P-50 (Partner-in-Crime)

4.9K 62 0
                                    

Kinuha ko ang baril sa ibabaw ng mesa at isinukbit iyon.

“Kailangan mo ‘to” napatingin ako bigla kay Geneva, may inihagis siya sa akin at alerto naman ang pagsalo ko ng bagay na iyon. Tiningnan ko at nakita ko ang isang maliit na patalim. Binigyan ko lang siya ng isang matiim na tingin at tumango, agad kong inilagay sa loob ng sapatos na suot ko.

“Tara na” at nauna na akong pumasok sa kotse.

“Mag-ingat kayo, Sa” narinig kong pahabol ni Eline. Tiningnan ko siya at alam kong pinipigilan niya lang ang luha niya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hindi niya nakayanan at agad tumulo ang luha sa mga mata niya. Tumawa naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Babalik ako, promise!" palatak ko kahit alam ko rin sa sarili ko kung makakabalik pa kaya ako. Natatakot na rin siya sigurong tulad dati na mawawala ulit ako. Napahinga ako ng malalim, minsan ka lang makakita ng taong totoo sa'yo at nagmamalasakit sa'yo. At nagpapasalamat ako dahil nakilala ko si Eline, isa sa mga taong pinagkatiwalaan ko ng lubusan.

"I love you" bulong niya sa akin. Biglang lumambot ang ekspresyon ko. Parang bumara din ang lalamunan ko.

Biglang umalpas ang isang butil ng luha sa mga mata ko "I love you too, Elina" saka niyakap siya ng mahigpit. "Ano ba 'yan" at tumawa ako. "Nagdrama na, sige na alis na kami". Tumalikod na ako para mabawasan ang lungkot na nadarama ko. Kumaway nalang si Eline bago kami umalis.

Nasa biyahe na kami, ako ang nagmamaneho habang si Geneva naman ang nagdedetect gamit ang track detector sa kotse ni Carmela. Pag may masamang mangyari lang talaga sa kapatid ko, napakuyom ang kamao ko. 

“Teka, parang pamilyar sa’kin ‘tong way ah” sabi ni Geneva.

Binagtas pa namin ang daan hanggang sa..

“Oo, ito nga, ito ‘yung daan papuntang hide-out ni Mr Diaz” napabaling ako kay Geneva, pareho ang pagtataka sa mukha namin. Kung ganun si Mr Diaz ang kumuha kay Carmela?

“Kailangan nating mag-ingat, maraming galamay si Mr Diaz” hindi ko pinansin ang sinabi ni Geneva. Abala ako sa pag-iisip kung bakit kinidnap ni Diaz si Carmela. Magpakita nalang kaya ako kay Diaz? Pero hindi, hindi pa ako sigurado kung anong motibo ni Diaz. Kailangan ko munang ma sure kung ano ang hangarin niya.

“Alam ko ang pasikot-sikot” mahina lang sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Geneva, nakatutok pa rin  ang paningin ko sa kalsada. Hindi ko alam pero parang gusto kong paliparin ang sasakyan para makarating na doon.

Hindi naman katagalan at nakarating na kami, hininto ko ang kotse sa tagong parte.

“Kailangan nating iwan ang kotse mo dito, masyadong delikado pag may nakaalam” tumango lang ako sa sinabi ni Geneva. Tiningnan ko ang relo ko, alas sais na ng hapon medyo madilim na ang paligid. Kailangan na naming magmadali para hindi kami gabihin. Agad na kaming lumabas at sinuong ang kagubatan na siyang daanan sa tagilirang bahagi ng stadium kung saan ako dinala ni Mr Diaz noon. Nung kinidnap niya ako ng gabing iyon. Muling nanumbalik ang araw na kung saan bigong-bigo ako at walang mapuntahan.

Bigla akong kinalabit ni Geneva.

“Dito tayo dumaan” turo niya sa isang sanga kung saan nag-uugnay sa isang pader. Nauna niyang inakyat iyon at napasunod ako, masyadong mataas ang pader para maakyat. Pero para lang kaming umakyat sa hagdan ni Geneva, mabuti nalang adventurous din ito gaya ko. Nagmasid muna kami sa paligid ng pag-akyat namin sa pader, nakita ko ang malaking stadium na parang hambog na nakatayo sa gitna ng kagubatang iyon. Sa gilid nito ang isang bahay.

“Kailangan nating lundagin ito?” napatingin ako kay Geneva parang nag-aalala ang muka niya.

“Kaya natin ‘yan” ngumiti ako sa kanya, pampalakas ng loob. Medyo mataas nga, napalunok ako. “Mauuna ako sa’yo” dagdag ko. Tumango lang si Geneva. Huminga muna ako ng malalim at lumundag kasabay ng isang back dive at nagpagulong-gulong sa damuhan. Medyo lang ang sakit sa pagbagsak ko pero okay na. Tiningnan ko si Geneva at sumenyas na sa kanya. Parang natatakot pa ito, napangiti ako. Pinikit nito ang mata at nilundag din.

