P-34 (Nissan Skyline GT-R)

5.7K 61 0
                                    

Ilang araw kaming hindi nagpapansin ni Jeremy pagkatapos ng nangyari sa Fashion Show. Hindi rin naman niya ako kibuin kaya hindi ko rin siya kikibuin. Wala namang mawawala sa'kin, kung ayaw niya 'di wag. Hindi ko rin kasi matukoy yung mood ng lalaking iyon. Mas hinigitan pa yung babaeng may PMS.


♪ We're not lovers but more than friends.Put a flame to every single word you ever said. No more crying to get me through. I'll keep dancing till the morning with somebody new. Tonight I'm getting over you. Tonight I'm getting over you.

Tonight I'm getting over you ♪


Ringtone ko 'yan.. 

Tinapos ko pa talaga ang kanta..hehehe

Of course favorite ko 'yan e.

Sino kaya ito? Sinagot ko na.

"Hello?" 

"Hi, Yuri?"

"Yes, speaking?" sino kaya ito?

"Yuri, it's Miss M" buhat sa narinig ko ay muntik ko ng mabitawan ang hawak kong cellphone.

"Miss...miss M! How are you?" oo nga pala sinabihan ako ni Miss M na tumawag sa kanya a day after the party. Oh Syet!

"Fine, ikaw?"

"Okay lang din, by the way sorry kung hindi ako nakatawag nung pagkatapos ng party" apologetic na sabi ko.

"Oh, it's okay I know you've been busy this past few days" natigilan ako parang may something akong nararamdaman sa sinabi niya. I mean parang alam niya ang buhay ko o may nalalaman siya. Aissshh, ang gulo ko.

Binaliwala ko na lang 'yun "Ah ok. Pa'no mo pala nalaman yung number ko?"

"I have my ways, Yuri" and she laughed. Hindi ko na inusisa kung saan at kanino niya nalaman, siguro hiningi ng organizer kay Chandi. Yun nga siguro. "Are you free tomorrow?" dugtong niya.

"Ahmmm.. yes of course"

"Can I invite you for a coffee?" namilog ang mga mata ko, is this for real? Si Miss M gustong makipagkita sa akin? Whoah!

I cleared my throat "Yeah.. sure, why not" todo ngiti ko. Pagkatapos naming pag-usapan kung saan kami magkikita ay napaupo ako sa kama ko na parang nakalutang. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na yayayain ako ng isang Miss M.

Kinabukasan, maaga pa ako sa napag-usapan naming time. S'yempre si Miss M 'yan alangan naman na paghintayin ko siya, 'di bale ng malate siya kesa ako.

Pumasok na ako sa isang restaurant na sinabi ni Miss M. Sosyal! Mga mayayamang tao lang ang nagpupunta dito. I mean,I know I can afford to come in this place pero hindi siya common na place. Do you get what I mean? Parang ang gulo ng Part na 'to. hehe

"Do you have any reservation, Ma'am?" tanong ng  waiter.

"I'm with Miss M" ngumiti ako dito. Sinabi na kasi sa akin ni Miss M na nakapagreserve na siya ng table namin.

"Oh ok, this way Ma'am" at giniya ako sa isang parang room at pagpasok namin ay nakaset na ang table. Maliit siya na room na may table na maliit, at may dalawang upuan. Kauupo ko lang ng bumukas ang pinto  and there I saw Miss M walking gracefully towards me. She then kissed me in the cheeks. "Hi Yuri".

Ngumiti ako sa kanya "Hello Miss M" nadismaya ako ulit dahil na maskara pa rin ito. But she's so gorgeous sa damit n'yang suot. It's a yellow above the knee dress.

"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin.

"Ngayon-ngayon lang din" umorder na siya.

"I orderd heavy meals ha? Hindi pa kasi ako nananghalian" at tumawa siya. Kahit pagtawa niya ay may class.

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now