steffi. Alam niya na may gumugulo sa isip nito.


"May problema ba?" tanong ni ZAC

"Wala namang problema"

"Ilang araw ka na wala sa sarili at palaging may iniisip. Anong gumugulo sayo?"

"W-wala. Pagod lang ito"

"Sigurado ka?"


Napaisip si Steffi. Alam niya na napapansin na ni ZAC na kay problema sa kanya.


"Namimiss ko lang si Stephen" pagsisinungaling niya

"Gusto mo ba siyang puntahan? Okay lang sakin"


Nagulat siya sa sagot ni ZAC dahil alam niya na ayaw nito na napapalapit siya sa bata.


"Hindi na Zyril. Alam ko na napipilitan ka lang"

"Kung yan ang makakapagpaokay sayo, okay lang sakin"

"Wag na ZAC, okay lang ako"


Nanahimik sina ZAC at Steffi at nagpatuloy sa pagkain.


"Walan tayong pasok bukas. May gusto ka bang puntahan?" tanong ni ZAC

"Wala. Dito na lang tayo sa bahay"

"Sige, kung yan ang gusto mo"


Mabilis na tinapos ni Steffi ang pagkain niya at pumunta sa kwarto para maligo at magpahinga. Pagdating doon ni ZAC, naligo din ito at tinabihan siya. Alam niya na maagang pinipilit matulog ni Steffi pero hindi ito kaagad natutulog.


"Hon?" mahinang tawag ni Steffi kay ZAC

"Ano iyon?"

"I love you"

"I love you too Geneere"


Niyakap siya ni Steffi at napangiti siya.


"Hindi mo naman ako iiwan kahit anong mangyari hindi ba?"

"Hindi kita iiwan"

"Mangako ka"

"Promise"

"Thank you ZAC. Hindi ba pwedeng magpakasal tayo bago pa matapos ang taon? Hindi na ako makapaghintay"

"Bakit ka nagmamadali?"

"Gusto ko lang matawag na Mrs. Choi kaagad. Kahit na magpakasal muna tayo sa huwes at magpakasal tayo ulit sa simbahan"

"Hindi pwede ang gusto mo hon"

"Bakit? Ayaw mo ba ako pakasalan kaagad?"


Napaisip doon ai ZAC at naalala ang sinabe sa kanya ni Jico.


'Kung may sisira man ng kasal niyo, hindi ako yun kung hindi si Steffi mismo'


Tiningnan niya ng deretso si Steffi at alam niya na may gustong sabihin si Jico sa mga salita niya.


"Hon, hindi tayo kailangan magmadali. Wala namang sisira sa kasal natin hindi ba?"

"W-wala. Sige, kalimutan mo na lang"


Nagtakip ng comforter si Steffi at nainis. Alam niya na hindi magtatagal at malalaman din ng lahat ang sikreto na matagal niya na tinatago. Sobrang mahal niya si ZAC at hindi siya papayag na iwanan siya nito kapag nalaman niya ang totoo.


"Good night Geneere"


Hinalikan siya ni ZAC sa noo at saka lumabas ng kwarto at tinawagan si Jico.


[ Oh, napatawag ka? ]

"Magkita tayo bukas"

[ Bakit? Anong kailangan mo sakin? ]

"May gusto akong pag-usapan tungkol kay Steffi"

[ Sige. Sabihan na lang kita kung anong oras at kung saan. Bye ]


***


"Long time no see, cousin" masiglang bati ni Jico sa pinsan

"Hindi kita pinsan, hindi kita kadugo" masungit na sagot ni ZAC

"I'm legally adopted so whether you like it or not, I'm still your cousin"

"Tama na ang satsat Jico. Ano ang tinatago ni Steffi?"

"Nahalata mo pala"


Nanlaki ang mata ni ZAC dahil sa sagot ni Jico.


"Binibiro lang kita pinsan, wag ka mag-alala, wala siyang tinatago"

"Sinungaling. Kakaiba ang kinikilos niya simula nang pumunta kami sa inyo. Sigurado ako na alam mo ang lahat dahil matagal kayong magkasama"

"Kung gusto mo alamin, siya ang tanungin mo tutal kayo na ang magkasama sa bahay ngayon"

"Pinopolosopo mp ba ako Jico?"

"Hindi. Sinasabihan kita"

"Hindi siya nagsasabi sakin ng kahit ano"

"Kaya nga sikreto hindi ba? Hindi ko na problema yun ZAC"

"Seryosonh tanong. May nangyari bang kakaiba habang wala kayo dito?"

"Wala, wag ka mag-alala" pagsisinungaling ni Jico

"Ano ang gusto mong sabihin sa sinabe mo noong nakaraan na si Steffi mismo ang sisira ng kasal namin?"

"Wala akong ibang ibig sabihin dun, gusto ko lang sabihin sayo na hindi ko kayo guguluhin kaya wala kang magiging problema sakin ngayon"

"Mabuti kung ganun"

"May tanong ka pa ba? May date pa ako e"

"Wala na. Pwede ka na umalis"


Nilapitan ni Jico si ZAC.


"Matalino ka ZAC, alam ko na malalaman mo din ang lahat kahit hindi kita tulungan" bulong niya


Aalis na sana si Jico pero hinawakan siya ni ZAC sa balikat para pigilan.


"Anong ibig sabihin mo Jico? May tinatago siya, hindi ba?"

"Tingin mo sasabihin ko sayo kung mayroon nga? Figure it out by yourself. So long, cousin!"


