P-6 (Princess Isabelle)

10.8K 119 0
                                    

"Princess Isabelle"

Napalingon ako sa tawag na iyon.

Pero hindi ko makita ang mukha nito. Lumalabo at parang lumalayo sa aking harapan.

--------------------------------------------------------------

Napabalikwas ako ng bangon.

'Nasaan ako?' bulong ko.

Inilibot ko ang paningin ko. Nandito pa rin ako sa bahay ni Mr Diaz. May bahay pala sa likod ng stadium na yun. At dito nga ako ngayon.

Napakagat-labi ako sa napanaginipan ko. Siya na naman. Ang lalaking bumabalik sa panaginip ko palagi. Bakit ayaw akong tantanan nito? Sino siya at bakit siya nagpapakita sa akin? Nainis ako bigla.

Bumangon ako at naglakad papunta sa veranda. Ang nakikita ko sa 'di kalayuan ay ang pader na nakapaligid sa stadium at bahay na ito, natatanaw ko rin naman ang kakahuyan. Wala ng mahagip ang paningin ko maliban sa sinabi ko.

Biglang umihip ang hangin at nayakap ko ang sarili ko. Siguro puno ng pasa ang mukha ko dahil sa away ko kanina. Hindi ko na tiningnan sa salamin at baka manlumo pa ako. Malakas din naman si Geneva hindi ko nga napaghandaan lahat ng atake niya sa akin. Siguro dahil sa ilang taon na rin akong hindi nakipaglaban kaya humina ako. Akala ko nga matatalo ako, pero dahil na rin siguro sa pag-iisip ko sa kapatid ko kaya ako nagkaroon pa ng lakas ng loob. Kahit na ano, para sa kapatid ko.

Naalala ko sila Daddy at ang kapatid ko. Kamusta na kaya sila ngayon? Hinahanap kaya nila ako? Baka umiiyak na ang kapatid ko na 'yun. Namimis ko na siya, iyakin pa naman iyon.

Biglang lumambong ang mata ko at nanikip ang dibdib ko. Tatlong araw na ako dito pero hindi pa ako pinapakawalan ni Mr Diaz. Hindi ko alam kung ano pa ang plano niya sa akin, pero sisiguruhin kong tutuparin niya ang mga binitiwan niyang salita. Ayoko kasi sa lahat ay mga taong manloloko.

Naalala ko si Eliza. And dahilan ng lahat ng ito. Ang babaeng puno't-dulo ng paghihirap ko. Gaganti ako sa'yo Eliza hintayin mo 'yan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata. Napakuom ang kamao ko.

Isa lang naman ang hiling ko, ang maging masaya kami ulit. Gaya ng dati. Noong nabubuhay pa si Mommy.

At hindi ko napigilang mapahikbi. Miss na miss na kita Mommy...

----------------------------------------------------------

"Come here my Princess" napatingin ako sa tawag na iyon. Si Mommy, nakangiti habang nakalahad ang kamay sa harapan ko.

Tumakbo naman ako papunta sa kanya at niyakap siya.

"Mommy!"

"Where is your little sister?" tanong niya.

Tinuro ko ang naglalarong kapatid ko. Ngumiti lamang si Mommy at hinalikan ang pisngi ko.

"Don't leave your sister alone, okay? You'll be her protector someday" sa edad kong sampung taong gulang ay iyon na ang sinabi sa akin ni Mommy. Ako ang poprotekta sa kapatid ko. At totoo nga, poprotektahan ko siya sa abot ng makakaya ko.

Para kaming mga Prinsesa noon. Yung totoong Prinsesa, sunod sa luho. Pag-aari kasi ng mga magulang ko ang Sanchez Real Estate na pinakamayaman sa lugar namin.

Lumaki kami ng kapatid ko na masarap ang buhay. Mahal na mahal kami ng magulang namin. Lahat ng gusto naibibigay, kahit ano.

Pero nawala ang lahat ng iyon ng mamatay si Mommy. Namatay siya nung ika-18th birthday ko. May bumaril sa kanya at hanggang ngayon hindi pa namin alam kung sino iyon.

Sa eskwelahan binubully kami ng mga kaklase namin na wala na kaming Mommy at wala ng magtatanggol sa amin.

Nakita kong naging malungkutin na ang kapatid ko. Parati ko na lang naririnig ang iyak niya. Naaawa ako sa kanya pero wala akong magawa.

Isang araw, nakita ko siya sa gate ng eskwelahan namin; umiiyak.

"Mommyyyyyyyy" sigaw niya. Parang madudurog ang puso ko. Sa edad na 15 ay hindi pa siya tuluyang naging independent kay Mommy. Binibaby pa kasi siya ni Mommy kahit kinse na siya.

"Shhhhh, tahan na nandito na ang Ate, hinding-hindi ka niya pababayaan" at niyakap ko siya ng mahigpit.

At iyon na nga ang simula na sumali ako sa Taekwando. Para protektahan ang kapatid ko.

And dating maganda at mahinhin na si Isabelle Sanchez ay naging astig at palaban na. Kaya sa bawat nanakit sa kapatid ko ay isang sipa ang naabot nila mula sa akin.

"A penny for your thought?" naramdaman ko ang pagtulo ulit na luha ko. Pinahiran ko iyon at lumingon sa nagsalita.

"Kanina ka pa?" tanong ko dito.

"Hindi naman" nakita ko ang lungkot din sa mga mata niya.

"Marami pa tayong pag-uusapan Isabelle" at naupo na ito sa upuan sa gilid ng veranda. At naupo na rin ako sa kaharap na upuan. Ano kaya ang plano ng kalbo na ito? Kinakabahan na naman ako.

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now