P-40 (She's Back)

5.5K 71 1
                                    

Nakarating ako sa bahay ni Chandi at ang nag-alalang mukha ng Mommy nito ang nakita ko.

"Ano pong nangyari?" niyakap ko siya.

"Hindi na siya lumalabas ng kwarto simula noong isang araw at lagi nalang siyang umiiyak. Pag nilalapitan naman namin; takot na takot. Hay, hindi ko na alam kung anong gagawin ko diyan" naiiyak na sabi nito sa akin.

Hinimas ko naman ang likod nito. "Huwag po kayong mag-alala, kakausapin ko po siya".

Kumalas ako sa pagkayakap nito at dahan-dahang humakbang papunta sa kwarto ni Chandi. Kumatok muna ako, at nakiramdam.

"Huwag kayong pumasok!" sigaw nito sa loob. Nahimigan ko ang takot sa tinig niya.

"Chandi" tawag ko. "Si Yuri ito". Nakiramdam ako ulit at walang sumagot. Hinawakan ko ang seradura at binuksan ito. Kadiliman ang tumambad sa harapan ko. Nakarinig ako ng hikbi. Hinanap ng mga mata ko si Chandi, nang ma adjust na ang mga mata ko ay nakita ko siya sa sulok na nakasiksik. Ini-on ko ang ilaw at napasigaw ito.

"Huwaggggggg!".

Dali-dali ang pagtakbo ko at niyakap ko siya "Shhhh.. Chandi, everythings alright. What's wrong?". Yumakap naman ito sa akin. Iyak ng iyak ito.

"Yuri" habang umiiyak. "Nandito siya, papatayin niya daw ako".

Naguluhan naman ako sa sinabi nito. "Sinong siya? At bakit ka niya papatayin?".

Nakarinig kami ng ingay at nang tumingin kami ay ang Mommy ni Chandi ang pumasok. Nakita ko na napamulagat ang mga mata ni Chandi.

"Huwag, huwag kang pumasok! Ayoko sa mga tao, ayokoooooooo!" naghihisterikal na ito. Niyakap ko siya habang pinapakalma.

"Shhhh, wala na siya Chandi. Wala na siya" tiningnan niya naman ang pintuan at nakalabas na ang Mommy niya.

Pinatayo ko siya at pinahiga sa kama niya. Binantayan ko lang hanggang sa makatulog siya. Tiningnan ko ang mukha niya, hapis na ito dahil siguro sa ilang araw ng hindi kumakain. Magulo ang buhok at kay lalim ng mga mata. Naawa ako rito, ano kaya ang pinagdadaanan niya?.

"Ano po ba ang nangyari?" tanong ko sa Mommy ni Chandi habang nagkakape kami. Ala una na niyon ng madaling araw. Doon na ako nagpalipas ng gabi para masamahan si Chandi. Nag-aalala rin ako sa kalagayan niya. Nakita kong naguguluhan din ang Mommy niya

"Hindi nga rin namin alam. Mula ng umuwi 'yan nung lunes ng gabi tulala na at umiiyak. Hindi raw siya ang may kasalanan, 'yun ang lumalabas sa bibig niya habang umiiyak. Tinanong naman namin pero hindi na makausap" hinawaka niya ang kamay ko. "Yuri, tulungan mo ang anak ko, baka anong gawin pa niyon". narinig kong napahikbi siya.

Magsasalita pa sana ako ngunit nakarinig kami ng kalabog sa kwarto yata ni Chandi. Dali-dali ang pagkaripas namin ng takbo at nauna akong pumasok sa kwarto. Nakita nalang naming nakahandusay na sa sahig si Chandi, mabilis ang pag takbo ko palapit dito. Niyugyog ko siya.

"Chandi? Chandi!" sigaw ko ngunit hindi na ito gumagalaw. Agad kong pinulsuhan ang leeg niya ngunit wala na, hindi ko na maramdaman. Umiyak ng malakas ang Mommy niya at nakita kong pumasok na rin sa loob ang Daddy nito at kapatid niya.

"Chandi!" sigaw ng Daddy niya at binuhat siya para dalhin sa ospital. Iyak naman ng iyak ang kapatid niyang si Meesa.

"Ate!".

Dead on arrival na sabi ng doctor. Sari-saring emosyon ang nararamdaman namin ng mga oras na iyon. Umiyak naman ako dahil sa nangyari. Wala na si Chandi, wala na ang kaibigan ko. Nagbigti ito gamit ang lubid. Hindi pa rin namin lubos maunawaan kung anong nangyayari sa kanya. Kung bakit siya nagkakaganoon. Sana man lang kahit kunti nalaman namin ang rason, puzzled pa rin kami hanggang sa mga sandaling iyon.

"Yuri!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko habang nakatayo at nakatingin lang sa pintuan ng E.R. Tiningnan ko ang tumawag at nakita ko ang mukha ni Gico. Umiling lang ako sa kanya, hindi ko kayang magsalita. Nakita kong napasuntok siya sa pader.

Naglamay kami ng tatlong gabi lang at hinatid na namin sa huling hantungan si Chandi. Awang-awa ako sa pamilya niya, umusal ako ng panalangin bago umalis sa puntod niya.

"Sana Chandi, malaman man lang namin kung bakit ka nagkaganito" at pumatak ang mga luha sa mga mata ko. Naging close rin kami ni Chandi sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan, siya ang laging nasa tabi ko. Hinding-hindi kita makakalimutan Chandi.

Hindi muna ako umuwi sa bahay, tinawagan ko ng isang araw si Jeremy at alam naman nito ang nangyari.

"Yuri, nakita ko ito sa ilalim ng kama ni Chandi. Para sa iyo yata ito dahil may pangalan" nakita ko ang isang sobreng hawak ng Mommy ni Chandi. Biglang kumabog ang dibdib ko. Ito na kaya ang kasagutan sa mga tanong namin?

Nanginginig ang mga kamay ko nang abutin ang sulat. May pangalan ko nga na nakalagay. Binuksan ko ito:

Dear Yuri,

Maaaring wala na ako sa mga oras na binabasa mo ang liham ko. Sorry dahil hindi ko manlang sinabi kung ano ang mga rason. Depressed na depressed ako ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinakain ako ng kunsensya ko bakit hindi ko masabi sa pamilya ko ito, alam kong nag-aalala sila sa akin. Ngunit pilit man akong magpakatatag, pero hindi eh; binabalikan pa rin ako ng kahapon.

Bumalik siya, bumalik siya para sisihin ako sa nangyari. Hindi ko naman sinasadya 'yun eh.

Tumigil muna ako sa pagbabasa, kahit gustong-gusto ko ng alamin ang katotohanan sa sulat na ito. Nakita kong medyo hindi maganda ang penmanship doon sa parte na iyon.

Nung gabing maaksidente siya, magkasama kami nun, Yuri. Pero hindi ko naman sinasadya ang mga nangyari. Oo ako ang nagmamaneho ng sasakyan, pero inaagaw niya sa akin ang manibela dahilan upang magpa ekis-ekis kami sa daan. At ang huli ko nalang na nakita ay mabubunggo na kami sa isang pader. Nawalan ako ng malay pero pagkagising ko marami ng dugo sa katawan niya. Natakot ako at hindi ko alam ang gagawin kaya tumakas ako. Sorry kong iba ang sinabi ko sa iyo noon, ang kwento ko tungkol sa pagkamatay ni MICA. Oo, si Mica, bumalik siya. At pinagbabantaan ako, akala ko rin patay na siya. Sa bawat araw kinakain ako ng konsensya ko pero bakit ngayon? Bakit ngayon kung bakit naka move on na ako sa nangyari? Kung ito ang kapalit ng ginawa ko ay tatanggapin ko.

Paalam, Yuri. Pakihingi mo na lang ako ng tawad sa mga magulang ko. Patawad!

Chandi

Napabuntung-hininga ako sa nabasa. Ewan ko kung ano ang mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Napaupo nalang ako sa upuan sa tabi ko dahil hinang-hina na ako.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon