P-35 (The Attackers)

5.5K 61 2
                                    

Papauwi ako isang araw galing school, dahil pinapahinga ko muna si Baby GT-R ko hindi ko muna ginamit. 

Katulad din sa tao, di ba 'pag may gagawin tayo nagpapahinga muna tayo para magkaroon tayo ng lakas sa gagawin natin in future. Wag nating pilitin ang katawan natin na gawin ang mga bagay agad-agad dahil napapagod din ito. 

Dahil nagninilay-nilay ako kaya hindi ko naramdaman na may tumigil na van sa tabi ko at bigla nalang bumukas at hinila ako papasok. Tsk! Ito na naman. Napaka pamilyar na naman ng ganitong eksena sa buhay ko. Pwede ko nalang na nga sabihin na 'kusa akong papasok 'wag ninyo na akong hablutin'. 

Hindi ako pumalag kahit may kaunting takot akong naramdaman. Nilagyan nila ng tali ang kamay ko at packing-tape ang bibig ko. Packing-tape talaga na buhay 'to! Pag parati ka talagang minamalas! Sino na naman kayang may gawa nito, over-cliche' na talaga ang buhay ko. 

Nakita ko ang mga lalaking nakaitim na tahimik sa tabi ko. Mabuti naman at mga behave lang sila 'di katulad sa Pilipinas, wala ka na ngang kalaban-laban mukhang kakainin ka pang buhay. 

Pumasok kami sa isang building na malayo na yata sa City. Tinali nila ako habang nakaupo sa upuan sa isang open space sa loob na iyon ng building. Tumawag ang isang lalaki sa telepono. "Nandito na siya, Boss".

At ilang minuto lang may nakita akong papalapit na lalaki. Mukhang pamilyar sa akin ang mukha niya, saan ko nga ba nakita 'yun?

"So ikaw pala ang bagong babae ngayon ni Jeremy?" napakunot ang noo ko. Ah!  siya nga yun! Yung lalaking nambastos sa akin sa Bar. "Balita ko ang huling babae niya ay na car accident at sunog ang buong katawan" ngumiti ito ng nakakaloloko. "Gusto mo rin bang ganun ang gawin ko sa'yo?" at tumawa na ito ng malakas.

Never! Bago mo magawa sa akin yun lasog-lasugin ko muna ang katawan mo. Pero paano ko magagawa yun eh marami sila at mag-isa lang ako at nakatali pa? May kunting takot akong naramdaman. 

Pero naramdaman ko nalang na uminog yata ang mundo ko dahil sa sampal na iyon. "Parang hindi ka yata natatakot sa akin ah" hinablot niya ang mukha ko paharap sa kanya. "Bakit? Sino ang pinagmamalaki mo? Si Jeremy ba? Gusto mong magkasama kayong sunugin ko sa impyerno?" at tumawa ng malakas. 

Inumpog ko ang ulo ko sa ulo niya. Ginagalit niya ako ha. Kahit nakatali ako hindi ko siya uurungan. 

"Putang-ina!" sapo niya ang ulo niya dahil natumba. Agad naman siyang tumayo at pinagsasampal ulit ako. Alam ko marami na ang dugo sa mukha ko pero hindi pa rin ako nilubayan. Hindi ako iiyak! Hindi ako magmamakaawa! Hindi ko ipakikitang hinang-hina na ako kahit  yun ang totoo. 

Tumawa siya pagkalipas ng ilang sandali "Ang tigas mo ha!"

Kinuha niya ang telepono sa bulsa at nag dial. "Maganda pala ang syota mo" saka tumawa. May naririnig ako sa kabilang linya pero hindi ko marinig ng tuluyan. Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh easy lang, hindi ko siya gagalawin. Hihintayin muna kita dito bago ko yun gagawin" at tumawa ulit. Umiling ako, hindi! Hindi pwedeng pumunta dito si Jeremy. Kapag pumunta siya wala naman siyang magagawa, mapapahamak lang siya. Napailing ako kasabay ng sakit ng nararamdaman ko. Ayoko siyang idamay dito. Ayoko siyang masakatan. Kasabay rin niyon ay ang pagpatak ng luha ko. 

Sumigaw ako, pero naging ungol lang yun dahil naka tape ang bibig ko. Nagwawala na ako habang tawang-tawa lang ang lalaki sa harapan ko.

Siguro sa pagod nawalan ako ng malay at nang minulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Jeremy sa harapan ko na nakaupo na rin habang nakatali pero walang tape sa bibig.

"Okay ka lang?" matigas na sabi niya habang matiim na nakatingin sa akin.

Nagwala na naman ako at napaiyak. 'No, Jeremy bakit ka nandito? Sasaktan ka lang nila' sigaw ng isip ko. Napailing na lang ako. 

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now