P-15 (Jeremy)

7.7K 85 6
                                    

Patingin-tingin ako sa paligid ko baka kasi may makakita sa akin na sinusundan ko siya.

Binilisan ko ang paglalakad habang nakaantabay at nakatutok ang mata sa kanya. Kailangang hindi ito mawala sa paningin ko. Saan ko na naman siyang lupalop ng eskwelahan hahanapin 'pag nakawala na naman siya. Jusko! Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Mr Diaz bakit kong bantayan 'tong lalaki na 'to. Oo at anak siya ng Prime Minister pero bakit wala naman siyang body guard? At pihado kung meron nakasunod dapat sa kanya? 

Hanggang sa makarating ako sa isang tagong lugar na puro mga building na luma na. Lumiko siya sa isang mataas na gusali, binagalan ko ang paglalakad ko at dahan-dahan ang ginawa kong pagtago sa gilid ng gusali at tiningnan ang lugar na pinuntahan niya. Nakikita ko lang ito sa mga pelikula sa t.v, yung mga old buildings. Karamihan mga gang-gang ang mga nandito. Napasinghap ako sa nakita.

Nakita ko Jeremy nakatayo kaharap ang mga lalaking na engkwentro ko kanina sa loob ng eskwelahan. Kung ganun siya pala iyong nakayuko sa gilid ng pintuan kanina? Pero ang mas natuonan ko ng pansin ay ang mga nakapalibot sa kanyang mga lalaki. Marami sila, mga nasa trenta siguro, mga gangster ang mukha. Pero bakit kasama niya sila kanina? Anong kasalanan ng isang 'to? Tsk! mapapalaban na naman ako nito. Ikalawang laban ko na 'to mula kanina, tssss.. amboring ng buhay pag ganito. O sige, ako na ang mayabang.

Binalik ko ang tingin kay Jeremy, kulay puti pala ang buhok niya.  Ganito ba talaga ang fashion dito sa Japan? Pauso kasi ni Hiro-chan sa Koizora. Mataas siya siguro nasa 5'11 ang height. Dahil nakatagilid siya kaya hindi ko totally nakikita ang mukha niya. Nakasuot siya ng t-shirt na itim at maong na medyo kupas at sneakers. At may gana pa akong mag analisa no?

Nakipag-usap si Jeremy sa kanila, parang may hindi pagkakaunawaan sa kanilang pagitan. Kanina magkasama lang sila di ba? 

Lalapit na ba ako? Pero, bakit ako lalapit? Wala pa naman away. hehe

Biglang nagpakita sa balintataw ko si Mr Diaz....

"Siya si Jeremy Michigo, anak ng Prime Minister ng Japan. Dahil sa sampung taon ng pinamamahalaan ni Prime Minister Michigo ang bansang ito ay nagpaplano silang palitan. Ang iluluklok nila sa pwesto ay ang dating kaibigan nitong si Representative Higaya, ngunit dahil inaasam din ng huli ang trono ay gagawin nito ang lahat para mapasakanya ang posisyon. " kwento ni Mr Diaz, habang hawak nito ang larawan ng Jeremy daw.

Tiningnan ko ang mukha niyon, maamo pero malakas ang aura niya. Nagsalita ulit si Mr Diaz.

"Kaya ang misyon mo; Yuri, ay bantayan si Jeremy sa kamay ng gustong umatake dito."

Napaingos ako "Bakit ako? Saka babae ako, paano ko siya ipagtatanggol sa gustong saktan siya? ".

"Yuri, kaya nga babae ka. Hindi nila malalaman na ikaw ang nagbabantay sa kanya. Malaki ang tiwala ko sa'yo Yuri, kaya mo 'yan". 

Napaisip ako, paano kung may mangyaring masama rin sa akin? Hindi ko naman kayang pangalagaan ang sarili ko palagi.

"Pero Mr Diaz, gaano ba kahalaga ito sa'yo?"

Tumingin ng matiim sa akin si Mr Diaz "Malalaman mo rin sa takdang panahon".

Hindi ko ito maintindihan, ah! bahala na basta magawa ko lang ito.

Humabol pa ng salita si Mr Diaz "Hindi magiging madali ito, Yuri. Tandaan mo mahirap kaibiganin si Jeremy. Malayo ang loob niya sa lahat kahit sa pamilya niya. Magiging mahirap ang buhay mo sa kanya".

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan ng makita kong sinuntok ng isa si Jeremy. Susugod na sana ako ng may humila sa braso ko. Tangna naman uh!

Bigla akong napatingin at nakita ko ang isang matangkad na lalaking pula ang buhok at nakangiti sa akin. Uso ba talaga ang ganitong hairstyle dito. Aissshh... bakit buhok ang una kong nakikita sa isang tao. 

Oo, naiintindihan kong ang Japan ang may mas sikat when it comes sa mga fashion trend, i'm a fashion designer pero ang hindi ko maintindihan kung bakit naiinis akong makakita ng mga iba't-ibang kulay ng buhok.

"What are doing?" tanong niya sa akin. Buo ang tinig niya pero hindi naman galit. Naka itim din siyang t-shirt ang jeans na kulay blue. Napatingin ako sa likuran niya, may kasama pa pala ito. Mga pito sila at iba-iba rin ang hairstyle. Ang iba ay nakasakay sa kani-kanilang motorbike. Pero bakit hindi ko narinig ang pagdating nila? O sadyang nalunod lang ako sa pag-iisip kay Jeremy. At bakit ko sila iniisip? At pakialam ko sa kanila? Kailangan ko munang masagip si Jeremy bago ko isipin ang mga kolokoy na 'to.

Lumukot ang mukha ko. Sino kayang mga walang magawa sa buhay at ako ang iniisturbo?

Tumawa ang lalaki sa harap ko. Maangas ang dating, kahit gwapo ito ngunit hindi pa rin pumasa sa panlasa ko ang itsura niya. Mababakas sa mukha na galing din sa mayamang angkan. Mga happy-go-lucky kumbaga.

Napataas ang kilay niya sa akin. "Tititigan mo lang ba ako o may balak ka pang magsalita?".

"Na-amaze ka ba sa kagwapuhan namin?!" sabat ng isang lalaking kasama niya. Napatingin ako at nakita kong violet ang kulay ng buhok niya. Napangiwi ako, gosssh! wala talagang ka taste-taste ang tao dito.

Napahawak ito sa buhok ng mapagtantong doon ako nakatingin.

"Opsss, huwag mong pagnasaan ang buhok ko" sita nito sa akin. 

Napatingin din ako sa iba pa nilang kasama, iba-iba ang hairstyle nila. Parang hindi ko talaga maintidihan ang fashion trend dito sa Japan.

"Para talaga siyang si Mica no?" hindi ko alam kung sino ang nagsalita. 

Bigla kaming napatingin ng marinig namin ang ingay sa kabila kung saan naroon si Jeremy. Nakita ko siyang nakasalampak sa lupa habang sinisipa ng ilang kalalakihan.

Narinig kong nagsalita ulit ang lalaki sa tabi ko "Ang tigas talaga ng gago!  Tara!" sigaw nito at dali-dali silang tumakbo sa kinaruruonan ni Jeremy.

Naiwan akong natulala. Nakita ko silang naglalaban na. Pero bakit nakatingin lang ako?

Naging mabilis ang sumunod kong hakbang.

Napangiti ako, magiging masaya 'to sigurado.

Patakbo kong tinungo ang kinaruruonan nang naglalaban at nakisabay na rin ako sa kanila.

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now