P-14 (Welcome)

7.8K 82 0
                                    

Napatingala ako sa nakaukit na pangalan na nakikita ko ngayon sa harapan ko. Tila inaanalisa ko pa ang nakasulat doon. 

Welcome to Hayasaki International School

Ito na ang simula. 

Taas noo akong naglakad papasok sa eskwelahan na iyon.

At ako ngayon si Yuri Hashi.

"Mula ngayon Yuri Hashi na ang pangalan mo, Isabelle" nakangiting sabi ni Mr Diaz sa akin.

Kaya ngayon, ako na nga si Yuri. Isang first year college student na kukuha ng kursong Business & Management. Dito ako mag-aaral sa Hayasaki International School, ang isang sikat na eskwelahan dito sa Japan. Dito rin nag-aaral ang mga kilalang tao sa Japan, mga bigatin, 'ika nga.

Nilibot ko ang paningin sa buong lugar. Doble ang ganda nito kumpara sa mga sosyal na paaralan sa Pilipinas. Ni wala sa kalingkingan nito ang pagiging high-tech ng lugar. Tiningnan ko ang tangan kong class card, Fushi Building room 202 may nakalagay din na Japanese symbols doon.

Naglakad na ako papunta sa klase ko, unang araw ko kaya nangangapa pa ako rito. Hindi pala ito ang unang araw ng school year, late ako ng isang linggo dahil kay Mr Diaz. Marami pa itong ipinagawa sa akin. Parang second course ko na rin ito. Buti na lang walang uniform sa school na ito, maisusuot ko ang gusto kong isuot. Isa nga pala akong fashion designer sa Pilipinas. Kasama ko ang kaibigan kong si Eline sa pagpapatakbo ng aming boutique.  Oo nga, kamusta na pala ang kaibigan kong iyon? Alalang-alala na siguro iyon sa akin. Tsk!.

Sa wakas nakarating na ako sa klasrum ko.

Room 202.

Huminga ako nang malalim bago pumasok doon. 

Pagpasok ko ay nakita ko ang mga estudyanteng nagkakagulo sa loob, dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad papunta sa likurang bahagi ng kuwartong iyun. Ngunit wala man lang may nakaramdam sa akin. Busy silang lahat sa pag-uusap sa kung ano mang topic nila.

Napatingin ako sa isang babaeng nakaupo sa kaliwang bahagi, nagtaka ako kung bakit namimilog ang mata na nakatingin sa akin. Parang nakakita ng multo.

"Mica?" sambit niya.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko, naupo ako dun sa isang upuan na maraming nakasulat. Weird! Inayos ko na ang pagkakaupo ko, mamaya pa siguro darating ang teacher namin. Tiningnan ko ang relo ko, 8:30 pa lang ng umaga, maaga pa!  9:00 naman ang klase namin. Kinuha ko ang mp4 sa bag ko at nilagay ang headset sa tainga ko.

Masyado yata akong nalunod sa pinakikinggan ko kaya hindi ko namalayan na may mga lalaki na palang nakapalibot sa akin. Naramdaman ko na lamang nang tapikin ng isang lalaki ang balikat ko. Kinuha ko ang headset ko at tumingin dito.

**Nihongo**

"Sino ka? Hindi mo ba alam kung kaninong upuan ito?" angil niya sa akin.

Oo nga pala, 1 year akong pinag-aral ni Mr Diaz sa isang language school. Hasa na nga ako sa nihongo (Japanese language).

"Patay s'ya!" narinig kong bulong ng isang estudyanteng babae sa harapan.

"Bakit kasi diyan siya umupo? Late na nag-enrol 'yan siguro, kaya hindi alam kung kaninong upuan 'yang inuupuan niya?" 'yung isang kasama ng babae.

"Oo yata, narinig ko kay Ms. Yasha na may late na papasok galing daw sa Hokkaido," yung maliit ang nagsalita.

"Kaya naman pala ganyan makaasta, probinsiyana!" saka nagtawanan sila. 

