P-27 (Gangster Queen)

6.5K 73 1
                                    

“Malungkot ka yata?” napatingala ako sa nagsalita. Nakita ko ang mukha ni Cio na nakatunghay sa aking harapan, hindi ko ito napansin dahil nakatitig lang ako sa harapan ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa gilid ng PE building, nakaupo lang ako hindi ko rin malaman kung ano ang iniisip ko. Nababaliw na yata ako? O siguro namimiss ko na ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko. Nag-iisa na nga lang ba ako ngayon? Bakit parang may kulang pa rin sa akin hanggang ngayon? Bakit hungkag pa rin ang pagkatao ko?

Napabuntong-hininga ako saka ngumiti kay Cio.

“Let’s go..” hinila niya ako sa kamay at naglakad kami papunta sa carpark. Binitiwan niya ang kamay ko at lumapit sa isang Harley Davidson V-Rod, isang klase ng bike cruiser. Lumapit din ako at binigay niya sa akin ang isang helmet. Sumakay na ito.

“Hop in” narinig kong sabi niya, nag-aatubili ako nung una pero sinunod ko rin siya. Pinaandar na nito ang at maya-maya nakakapit na ako sa balikat niya. Pero kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa beywang niya.

Awkward!

Papalabas na kami nang eskwelahan ng madaanan namin ang nag-uumpukang grupo ni Jeremy. Nakita kong masakit ang tingin nito sa amin, pero nilihis ko lang ang tingin ko.

Wala kaming imikan ni Cio sa daan, hindi ko alam kung saan nga kami papunta. Pero nagustuhan ko ang pag dadrive ni Cio swabe lang hindi katulad ni Jeremy. Naisip ko na naman ang mokong na ‘yun. grrrr! Badtrip!

Nakarating kami sa isang dagat, hapon na kaya hindi na mainit. Bumaba na ako at naglakad, naramdaman ko ang pagsunod niya sa kin. Nakakita ako ng isang bato at naupo ako doon, naupo na rin siya.

“Galit na naman ‘yung lover mo” narinig kong sabi niya.

Napatingin ako bigla sa kanya “Hindi ko lover ‘yun no!” at napasimangot pa ako.

“Nag-away kayo?” tumawa ito ng mahina. Bumuntong-hininga naman ako, ilang ulit ko na bang ginawa ito?

Umayos ako ng upo “Forget him!”, at napatingin ako sa dagat. “Tell me about her” hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko o curious lang ako sa Micang iyon.

Tumingin ako sa kanya ng wala akong marinig na sagot dito. Nakatingin lang din siya sa dagat malamlam ang mga mata. Pareho lang ang built ng katawan nila ni Jeremy pero ang facial expression nila ay magkaiba. Si Jeremy kung makikita mo ay matatakot ka dahil napakasuplado ng mukha nito animo mananakmal ng tao dahil sa kabitteran na dinadala nito. Pero si Cio parang napaka-calm ng mukha niya, palagi siyang nakangiti kahit alam at nakikita kong malungkot ang mga mata niya.

Bumuntong-hininga rin siya, naghintay ako ng sasabihin niya.

“She’s so lovely, kind and funny. Siya ang nagpapatawa sa akin lagi, hinahanap ko siya pag nalulungkot ako kasi alam niya pa’no ako patawanin. She always listened to my sentiments about my family, hindi ako nito iniiwan pag hindi ako naging okay” nagpause ito at pagak na tumawa. “Hindi ko alam kung na fall-out ba talaga siya sa akin o ginago lang talaga ako” tumigin ako dito and he clenched his fist. Alam ko kung sino ang tinutukoy nito na nanggago sa kanya, si Jeremy!

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon