P-43 (The Comeback)

5.3K 70 1
                                    

Tiningnan ko ang labas ng campus namin, nilibot ko ang paningin ko. For the last 2 years ba? Ang tagal din pala, ng pananatili ko dito sa Japan ay nagkaroon na rin ako ng pagmamahal sa bansang ni minsan hindi ko naman napuntahan noon.


Nalungkot din ako ng maisip ang mga unang araw ko dito sa campus - si Chandi, ang paghahanap kay Jeremy, ang mga away. Nakakamiss yung time na magkasama kami ni Chandi.. napayuko ako ng maramdaman ang isang butil ng luha sa aking mukha. It was tragic, na hindi ko manlang nakita o naramdaman ang mga bagay na yun na mangyayari kay Chandi. kundi sana naagapan o naisalba ko pa siya.


Marami pang mga tanong sa isip ko na hanggang ngayon naiwang na ka na ka freeze sa hangin. Hindi ko alam kung masasagot ba iyon dahil alam kong aalis na ako dito.


Tatakbo na naman ba ako? Hindi! Alam kong hindi! Babalik rin ako! Uuwi lang ako para sagipin ang kapatid ko laban kay Eduard. Wala ring mangyayari kung mananatili ako dun dahil hindi na ako si Isabelle. Nagbago na lahat sa akin. Ang hindi lang nagbago ay yung nasaisip ko na paghihiganti sa mga taong naglagay sa akin dito.


Iiwan ko rin si Jeremy, si Jeremy na simula pa lang siya pala ang magpapabalik sa akin kung ano ang nakaraan ko. Ang kakabit ng nakaraan ko.


Hindi ko alam kung anong iisipin at mararamdaman sa ngayon. Gulong-gulo na rin ako.


****

Napatingin ako sa labas ng bintana, ang nakikita ko nalang ay puro ulap. Kinuha ko ang Mp4 sa bag ko at pinatugtog.


Last kiss ni Taylor Swift ang pumailanlang.


Bigla kong hinugot ang headset sa tenga ko.


"Bwisit! Bwisit!"


Bakit hanggang dito sa eroplano senti mode pa rin ako? Kanina parang ayaw ng paa ko makisama nung paalis na ako ng bahay. Wala pa si Jeremy dahil nasa ospital pa at binabantayan ang Daddy niya. Hindi na ako nagpaalam, at para ano pa? Hindi naman ako mahalaga sa buhay niya.


"Are you okay, Miss?"


Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko. Nakita ko ang nakakunot na noo ng isang lalaki.


"I am not!" paasik ko, wala akong time makipag friendly type ngayon. Naiinis ako, nababadtrip dahil... ewan! hindi ko alam. Sumandal ako sa upuan ko at napapikit. Siguro matutulog nalang ako, 'yun nga tama matutulog nalang ako.


Hila-hila ko ang mga dala ko papabalabas ng Airport.


'Welcome back, Isabelle' sabi ko sa isip ko. 'Welcome to hell!' dugtong ko. Umpisa na nang plano ko. Humanda ka Eduard, ibibigay ko sa'yo ang matagal mo nang hinihingi.


****


Patingin-tingin ako sa paligid, malaki na ang ipinagbago ng building na 'to. Gumanda na siya lalo at lumaki pa.


Ito sana ang kumapanyang magiging akin.


"May I help you, Miss?" may nagsalita sa gilid ko kaya tiningnan ko. Bigla akong namutla at nanlamig. "Are you okay?" ngumiti ito sa akin. Parang gusto kong tumakbo at magtago, bakit ito ang naging reaksiyon ko? Aisshhhhh! Pero agad kong naisip na iba na ngayon pala ang mukha ko. Nag-iba na pala ang anyo ko kaya hindi na niya ako kilala. Nakabawi naman ako at binalik ang confidence ko.


"Oh, I'm looking for the information desk. I want to meet the bosses here" binigay ko na ang lahat ng magandang ngiti ko.


Tumaas yata ang kilay ng kaharap ko na parang sinasabi na information desk lang hindi ko mahanap?


"The information desk is there" at tinuro ito at tumingin ako at may malaking sign na nakapaskil.


"Oh, sorry I didn't see that" as if naman ako.


"By the way, I'm Eduard Go. I'm the Executive Assistant Director of this company" at nilahad nito ang kamay.


Kunwa nagulat ako "Nice to meet you Mr Eduard. I'm Yuri Hashi from Japan and I'm here for a business trip".


"Oh really?" parang nababadingan ako dito kay Eduard. Sapakin ko na kaya? "Come, let's go to my office" at giniya ako nito papuntang elevator. Kung hindi lang ako nagpipigil baka nga nasapak ko na ito. Pagkatapos ng dalawang taon hindi ko pa rin makalimutan ang galit sa kanya. Ang pangloloko niya kay Daddy, kung paano niya napa oo si Daddy sa mga gusto niya.


"You may take a sit Ms Hashi, right?" at tinuro ang upuan.


Tumango ako at naupo. Nilibot ko ang paningin sa loob ng opisina niya. Maluwag at maaliwalas ang paligid. May maliit na sala set sa kaliwa at sa kanan naman ay may isang cabinet na puno ng libro.


"So, why you choose MBH Group of companies?" tanong nito sa akin.


"Your company is well-known in Japan and as of..." may biglang pumasok sa loob ng opisina niya.


Nakita ko ang nakakunot na mukha ni Eliza. Napakuyom ang kamao ko pero kunwa tumingin lang ako kay Eduard.


"Who's she?" paasik na tanong nito kay Eduard. Wala talagang delikadesa.


Tumingin sa akin si Eduard at ngumiti ng mapakla. "She is Miss Yuri Hashi, Miss Hashi this is Eliza Montemayor, one of the personnel here in MBH". Tumayo ako at nilahad ang kamay pero tiningnan lamang nito ang kamay ko at agad pumunta kay Eduard. Wala talagang modong babae. Tumingin lang sa akin na parang nang-uunawang tingin si Eduard.


"Excuse us first, Miss Hashi" saka hinila si Eliza sa labas. Narinig ko pa ang sinabi nito kay Eliza. "Nakita mo namang may kliyente ako ngayon!".


"Wala akong pakialam, ang pakialam ko ang gagang Carmela na 'yan" napakuyom ulit ang kamao ko ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko. Gusto ko talagang sapakin si Eliza ng mga oras na 'yun pero nagpigil ako. Kailangang hindi masira ang plano ko. This is it... Nag-uumpisa pa lang ako Eduard at Eliza!

Angel in Disguise [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara