P-26 (Tears)

6.2K 81 1
                                    

Pumikit ako dahil sa kabang naramdaman, dumilat ulit ako at nakita ko na lang na papalapit na ang dalawang kotse sa finish line. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan din ako, basta nang mga oras na 'yun kumakabog ang dibdib ko sa kaba. Para rin kasing nasa loob ako ng mga kotseng iyon at nililipad.

Magka level lang talaga ang bilis nila, at napapikit ulit ako ng malapit na talaga sa finish line. Awtimatikong bumibilis ang heartbeat ko na parang tumakbo ng ilang kilometro.

Narinig ko na lang ang hiyawan at dumilat ako, nakita ko ang lahat ng kasamahan nila na lumapit sa dalawa habang nakatayo na sila sa labas ng kani-kanilang sasakyan. At kinongrats nila si Jeremy. Ngumiti ako, so si Jeremy pala ang nanalo. Bigla akong napabuntong-hininga, parang biglang nawala ang kaninang kabang naramdaman ko. Unti-unti na ring kumalma ang nagraragasaang pintig ng puso ko. Hindi pa naman siguro umapaw sa 150mins/beats.

Nagkakasayahan na silang lahat sa field na iyon, bumaba na ako sa stairs at tinungo ang kotse ko mahirap na at baka makita pa ako ni Jeremy dito, tiyak magagalit 'yun. Nasa highway na ako ng tumirik ang sasakyan ko.

'Oh God! wag naman ngayon!' palatak ko.

Tumingin ako sa paligid, tanging ilaw sa poste na lamang ang nakikita ko. Madalang lang yatang may dumaan dito kahit high way kasi nasa malayong parte na ito ng City. Madaling araw na  mga ala-una na siguro. Pag minamalas ka nga naman, oo! Lalabas sana ako ng sasakyan para tingnan ang makina nito pero natatakot ako, baka pag labas ko may lumusob sa aking mga aswang! o di kaya ay hayop at kainin ako. Ipinilig ko ang ulo ko ano ba 'tong naiisip ko. Si Yuri takot? no way!

Bakit kaya wala pa ring dumaraang sasakyan galing doon sa field?

Nakita ko sa side mirror ko ang paparating na sasakyan, lumuwag ang pakiramdam ko salamat at may hihingan na ako ng tulong. Papalapit na ang iyon at bigla yata akong namutla, oo malas nga ako ngayong araw na 'to! Kay Jeremy lang naman ang sasakyan na 'yun. Ang kanyang hambog na Devil Z ang dala niya. Parang na freeze ako ng dumaan sa tabi ko ang sasakyan, hindi ko nagawang yumuko o iiwas ang mukha ko. Bumalik na naman ang bilis na pagpintig ng hayop na puso ko. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko na hindi naman siya tumingin sa sasakyan ko, nakahinga ako ng malalim. Atleast, kahit umagahin ako dito 'wag lang akong makita ng mokong na 'yun.

Nakita kong dire-diretso ang kotse nito, pero napamulagat ako nang makitang huminto at bumalik.

Paking tape naman! Oo malas na ako! sarap sanang isigaw.

Mas lalo akong hindi makagalaw ng lumabas ito ng kotse. Napalunok ako bigla at bumilis ang tibok ng puso ko doble na ngayon, patay na naman ako nito!

Pagdating sa gilid ng sasakyan ko ay kinatok nito ang bintana ng kotse ko. Tumingin ako dito na parang robot, nakita ko ang galit sa mukha nito, ayun na! Ayun na! Kinatok niya pa ito ng malakas ng hindi ko pagbuksan. Pero bago pa nito masira ay binuksan ko na ang kotse ko. Nang tumingin ako sa kanya ay ngumiti ako ng mapakla "Oh, Jeremy?" kunwa gulat-gulatan ako.

Nagdilim lalo ang mukha niya "What are you doing here?".

Lumunok muna ako para kasing may bumara sa lalamunan ko "Nasiraan kasi ako, hehehe".

"Saan ka galing?"

Pati ba naman kung saan ako galing kailangan mo malaman? sarap isigaw sa mukha niya. Kalma lang Yur! sabi ko sa sarili ko.

"Ah..eh may pinuntahan lang..hehe"

"Kaninong kotse 'to?" tanong niya sabay tingin sa kotse ko.

"Ah kay Chandi 'to pinahiram sa akin, hehehe" para akong timang.

Umalis ito bigla at binuksan ang harapang bahagi ng kotse ko. May kinalikot at agad bumalik sa akin. "Paandarin mo" makautos naman ito parang wala ng bukas, sarap bigyan ng upper cut.

Pinaandar ko ang sasakyan at bigla namang umandar. Tumingin ako sa kanya. Tumingin lang ito ng masakit sa akin. "Mauna ka" yun lang at sinarado na nito ang pintuan ng sasakyan ko at pumasok na rin sa sasakyan nito. Sarap banggain ang kotse niya eh.

Nauna ako sa kanya at nakasunod ito sa likod ko. Bakit ba natatakot ako sa kumag na iyon? Hah! kanina lang 'yun, diba hindi na ako natatakot sa kanya? Peste kasing puso na 'to kinakabahan 'pag lumalapit ang mokong na 'yun.

Papasok na ako sa carpark ng may narinig akong tunog. Huminto ako at nakita kong bumaba ng sasakyan si Jeremy at pumunta sa akin. Binaba ko ang bintana at naghintay ng sasabihin niya. "Sa carpark ko na ikaw magpark" at umalis na siya.

Nauna siya sa akin kaya sumunod na lang ako, ayoko nang makipagtalo dahil inaantok na rin naman ako. Pumasok kami sa carpark niya at hindi ko pa rin maiwasan ang mamangha sa mga kotse niya, nagagamit kaya niya ang lahat ng 'yun? Bumaba na ako at sumabay sa paglalakad niya. Tahimik lang siya hanggang sa pagsakay namin sa elevator. Pagdating sa unit ay tinanong ko "Gusto mo ba ng kape?" pampalubag-loob sa kanya.hehehe

Tumango lang ito at inihagis ang dalang jacket sa sofa at umupo. Nagtimpla naman ako ng maramdaman kong lumapit siya sa tabi ko. Tiningnan ko siya, ito na... wala na ang galit sa mukha niya? Pero blangko naman ang ekspresyon. Lumapit pa ito sa tabi ko, nakatingin lang ako. Anong ginagawa nito? Kumabog na naman tuloy ang dibdib ko.

Naku, sinasabi ko sa'yo Jeremy pag hinalikan mo'ko, shucks! ano ba 'tong iniisip ko. Bakit naman ako hahalikan ni Jeremy? Susme. Itong utak ko talaga minsan, weirdo!  

Ngumiti ako, "Jeremy, bakit?" tanong ko.

Pero hindi pa rin ito nagsalita at lumapit as in malapit na talaga sa akin ang katawan nito. Napapikit ako, ah sige okay lang masarap ka naman sigurong humalik, ani ng isip ko.

Pero naramdaman ko na lang ang hintuturo nito sa noo ko.

"Sa uulitin 'wag ka nang lumabas 'pag gabi na".

Dumilat ako bigla, dyaske naman! 'Yun lang pala ang gagawin, sasabunin na naman pala ako. Uminit tuloy bigla ang ulo ko "Pakialam mo kung gabihin ako?".

"You're in my house Yuri, kaya sundin mo ang gusto ko! O kung ayaw mo, umalis ka nalang dito" nagalit na naman. Umalis na ito sa harap ko at pumasok sa kwarto nito at pabagsak na sinara ang pintuan. Pero narinig ko pa na may binulong ito "Damn, 'di ba niya alam na delikadong lumabas 'pag gabi? Minsan di talaga gumagamit ng utak"

Hindi ko na napagtuonan ng pansin ang huling narinig ko biglang tumulo ang luha ko, ewan ko nasaktan ako eh.

Parang naramdaman ko na porke't nakikitira lang ako sa bahay niya ay hawak na niya ako. Umalis na nga ako sa poder ni Daddy dahil ayaw kong dinidiktahan kung anong gusto kong gawin. May sarili naman kasi tayong pag-iisip, depende na sa atin kung paano natin haharapin ang kunsekwensiya ng ginawa natin. Kaya ito ako ngayon sa piling niya, dahil ito ang kunsekwensiya ng paglayo ko. Pero alam ko nakikitira ako sa bahay niya kaya kung ano mang mangyari sa akin problema niya rin 'yun. 

Ito ang unang beses na umiyak ako dahil kay Jeremy, sisiguraduhin kong hindi na niya ako mapapaiyak sa susunod. Tandaan mo 'yan Jeremy! (Facepalm!)


Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon