P-25 (Devil Z vs Black Bird)

6.5K 66 4
                                    

Pumasok ako ng dire-diretso sa loob ng bahay.

Pero naramdaman ko na lamang na may humila sa braso ko.

"Kinakausap pa kita Yuri!" may diin sa salita niya.

Hindi na ako natatakot sa kanya.

Tiningnan ko lang siya ng matiim.

Bubuka pa sana ang bibig niya pero narinig kong tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya  ito sa bulsa at sinagot.

"Bakit???!"

Ang sama talaga ng ugali ng mokong na 'to.

"Ok, i'll be there"

Parang nadagdagan pa ang init ng ulo niya dahil sa tawag, ano kaya iyon?

Curious na naman ako, aissshhhh!

Binitiwan niya ang braso ko.

"Hindi pa tayo tapos!" dinuduro pa ako ng kumag.

Binelatan ko lamang siya at dali-dali ng pumasok sa loob ng kwarto. Bwisit talaga 'yun, anong pakialam niya kung anong gagawin ko?

Ilang araw nang hindi ko mahagilap si Jeremy.

Aalis ng maaga at uuwi ng gabing-gabi na.

Ano kayang pinagkakaabalahan nito?

"Anong nangyari sa'yo, ba't pasan mo ang mundo?"  tinig ni Chandi.

Napabuntong-hininga ako, "wala stress lang siguro, mag fi-finals na kasi next week eh".

"Stress ka d'yan, ang sabihin mo si Jeremy ang problema mo".

Tumingin ako sa kanya ng mabilis "Anong si Jeremy ka d'yan, hindi no! Saka bakit ko isisipin ang mokong na 'yun?" pagkatapos kong sabihin ang linyang iyon ay pumasok bigla si Jeremy sa klasrum. Ang leeg ko ay parang humaba sa pagtingin sa kanya.

"Oh, ang leeg paki-iksian ng kunti".

Tiningnan ko lang si Chandi at kunwari binubuklat ang libro ko.

"Yur, sama ka sa bahay may papakita ako sa'yo" yaya ni Chandi pagkatapos ng klase namin.

Wala naman akong gagawin sa bahay dahil hindi naman umuuwi ng maaga si Jeremy kaya sumama na ako. Pagdating namin sa bahay ni Chandi ay hinila ako sa likod ng bahay nila at may pinakita.

"Ipahiram ko muna 'to sa'yo para 'di kana mahirapan" nakangiting sabi ni Chandi sa akin.

Napamulagat naman ako at lumapit sa bagay na iyon.

Kotse! "Talaga?" hindi makapaniwalang sabi ko. Tumingin ako sa kanya at tumango lamang ito.

"Pero hindi mo ba 'to ginagamit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Biglang may narinig akong nagsalita "Hay, naku Yuri simula nang maaksidente ang batang 'yan ay hindi na nito ginamit ang kotse niya". Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko ang paparating na ina ni Chandi.

"Mommy!" nakita ko ang sindak sa mukha ni Chandi.

"Okay!" at bumalik na sa loob ng bahay ang Ina nito.

"Oh ano na?" bumaling ako kay Chandi at nakangiti na ito. "Kaysa naman mabulok lang 'yan dito, saka si Papa naman ang naghahatid sa akin sa umaga, ikaw nalang sa hapon" . Nagkibit nalang ako ng balikat, kung ano man ang rason ni Chandi at ayaw na nitong mag drive o kung totoo ngang naaksidente ito noon ay tatanungin ko nalang kung okay na ito na pag-usapan. "Alam naman na ni Daddy at Mommy tungkol dito at ako naman ang nag-offer" dagdag pa nito.

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now