P-30 (A Very Special Date)

6.3K 67 1
                                    

Bilib talaga ako dito kay Jeremy, nanghihila nalang kung saan. Saan kaya ako nito dadalhin? Anyway, kahit saan naman sasama ako! Kilig pa ang utak ko sarap hagisan ng granada para sumabog.

"Jeremy?" pukaw ko habang busy siya sa pagdadrive.

"Hmmm?" nakatingin lang siya sa daanan. Medyo lumamig ang paligid kaya napayakap ako sa sarili ko. "Are you cold?" dagdag niya. Nilakasan niya pa lalo ang heater ng sasakyan.

"Am, hindi naman masyado pero.. saan tayo pupunta?"

"Nagano" bigla niyang nasabi.

What?! Saan daw? Are you fucking kidding me? Sarap isigaw sa mukha niya. Nagano? 3 hours kayang papunta doon. Tiningnan ko ang relo ko, its 2pm so darating kami dun by 5pm.

"Anong gagawin natin doon?" napakisap ako ilang beses. Mga twice lang ako nagpunta doon nung nandito pa si Diaz. Doon kasi ako pinag-aral ng Nihongo eh pwede naman sa Tokyo.

"Skiing" kibit-balikat na sabi niya. Skiing? Naririnig ko yun pero hindi ko pa natatry.

Wait. So anong ibig sabihin nito? Babyahe kami ng tatlong oras para mag skiing? Or... Are we dating kung ganun? Wait, what? Dating? 'Chusera mo naman Yuri! Mag skiskiing lang kayo dating na agad?' Sarap tirisin ng utak ko talaga.

Nakatulog ako dahil siguro sa mahabang byahe, nang imulat ko ang mga mata ko nakahinto na kami.

"How are you?" tumingin ako kay Jeremy at nakita kong nakatitig siya sa akin. Kakahiya! Nakita niya akong natutulog. Baka naglalaway pa ako, shucks! Palihim ko namang pinahiran ang pisngi ko.

"Ayos lang" ngumiti ako "Saan na tayo?" nilibot ko ang paningin ko. Wait? Bakit nawala ang inis ko sa kanya? Naiwan ba sa Tokyo? Ah, 'di ko muna iisipin yun. At bahala ang mokong kung anong gagawin namin dito.

"Myoko Kogen" at lumabas na siya ng sasakyan may kinuha sa likuran at inabot sakin. "Suot mo 'to". Isang makapal na jacket. Ngumiti ako napaka-thoughtful naman niya, Shit!

Lumabas na rin ako at hindi ko mapigilan ang panginigan ng tuhod dahil sa lamig. Napapalibutan ang buong paligid ng snow, mabuti nalang hindi umuulan ng snow kung hindi patay na naman ang rayuma ko.hehehe. Kahit ilang beses ko nang maexperience ang snow pero hanggang ngayon namamangha pa rin ako. Feeling ko kasi para akong si Snowman. Ano daw? Hahaha

"Hi, Yuri" may narinig akong tumawag sa akin at tiningnan ko naman, nakita kong nakatayo sa 'di kalayuan si Gico. Nang mapatingin ako ay kumindat siya sa akin. Pero bigla siyang napatingin sa tabi ko at ngumiwi. Tiningnan ko naman ang katabi ko at 'di maipinta ang mukha. Here we go na naman!

"Yuri!" agad kong narinig ang tili at kasabay ng pagyakap sa akin.

"Chandi?" nang mapagsino ko.

"Yayain sana kita kanina kaya lang nagmamadali ka naman. Eh 'di sana sabay nalang tayo nagpunta dito kung alam ko lang" saka tumingin sa katabi ko. "Pero since si Papa Jeremy naman ang kasama mo" kinilig pa ang hitad. Kung hindi ko lang 'to friend hay naku, sinabunutan ko na ito.

'Sabunot talaga ha, Yuri? At bakit? Dahil feeling mo sa'yo lang si Jeremy?' ihalo ko kaya 'tong utak ko sa snow para maging halo-halo? Kajirits!

"Sinong kasama mo?" tanong ko kay Chandi para mawala ang pansin kay Jeremy.

"Chandi, tara na!" sabay hila ni Gico kay Chandi. Napatingin ako sa kanila. Hmmm.. siya ba 'yung nakita ko noon na paalis nung nakita namin ni Cio si Chandi sa bus stop? Nagpahila naman ang lukaret na parang namimilipit sa kilig, na ewan. Hindi ko alam kay Chandi kung sino talaga ang gusto nito eh.

"Let's go" aya ni Jeremy sabay hawak sa kamay ko. Talagang kailangang may hawak? At hindi lang basta hawak kundi talagang holding-hands. Sige na nga, ako na ang mahaba ang hur!

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now