P-24 (Chandi)

6.5K 72 1
                                    

Naglalakad kami sa daan ni Cio, kwentuhan kami. Masaya rin pala siyang kausap, hindi boring gaya ni Jeremy. Napasimangot tuloy ako ng maisip ang kumag na 'yun, basta naiinis ako dito.

"Bakit ka nakasimangot? Ayaw mo bang kasama ako?" natatawa pang tanong ni Cio ng mapansin ang pagsimangot ko.

Umiling ako "Hindi naisip ko lang si Jeremy".

Nakita kong nag-iba ang ekspresyon nito, parang naging galit ito. Hindi na ako nagsalita pa at ganun din siya.

May nakita kami sa daan na nakaupo habang umiiyak. Tiningnan ko ng maigi at nakilala ko siya. Si Chandi pala, nakita ko ang papalayong motorbike pero hindi ko mapagsino kung sino ang nakasakay doon.

"Chandi?" tawag ko. Bigla naman itong napatingin.

"Yuri!" saka yumakap ito sa akin. Yumakap din ako dito pabalik habang hinimas ito sa likod.

"Anong nangyari?" tumingin ako kay Cio habang nakatingin din ito sa akin.

Pinahid ni Chandi ang luha sa mga mata at kumalas sa akin "Wala, napuying lang ako" saka ngumiti ito.

Sinakyan ko nalang ang sinabi nito dahil ayaw din siguro nitong ipaalam. "Ahhh, pauwi ka na ba?".

Tumingin ito kay Cio at tumango lang si Cio dito.

"Oo, pauwi na ako" ngumiti na ito.

"Samahan na kita" sabi ko at tumingin kay Cio, tumango lamang ito.

Mas umaliwalas ang mukha ni Chandi "Talaga?".

Tiningnan ko siya, napakaganda ng mukha niya. Para siyang anghel dahil maputi. Medyo mataas sa akin sa height na 5'5 inches. Ang buhok niya ay maitim at lagpas balikat, siguro pag kinulayan ito ay lulutang pa lalo ang ganda niya. Parang napakainosente ng mga mata pag tumingin sa'yo, mababanaag ang sinseridad sa bawat kisap ng mga mata. Pero parang may kakaibang bahagi ng kanyang titig na hindi ko mahulaan, na kapag tiningnan mo siya sa mga mata agad ay iiwas ng tingin. Ang maliit ngunit matangos na ilong ay bumabagay sa katamtamang laki ng labi. Sa edad na 22 ay nakadalawa na ang kurso dahil gusto ng Papa nitong mag commerce siya. Ang unang kursong kinuha nito ay Fine Arts.

"Oo, sasamahan kita" ngumiti rin ako.

Hinawakan nito ang braso ko, tumingin ako kay Cio "Ihahatid ko si Chandi".

"Sige, mauna na ako sa inyo" tumalikod na ito at naglakad.

"Uyy, bakit mo kasama ang Ciong iyon?" naging masaya na ito.

"Wala, nakikipagkaibigan lang 'yung tao" sagot ko dito.

"Sige akin na si Papa Jeremy mo" saka tumawa ito. Sumeryoso naman ito bigla.

"Pero siguro nakikita niya si Mica sa'yo kaya nakipagkaibigan" dagdag nito at tumingin ito sa malayo.

"Wag na nga nating pag-usapan 'yan" hinila ko ang kamay nito at tumakbo kami.

Nakarating kami sa isang two-storey na bahay. Pumasok kami sa loob, malaki naman pala ang bahay ni Chandi.

"Nandito na po ako" sabi ni Chandi sa malakas na boses.

Narinig ko ang yabag na patakbo.

"Ate Chandi!" may maliit na boses na sumigaw. Nakita ko ang tumatakbong bata na papalapit sa kinatatayuan namin. Nasa anim na taong gulang na siguro ito. Tumigil ito ng makita ako at namilog ang mga mata.

"Ate Micaaa?" parang hindi pa ito makapaniwala. "Mommy, si Ate Micaaa" sigaw nito.

May nakita naman akong dali-daling lumbas sa kusinang isang may-edad na babae.

"ikaw na ba 'yan Chandi?" at gaya ng bata ay namilog din ang mga mata nito. "Susmaryosep!" at napatakip sa bibig nito "Mica?".

Tumawa si Chandi "Mommy, Meesa hindi po siya si Mica; siya po si Yuri ang kaklase ko". At umupo ito sa upuan habang hinihilot ang ulo nito.

Lumapit ang bata sa akin, ang cute ng bilugang mata nito parang hindi Japanese ang mukha sa laki ng mata "Talaga po bang hindi kayo si Ate Mica?".

Yumuko ako dito para magpantay ang mukha namin "Hindi, ako si Ate Yuri mo pero pwede mo rin akong maging si Ate Mica mo". Nakita ko ang saya sa mukha nito. Napalundag ito sa saya.

"Yeheyy, may Ate Mica na ako ulit!".

Napatingin ako sa may-edad na babae, ngumiti lang ito ng may lungkot sa mata. "Close kasi sila noon ni Mica kaya ganyan 'yan. Ako pala ang Mama ni Chandi. "Chandi!" tumingin ito sa anak na nakaupo. "Ikaw na munang bahala sa bisita mo at nagluluto pa ako doon, mag-didinner na tayo maya-maya". Tumingin ulit ito sa akin "Maiwan na muna kita iha, nagluluto pa kasi ako. Dito kana magdinner ha?." 

Tumango lang ako at umalis na ang Mama ni Chandi.

Nakita kong tumayo si Chandi "Tara sa room ko Yuri" yaya nito sa akin.

"Sama ako Ate Chandi" saka hinawakan nito ang kamay ko. Ang kyut talaga nito.

Nakita ko ang mga picture doon ni Mica, close talaga sila ni Chandi noon. Parang magkapatid na pala sila. Naalala ko tuloy si Eilen, ang bestfriend ko. Siguro malungkot 'yun gaya ni Chandi. Na gaya ni Mica nawala na rin ako sa buhay nila. Bigla ang pag lungkot ko, may nakita akong parang isang maliit na Diary sa mesa ni Chandi. Kinuha ko iyon pero may biglang may humablot "Huwag mong hahawakan ito!" nakita ko na parang takot na takot si Chandi.

Ngumiti ako dito at tumango. Naglaro na lang kami ng kapatid nitong si Meesa hanggang sa dumating ang Papa nito. Dalawa lang pala silang anak at mabait din ang Ama nito. Nung una nagulat din ito ng makita ako, pero ng malaman na hindi ako si Mica ay magiliw ako nitong inestima.

Ang saya ng pamilya nila, mahal na mahal nila ang isa't-isa. Nalungkot ulit ako dahil naalala ko na naman ang pamilya ko sa Pilipinas. Lalo na si Mommy, umusal ako ng isang panalangin para dito.

Inihatid ako sa labas ni Chandi at sumakay ng taxi pauwi. Pasado alas once na pala hindi ko namalayan. Napasarap kasi ang usapan namin at naglaro pa kami ni Meesa, kakaaliw talaga ang batang iyon.

Pagbukas ko ng pinto ng condo ay bumulaga sa akin ang nakatayong si Jeremy. Mukhang galit ito dahil 'di maipinta ang mukha.

"Saan ka galing?" gumalaw ang muscles sa mukha nito.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita pero nagsalita ulit ito.

"Siguro nakipagkita ka doon sa Ciong iyon, no?" nakita kong mas galit na ang mukha nito.

Naikot ko ang eyeballs ko 'Anong problema nito kung nagkita kami ni Cio?'


Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon