P-18 (Please?)

6.9K 84 4
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Itinaas ko ang kaliwang kamay para kumatok pero nabitin lang sa ire ang kamay ko, nag-aatubili kung itutuloy ba ang gagawin.

Kumunot ang noo ko..

'Haynaku.. Yuri kumatok ka na' sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Pa'no kung sigawan ka lang ni Jeremy?

Napakamot pa ako sa ulo ko 'Eh kasi naman 'yung lintek na Rommel na 'yun may pa etchus-etchus pang nalalaman. Bakit ba kasi gusto ako nitong dito tumira kay Jeremy, eh kahit babae pinapatulan niyon. I mean sinasaktan, baka masaktan ako.

Nung isang araw nga habang sinusundan ko siya, inihagis lang yung tirang sigarilyo sa kalsada. Nakita ng babaeng pulis kaya sinita siya, aba ang loko tiningnan lang ang pulis at umalis. Nagalit ang babaeng pulis kaya sinundan ito at hinila sa braso pero nakita ko nalang nasuntok na ni Jeremy sa mukha ang pulis. Buti nalang dumating yung mga barkada nito na sila Gico at humingi ng 'sorry' at hinding-hindi na uulitin ni Jeremy ang ginawa. Pero nang malaman ng pulis kung sino si Jeremy ay ito na mismo ang humingi ng patawad sa ginawang pag hila sa braso nito.

Ang gagong Jeremy naman ay umalis lang matapos tingnan ng masama ang kawawang babaeng pulis. Sa naisip na yun ay napalunok ako bigla.

Anong irereason-out ko sa kanya kung bakit ako titira dito sa condo niya? At sino namang normal na tao na sasabihan ka na: dito muna ako sa bahay mo pwede? Tapos sasabihin : okay, pasok ka! With smile pa?

Pero bigla akong kinabahan ah, baka ihagis ako palabas ni Jeremy?

Aba si Yuri natatakot? Kanino? Kay Jeremy lang?

Pero...

Pumihit ako patalikod.

'Huwag mong sabihing natatakot ka kay Jeremy?' ani ulit ng ilusyunada kong utak.

'Hindi no!' agad kong sabi at pumihit pabalik ngunit ang nakakunot na mukha ni Jeremy ang nabunglawan ko.

"What are you doing here?"

Na freeze ako sa kinatatayuan ko. Ayan na nga bang sinasabi ko!

Napalunok ako sa nakita ko "Oh, God! Ang init wew'. Aba naman kasi itong si Jeremy nakasando lang saka short ngayon ko lang nakitang nakaganito. Ang hot pala. Haha Ay ano ba 'tong naiisip ko, erase! Erase! Manyak ka Yuri, manyak ka' sigaw ng isip ko. Pweee!

"Tititigan mo lang ba ako dito o hilahin ko 'yang dila mo para magsalita ka?" seryusong sabi nito habang nakatitig ng matiim sa akin.

"Ahh.. ehhh kasi.." hayop naman kasing makatingin 'tong si Jeremy parang kakainin ako ng buhay. Napapautal tuloy ako. Nakabawi naman ako at ngumiti dito sabay kuha ng maleta at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng unit nito. Pero bago pa ako makapasok ay nahila nito ang braso ko.

"At saan ka pupunta?" seryuso pa rin ang mukha nito. Kinuha ko ang kamay nito sa braso ko at pinagpatuloy ang paglalakad habang nakamasid sa paligid.

"Ang ganda naman ng condo mo" ang kitchen nito ay karugtong lang ng living room nito. Pero infairness kahit maliit lang ito ay malinis pa rin. Dali-dali akong umupo sa sofa. "Ang lambot!" habang inuuga-uga ko pa ang kinauupuan ko.

Ewan ko pero para mawala ang kaba ko ay 'di ko nalang pinansin kung nakasunod ito sa akin. Tumayo ako at lumakad papunta sa isang pintuan.

"Ito ba ang kwarto m..." pero bago ko pa nabuksan ang kwartong iyon ay nahawakan nito ulit ang braso ko. Medyo masakit kaya napangiwi ako.

"Get out!" sabi nito sa nagbabatang tinig. Pero hindi pa rin ako gumalaw sa kinatatayuan ko. "I said get out, Yuri!" pero parang wala pa rin akong narinig pero naramdaman ko na lang na hinila ako nito papuntang pintuan at inihagis palabas. Napasalampak naman ako sa sahig.

Napa 'ouch' tuloy ako. Padabog na sinarhan nito ang pinto sa harapan ko. Pero nakita kong bumukas ulit ito at inuluwa ang maleta ko sabay bagsak sa harapan ko. Hindi nga ako nagkamali at hinagis ako ng kumag!

Tinitigan ko lang siya ng may pang-uuyam, binagsakan ulit ako nito ng pinto. Aray, masakit yun pati pwet ko masakit din. Huhuhu

Napangiwi ako habang hinihila ang sarili ko papuntang gilid katabi ng pintuan ng unit ni Jeremy.

'Ang sama talaga ng ugali ng gagong iyon' himutok ko sa isip ko.

Napatitig ako sa kawalan at napabuga ng hangin. Hindi ko namalayan unti-unti na palang tumutulo ang luha sa mga mata ko. At hindi ko napigilang mapasigok. Nilagay ko ang mga kamay sa tuhod ko at sinubsob ang mukha ko doon.

Pakiramdam ko ng mga sandaling iyon wala ng nagmamahal sa akin. Lahat nalang ayaw sa akin, lahat nalang sila galit sa akin. Sa naisip na 'yun ay hindi ko napigilang balikan yung buhay ko ng maliit pa ako at naalala ko si Mama. Dahil doon napahikbi ako ng tuluyan. Naisip ko rin ang kapatid ko at si Papa. Si Papa na sana ay magtatanggol ngayon sa akin ngunit nasaan siya. Feeling ko nga parang hindi nga ako anak ni Papa kasi mas mahal nito ang kapatid ko kaysa sa akin. Nag-iisa na talaga ako ngayon at dito pa sa malayong lugar na 'to. I feel being forsaken na ako naman ang may kasalanan ng lahat ng ito. Pero ginawa ko na eh, para ano pang pagsisihan ko? Ganun 'yun siguro, sa huli talaga ang pagsisisi. At ano ang pinagsisihan ko? Ah ang labo! Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko, naghalo-halo na kasi. Kung pwede lang na may instant na sagot sa tanong ko, pero sa ngayon dito muna ako at parang isang basang sisiw. Humagulgol pa ako.

"Aishhh.. fuck! Get in!" bigla nalang may narinig akong nagsalita at nang tingnan ko ay ang nakatunghay na mukha ni Jeremy ang nakita ko. May nakita akong awa sa mukha nito pero maya-maya ay nagbago ulit ng makitang matiim ko itong tinitigan.

Hindi ba ako nito tatanungin kung bakit gusto kong tumira sa kanya? Ay! 'wag ko na nga munang isipin 'yan.

Pumasok na ito sa loob pero hinayaang nakabukas ang pintuan. Nang magsink-in sa utak ko ang sinabi nito ay pinahiran ko ang luha sa mga mata ko at ngumiti ako, dali-daling kinuha ang gamit ko at pumasok na sa loob.

Ayus!





Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now