“Aroooy..” narinig ko ang daing niya nung bumagsak sa damuhan. Napatawa ako pero agad na pinigilan ng marealized ko na baka  may makarinig sa amin. Pumunta ako sa gawi niya at tinulungan siyang bumangon. Hawak pa nito ang p'wet.

“Masakit?” ngiti ko.

Ngumiwi lang ito. Inalalayan ko na lang siya at pinaupo sa punong nakita ko. “Pahinga ka muna dito”.

Naupo na rin ako sa tabi niya at nag-isip ng susunod na gagawin namin.

“Mauna ka mamaya, alam mo naman ang pasikot-sikot” sabi ko.

Nagpahinga lang kami ng mabilis at tumayo na ako.

“Kaya pa?” tanong ko kay Geneva.

“Oo naman!” saka tumayo na parang walalang nangyari. Yun ang gusto ko sa kanya nababawi niya pa rin ang lakas niya pagkatapos.

Ingat na ingat ang galaw namin, natanaw ko ang isang lalaking malaki ang katawan na nagmamasid sa gilid ng stadium. Naramdaman kong kinalabit ako ni Geneva.

“Dito tayo!” mahinang sabi niya at mabilis nang naglakad pakaliwa. Papunta na kami sa gawing bahay kung saan ako dinala noon ni Diaz para magpahinga.

Kinabahan ako sa bawat hakbang namin, kaba dahil baka mahuli kami. Pero bakit ako kabahan? Kakampi ko naman si Diaz ah, bakit hindi nalang ako magpakita sa kanya? Natigilan ako, pa’no kung magkasabwat si Diaz at Go? Pinilig ko ang ulo ko, imposible! Galit nga si Diaz kay Go, diba? Aisssssh, kung anu-ano na ang naiisip ko.

Nasa tabi na kami ng bahay, mukha ngang kabisado ni Geneva ang lugar dahil nakita agad namin ang pintuan papasok. Pero hindi kami pwedeng dumaan doon kailangan hindi kami makikita. Tumingin lang sa akin si Geneva at naglakad sa isang sulok at tumingin sa itaas. Tiningnan ko ang tiningnan niya at nakita ko ang terrace, medyo mataas ‘yun sa kinatatayuan namin pag inakyat.

“Aakyatin natin?” tanong ko kay Geneva. Tumango lang siya. Hindi ko alam kung paano niya ginawa ‘yun pero mabilis pa sa isang kisap ng mata ko ang pag-akyat niya. Humanga pa tuloy ako sa kakayahan niya. Pero bakit pag bumaba natatakot ito? 'To talaga si Geneva, iba rin ang mga moves at tactics eh.

Napangiti ako, tingnan mo nga naman, ang dating kaaway ko ay partner ko na ngayon sa misyong ito. Minsan kasi bigyan lang natin ng pagkakataon ang tao sa kanyang pagbabago, makikita natin na pinagsisihan niya ang mga nagawa at minsan bumabawi pa ito sa mga kasalanan. Masarap ang pagpapatawad sa kapwa, nakaluluwag sa kalooban.

Tumingin ulit ako sa pader sa harapan ko, kakayanin ko rin ba yun? Ah, bahala na!

“Dali na!” tawag niya sa akin. Huminga muna ako ng malalim at lumayo sa pader at pagkatapos ay tumakbo at iniangat ang sarili gamit ang paglambitin sa mga nakausling bagay sa pader. Parang walang kahirap-hirap akong nakarating sa itaas.

“Whoah, that was great men!” palatak ni Geneva. Ngumiti lang ako at pinagpag ang damit ko na nalukot.

'Ako yata si Yuri Hashi' sigaw ng utak ko habang proud na proud na nakatayo,haha

Sumenyas na sa akin si Geneva at pumasok na kami sa loob, pigil ang hininga habang nag titip-toe papunta sa loob ng bahay na iyon. May narinig akong kaluskos kaya nagtago muna kami sa sulok na nakita namin. Nang mawala na iyon ay binulungan ako ni Geneva “Dito ka muna, ichecheck ko lang kung walang pagala-galang tao”. Tumango lang ako pero kabang-kaba na talaga ako. Pa’no pag lumitaw si Eduard  na kasama ni Rommel?

Naghintay pa ako pero hindi na nakabalik si Geneva kaya dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Palinga-linga ako paligid, tahimik ng bahay. Tahimik din akong naglakad pero maya-maya pa ay nagulat nalang ako ng may tumakip sa bibig ko. Pumalag ako ngunit huli na ng marealized kong may panyo na nakatakip sa ilong ko at maya pa’y nawalan na ako ng malay…

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now