"Hoy!  Naririnig mo ba ako?" angil ulit ng sumita sa akin kanina.

Pahinamad kong ibinalik ulit ang headset ko sa tainga ko. Naramdaman ko na lang na sinipa ng isang lalaking kasama nito ang upuan ko at nahulog ako.

Naiinis akong bumangon at tumingin sa kanila. Lima silang lahat at mukhang mga gangster ng eskwelahang ito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinipa ko ang isang lalaki. Narinig kong nagsigawan ang lahat.

Niresbakan naman ako ng suntok ng isang kasama nito kaya sapol ako sa baba.

Tsssss!   Inuubos nila ang pasensya ko. 

Ginamitan ko ng sidekick ang isa at isa. Dalawa na ang natumba, sinuntok ko sa dibdib ang medyo mataba at binigyan ng jump kick ang payat. Sapol sa mukha ang natitira nilang kasama kasabay ng pagbigay ng sipa sa tiyan nito.

Pinagpag ko ang damit kong nalukot at tumayo nang tuwid.

Sisiw!

Narinig kong napasinghap ang ilang nakatingin sa paligid. Wala ni isa mang nagsalita o umawat. Kahit nakapalda ako nang mga oras na 'yun ay ayos lang sa akin.   Kinuha ko na ang bag ko at umalis na ng klasrum na iyon. Nakatatamad ang ganito, napamura ako sa isip ko. Pinahiran ko ang dugo sa bibig ko.

Na'san na kasi ang Jeremy na 'yun.

Bago ako lumabas ng pinto ay napatingin ako sa lalaking nakasandal sa pintuan. Nakasuksok pa ang kamay sa bulsa ng pantalon nito. Tiningnan ko ang mukha, pero nakayuko.

Nilampasan  ko na lang at baka kasamahan ng mga gangster na nasa loob iyon. 

Tssssss. nakatatamad talaga ang araw na ito, ngitngit ko.

Na'san na kasi si Jeremy! Jeremy magpakita ka na, please!!!!

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng bag ko. Agad kong kinuha at tiningnan kung sino ang tumawag. 

'Mr Diaz calling'

Buti at tumawag.

"How's your school, Isabelle?" kahit hindi kami magkaharap ay alam kong nakangisi iyon.

"It's Yuri, not Isabelle!" pagtatama ko. Ayoko nang maramdaman na ako pa rin si Isabelle, iba na ang mukha ko at malayo na ako sa Pilipinas kaya dapat ay sanayin ko nang ako si Yuri na ngayon.

"Oo nga pala, ikaw na ngayon si Yuri," saka tumawa ito. "Matanda na nga siguro ako, at nagiging makalilimutin na ako.  By the way, napatawag ako para sabihin sa 'yong aalis ako ngayon at uuwi ng Pilipinas"

Nagulat ako "Ha? Iiwanan mo ako rito?"

"Isabelle, kaya mo 'yan; basta matapos mo lang ang misyong ito ay makakamit mo rin ang matagal mo nang gustong gawin".

"Pero.." napatigil ako sa pagsasalita. ".. hindi ko pa nakikita si Jeremy!"

"Wag kang magmadali, Isabelle. Nasa iyo ang lahat ng oras. Saka uuwi ako para asikasuhin na ang paglalantad ko ng kasamaan ni Mr Go."

"Tssss... " napakamot ako sa ulo ko "sige...." napatingin ako sa 'di kalayuan sa kinatatayuan ko at nakita ko ang isang bulto ng lalaking papalabas ng eskwelahan.  Nakita ko ang mukha nito kaya sigurado akong si Jeremy iyun.

"Oh sige, Mr Diaz, mag-ingat na lang po kayo," saka pinatay na ang cellphone ko. Siya nga 'yun, kailangang alamin ko kung saan ito nagpupupunta at anong pinanggagawa nito.

Dali-dali na akong umalis sa kinatatayuan ko at sumunod sa lalaking nakita ko kanina....

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now