P-36 (Drifting Away)

5.4K 65 0
                                    

Expressway Bayshore Route 

12:00 Midnight

Nakatayo ako sa labas ng sasakyan ko habang nakatanaw sa Expressway na ‘yun. Miss M is also standing and looking at the Bridge. Magsisimula na kami maya-maya at hindi ko mapigilan ang kabahan, yes I feel nervous sa gagawin namin.

Pero sa dami ng napagdaan ko mula ng umalis ako ng Pilipinas ay hindi na ako natatakot sa lahat, lahat na nasubukan ko. Lahat na ng pasakit at pakikipaglaban. Pero minsan gusto ko na ring sumuko, hindi ko alam kung bakit pa ako nakikipaglaban sa lahat ng larangan. Pag-ibig , pamilya at karera sa buhay. Kailangan ko kasi ito, kailangan ko para sa sarili ko. Kailangan kong ipakitang matatag ako, at kailangan ko ring hanapin ang katatagan na iyon. At dito ako kumukuha ng lakas sa bawat taong nakakasalamuha at nakikilala ko. Bawat isa sa kanila ay may naiibahagi sa pagkatao ko. Anong ba ‘tong naiisip ko? Nag-eemo na naman ako. 

 “Goodluck to both of us” at nagkamayan kami ni Miss M.

“Goodluck, Yur” at niyakap ako ni Chandi. Nakita kong napatigil si Miss M at pinanuod kami. Ngumiti siya sa akin ng mapatingin ako sa kanya.

Pumasok na kami sa aming mga kotse.

Isang RUF CTR3 supercar ang kotse ni Miss M. It’s so classy, I’m envious. Kulay yellow ito at “yellow bird” ang tawag sa kotseng iyon. The performance of the CTR3 is incredible. Ang acceleration nito is from  0-62 miles per hour that it only takes  3.2 seconds. Ang top speed niya ay 235 mph. Di ba swabe lang?

Pinaandar ko na ang sasakyan. Pumusisyon na kami at nag sign of cross muna ako. May babae sa harapan namin na hawak-hawak ang isang maliit na flag. Hinawakan ko ang gear ng mahigpit. This is it Yuri. Tumingin muna ako kay Miss M at nakangiti siya habang nakatingin sa akin, pero nakita kong nag smirk ito. Ewan, kinakabahan lang siguro ako.

Naghudyat na ang babae na magready and in the split of seconds ibinababa niya na ang flag.

I release the break and clutch and begin to press down the gas pedal.

Parang mataas ang energy ko ngayon at tinodo ko na until 6,000 rpm.

Whoah. Halos magkalevel lang kami ni Miss M. Pinaharurot ko pa pero naunahan niya ako ng kunti lang. Nanginginig pa ang mga kamay ko but I maintained the poise. Mabuti na lang kunti na lang ang mga sasakyang dumadaan ngayon.

May sasakyan kaming naabutan so nag overtake ako, magkapantay na kami ngayon ni Miss M. Ngumiti ako, pero pinagpapawisan ang mga kamay ko.

Paking tape! 

Pero hindi ko napaghandaan dahil nag-overtake ang nakasunod na sasakyan sa akin and as if binabangga niya ang kotse ko. 

Nagpanic ako kaya binilisan ko ang pagtakbo, we will approached the curve line so steady lang ang kamay ko. We are in the tunnel so medyo kailangang ingat kami. Namamawis ang mga kamay ko, tumatambol ang dibdib ko. Hindi, hindi ko kailangang matakot. Kailangang tatagan ko ang sarili ko, kailangan kong manalo kahit anong mangyari.

Napahawak pa ako sa manibela ng mahigpit, pareho lang kami ng speed ni Miss M. Patingin-tingin ako sa sasakyan niya pero pagkaraan ng ilang minuto pinagalitan ko ang sarili ko. 

Isa itong laban Yuri, kailangan mong magconcentrate!

Binilisan ko pa ang pagtakbo until we reached the end of the tunnel.

Biglang gumiwang ang kotse ko na ikinagulat ko, anong nangyayari?

It’s as if it has a mind na parang siya ang nagdadala na nito, hindi ko na ma control. Biglang nanlamig ang mga kamay ko at bumilis ang tibok ng puso ko.

At sa isang kisap mata lang, nakita kong papabangga na ako sa isang curve line at kahit anong gawin ko hindi ko na makontrol ang sasakyan ko. At sa huli lahat ng iyon, lahat ay naging isang napakadilim na para sa akin.

 ****

Napamulat ako pero nasilaw lang ako sa liwanag kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko. Dahan-dahan kong iminulat ulit at ng maadjust na ang mga mata ko sa liwanag ay nakita kong puro puti nalang ang nasa paligid ko.

Tumingin ako sa gilid ko at ang nakatunghay na mukha ni Chandi ang unang nasilayan ko. Nakita ko ang luha na pumapatak sa mga mata niya. Ngumiti ako sa kanya pero hindi manlang siya ngumiti, galit ba ito sa akin?

Inilibot ko ang paningin ko at ang galit na mukha ni Jeremy ang sumunod kong nakita, parang kakainin ako nito ng buhay. Pero ang ikinagulat ko ay nang makita kong nasa tabi nito si Miss M habang nakangisi sa akin.

Sa kabilang side ni Miss M ay si Cio malungkot na nakatingin sa akin. Ano ba ang nagawa ko at ganito sila sa akin?

“Ate?” narinig kong may nagsalita. Bigla kong iniangat ang paningin ko mula sa pagkakayuko at nakita ko ang mukha ng kapatid kong umiiyak. Nagulat ako dahil bakit nandito siya?

Tumingin ako sa gilid niya at napasinghap ng makita ko si Daddy, galit na galit ang mukha nito. Pero ang ikinasindak ko ulit ay nang hilahin ang kapatid ko ng kung sino at nakita ko na lang na akay-akay na ito ni Eduard Go.

“Carmela!!!”sigaw ko pero parang wala namang lumabas na boses. Pero sigaw pa rin ako ng sigaw.

At pagtingin ko ulit sa harapan ko ay nakita ko ang nakangising mukha ni Mr Diaz, puno ng dugo ang mukha nito. Nanlilisik ang mga mata at may hawak na kutsilyo.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Nagwawala ako, pero bigla rin akong nawalan ng malay. At lahat ay naging madilim sa akin. Madilim na madilim.

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now