Lalong naguluhan si ZAC dahil sa pag-uusap nila ni Jico. Alam niya na nakatulong si Jico sa kanya dahil sa mga salita nito, nagpapahiwatig siya na may tinatago sa kanya si Steffi pero dinagdagan niya iyon ulit ng bagong iisipin.


'Isa lang ang malinaw sakin, may sikreto si Steffi at malalaman ko din iyon. Sa ngayon, hindi niya dapat mahalata na naghihinala ako sa kinikilps niya' sabi ni ZAC sa sarili.


Madaling umalis doon si Jico para pumunta sa mall kung saan makikipagkita siya sa isa sa mga babae niya. Tatawagan niya sana si Steffi pero nang makita niya ang phone niya ay isang taong hindi niya inaasahan ang tumatawag sa kanya kaya sinagot niya kaagad.


"Eric, napatawag ka"

[ Nasa Pinas ako. Kakarating ko lang sa airport, sunduin mo ako dito ]


Nagulat si Jico sa narinig. Alam niya na ang pagdating ni Eric sa Pilipinas ang gugulo lalo sa buhay ni Steffi.


"Sige, papunta na ako dyan"

[ Salamat pre ]


Binabaan ni Jico si Eric at madaling tinawagan si Steffi pero hindi ito sumasagot kaya tinext niya na lang ito.


To: Steffi
Bad news about Eric. Wait for my next call.


Madali siyang nagdrive papunta sa airport. Alam niya na kailangan niya munang ilayo si Eric kay Steffi dahil nagsisimula pa lang siya na guluhin ang isip ni ZAC at hindi pa nito pwede malaman kung sino si Eric at kung ano ang koneksyon niya kay Steffi. Pagdating niya sa airport, nakita niya kaagad si Eric na naghihintay sa kanya.


"Eric, bakit ka nandito?"

"It's been years since I came here. Bawal na ba ako bumalik?"

"Ayaw kitang makita"

"Come on Jericho, alam kong namiss mo din ako"

"Wag mo akong tawaging Jericho. Jico na ang pangalan ko ngayon"

"Yan ang totoo mong pangalan, hindi ba?"

"Simula nang ampunin ako, Jico na ang pangalan ko sa bitth certificate"

"Okay bro, kung dyan ka masaya. Tara na"

"Saan tayo pupunta?"

"Sa bahay mo, saan pa ba? Wala naman akong ibang matitirhan dito"

"Doon ka na sa bahay ng tatay mo"

"Alam mong ayaw ko na bumalik pa doon. Miss ko na din yung anak mo kaya tara na"


Inakbayan ni Eric si Jico habang naglalakad kaya wala na siyang nagawa. Ayaw na ayaw ni Jico kay Eric dahil masyado itong mabait at magkaibang magkaiba ang ugali nila kaya hindi sila nagkakasundo.


"Kamusta na pala si Steffi?" tanong ni Eric

"Hindi ko alam. Matagal na kaming hindi nag-uusap" pagsisinungaling ni Jico

"Gusto ko siyang makita"

"Sa tingin ko, ayaw ka niyang makita"

"Dahil ba nalabantay yung ex niya sa kanya?"

"Hindi ko alam. Wala akong balita sa kanya"

"Jico, alam kong nagsisinungaling ka sakin. Imposibleng wala kang alam sa mga nangyayari"

"Alam mo naman pala, bakit ka pa nagtatanong?"

"Hindi ka pa din talaga nagbabago bro"

"Daan muna ako sa mall. Nasira yung date ko dahil sayo"

"Sorry dude. Madami ka namang babae, hindi kawalan ang isa"


Mabilis na nagdrive si Jico papunta sa mall at iniwan sa loob ng sasakyan si Eric. Pumasok siya sa loob ng mall hindi para makipagkita sa makakadate niya kung hindi para tawagan si Steffi. Pagkatawag niya, saglit lang at nasagot ito.


[ Jico, kanina ko pa hinihintay ang tawag mo. Anong nangyari? ]

"Anong balak mo gawin kay ZAC?"

[ Sinubukang kong kumbinsihin siya na pakasalan ako kaagad pero humindi siya. Mukhang naghihinala na din siya kaya hindi ko na ipinilit pa ]

"Kailangan mo siyang pakasalan kaagad kung ayaw mo na iwan ka niya"

[ Teka, anong sinasabe mo? Tungkol ba ito kay Eric? ]

"Oo. Nasa Pinas na si Eric at kasama ko siya"

[ Ano?! Imposible! ]

"Gumawa ka ng paraan para hindi sila magkakilala ni ZAC. Kung pwede, doon ka na sa bahay niyo tumira dahil sigurado akong doon ka niya hahanapin"

[ Susubukan ko. Salamat Jico ]


Binabaan ni Steffi si Jico. Sobrang kinakabahan siya at gulat na gulat sa mga narinig niya. Hindi niya inaasahan na kaya hindi na tumatawag pa sa lanya si Eric ay dahil sa may balak itong pumunta sa Pinas at ngayon ay nandito na ito.


'Hindi ito maaari. Kailangan kong gumawa ng paraan' sabi ni Steffi sa sarili niya

----------------

Hanggang dito muna :) Sorry natagalan ang update. Amg konti din ng readers :( kakalungkpt pero itutuloy ko pa din ang pagaupdate. Kung gusto niyo ng dedication from me, now is the best time habang konti pa lang ang readers. Sa comments pa din ako kumukuha :)

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now