P-7 (Goodbye Isabelle)

10.1K 116 1
                                    

"What?" Namilog ang mga mata ko sa narinig.

"Yeah, you signed it kaya wala ng bawian" ngumisi ito. Ngising mala-demonyo. Ngising nagpainis pa sa akin.

Kahit kelan hindi talaga mapagkatiwalaan ang kalbong ito. Sabi ko na nga ba eh, bakit ako nagtiwala agad-agad? Biglang sumulak ang dugo ko. Gusto ko tuloy manuntok. 'Easy lang Isabelle'. Huminga ako ng paulit-ulit, hindi ko hahayaang sa mga kamay ko matapos ang buhay ng kalbong ito.

"Pero hindi ko nabasa 'yun!" Unfair! Agad kong kinuha sa mga kamay niya ang papel na pinirmahan ko. Nangiginig pa iyon habang gigil na gigil ako. Padabog kong tiningnan ang bawat pahina nito. Parang gusto ko nalang lamukusin iyon at itapon. Pesteng kasunduan kasing iyan, bakit ba kasi napakakumplikado ng buhay. May pakasundu-sunduan pang nalalaman, kainissss!

"Nasa hulihan, Isabelle" kibit balikat ng kalbo. Kalbo na talaga ang tawag ko sa kanya, parang gusto kong matawa kahit naiinis ako. Pero s'yempre sa isip ko lang 'yun, Diaz pa rin naman ang tawag ko sa kanya.

Dali-dali kong tiningnan ang nasa huling pahina at binasa. Nanggigil ako, naisahan ako ng moron na 'to ah. Dahil sa ngitngit ko ng araw na yun ay 'di ko napagtuunan ng pansin ang mga nakasulat doon. Dahil nagpaka-impulsive na naman ako. Bakit ba pag naiinis o nagagalit tayo nakakagawa tayo ng mga bagay na pagsisihan natin sa huli? Kasi mas nangingibabaw ang emosyon natin kaysa sa isip. Hindi tayo nakakapag-isip ng mabuti pag galit tayo, hindi nating tinitimbang ang konsekwensiya ng bawat gagawin natin at sa huli nagdudulot ng hindi maganda iyon.

Letcheng buhay 'to!

"Bakit ayaw mo ba? Ayaw mo bang lumayo dito? Diba iyon naman ang gusto mo? Ang lumayo sa mga tao dito" sabi niya. Aisssh, napakabwisit talaga ng mokong na 'to.

Tiningnan ko siya, matiim na ang pagkatitig niya sa akin. Hindi ko alam ang iisipin ko. Gulong-gulo ang utak ko, una sa mga iniisip ko tungkol sa pamilya ko at ngayon itong letseng kasunduan na 'to. Punitin ko nalang kaya ito? Pero kinalma ko muna ang sarili ko. Maaaring may dahilan ang lahat ng ito pero hindi ko pa sa ngayon malalaman. Maaaring bukas o sa makalawa o baka hindi ko na malalaman ang dahilan na iyon.. haysssss!

"Pero gaano ako kasigurado na tutuparin mo sa'kin yang agreement na yan? Paano kung nandun na ko at hindi mo pala gagawin 'yan?" tiningnan ko pa rin siya ng matiim kahit gustong-gusto ko na siyang sugurin ng suntok.

Napangiti ito kasabay ng pagkuha sa isang bagay sa bulsa niya.

"Nasa akin ang chips na 'to. Naglalaman ito ng mga detalyadong accounts ng MBH Group of Companies at mga taong traidor sa likod ng kumpanyang ito" tumayo ito at tumanaw sa malayo. "Hangga't nasa akin ito, walang gagalaw sa'yo at sa pamilya mo. Hindi makukuha ni Eliza ang kumpanya ninyo. Kahit ang Daddy mo walang magagawa dito".

"Paano ako nakasisigurong totoo ang sinasabi mo Diaz?" nagdududa pa rin ako.

Tumingin ulit siya sa akin "Alam kong hindi mo basta-basta mapapaniwalaan ang sinasabi ko Isabelle, alam ko iyon dahil matalino kang bata" tumalikod ito sa akin paharap sa labas ng bintana. "Marami akong kasalanan sa inyo, sa pamilya ninyo kaya ako bumabawi".

Nangunot ang noo ko, anong kasalanan ang pinagsasabi niya?

"Matalik ko ring kaibigan ang Daddy mo noon pero dahil kay Eduard nabuwag ang samahan namin. Sumanib ako kay Eduard ngunit sa huli niloko niya lang din ako. Kaya.. "humarap siya sa akin. "Bilang pambawi ko sa Daddy mo, pababagsakin ko si Eduard" kumuyom ang panga niya ng sabihin ang pangalan ni Eduard.

Napahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano, tingnan mo nga naman, matalino din pala ang moron na 'to. Napangiti ako. Kunsabagay dating kanang kamay ni Daddy si Mr Diaz kaya alam nito ang pasikot-sikot sa aming kumpanya. Nakikita ko lang ito minsan pag dumaan sa lobby sa bahay namin. Kaya pala pamilyar 'yung mukha sa'kin.

Ang MBH ang siyang napakalaking kumpanya sa bansa at siyang pag-aari ni Daddy, nasa ilalim din nito ang Sanchez Real Estate na kapwa pinamamahalaan ni Daddy at Eduard na sana ay magiging amin ng kapatid ko. Pero dahil traidor si Eduard kaya napunta sa kanya si Mr Diaz at ang ilang bahagi ng MBH. Matagal na si Eduard sa kumpanya namin kaya siguro pinagkatiwalan na siya ni Daddy sa lahat ng bagay, pati na sa akin. Kaya galit ako kay Daddy dahil doon.

Hindi ko alam kung ano ang malaking problema nila sa isa't-isa ng Daddy ko, pero alam ko malalaman ko rin ito sa hinaharap. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay sagipin ang kumpanya namin at ang sarili ko kabilang na ang kapatid ko. Kung magiging impyerno lang din ako sa piling ni Eduard, mas mabuti pang lumayo nalang ako dito. Kahit mahirap kahit ang katumbas ay pag-iwan ko rin sa kapatid ko.

"Sisiguraduhin mo lang na sa kapatid ko mapupunta ang kumpanya. Kung hindi babalikan kita Diaz. Papatayin kita!" Banta ko dito. Oo gagawin ko yun, dahil nakasalalay din dito ang gagawin ko sa kinabukasan ko. Alang-alang sa pinakamamahal kong kapatid gagawin ko ang lahat ng ito.

"Ok, be ready. Aalis na tayo bukas" at agad itong lumabas ng kwarto.

Nanikip ang dibdib ko ng mapag-isa na ako. Makakaya ko ba ito? Ah.. Kakayanin ko 'to. Tumingin ako sa labas, gabi na pala.

Aalis na ako bukas. Aalis na ako sa lugar na pilit ko ng kakalimutan. Pati ang sarili ko.. Kakalimutan ko na rin.

'Goodbye Isabelle' paanas na bulong ko sa sarili ko.

Angel in Disguise [Completed]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz