P-45 (Bitch)

5.1K 69 0
                                    

Ilang araw ko nang kinokontak si Eduard para makipag-business meeting sa kanya. Sisimulan ko ang plano ko sa pamamagitan ng pakikipaglapit sa kanya. Yun naman ang mga nangyayari sa mga pelikula kailangang kaibiginan ng bida ang kontrabida para makapaghiganti siya dito.


At talagang kinumpara ko na ang buhay ko sa pelikula, eh sa malapelikula nga eh anong magagawa ko?


Kaya nga nandito na naman kami sa isang bar.


"As I've said..." pinutol ko ang sasabihin niya.


"Can we just stop talking about business just for now?" lumapit ako sa kinatatayuan niya. Parang napatanga pa siya at nangunot ang noo. Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya habang ang isang kamay ay hawak ang isang baso na may lamang tequila. Hindi naman masyadong maingay ang paligid dahil isa iyong private place na kakilala ni Eduard ang may-ari. Nakita kong napalunok siya sa ginawa ko, kinagat ko pa ang ibabang labi ko habang nakatingin sa kanya.


Ayan nga, maglaway ka sa akin ngayon Eduard. Unti-untiin kitang dudurugin sa aking mga kamay. Nagsisimula pa lang ako at lasapin mo ang simulang ito.


Kahit tumatayo at diring-diri ang lahat ng sistema sa katawan ko wala akong magagawa, ito lang ang paraan ko.


"Maybe we can go to more private place?" hinawakan ko siya sa braso. Pinalambing ko pa ang tinig ko sa gayon aayon siya sa gusto ko. Parang nagpatinaanod lang siya na hindi alam kung anong gagawin. Diba parang tanga lang? Alam ko ang kahinaan nito eh - sexing mga babae.


"Sure..." nag-aatubiling sabi niya. Napalunok pa siya ng mapadako ang tingin sa cleavage ko na talagang plinano kong isuot ang ganito. Asiwa man ako pero kailangan ko ito sa paghihiganti ko. Sanayan lang naman 'yan.


Hindi ko naman talaga plano sa una ito pero gusto ko lang malaman ang reaksiyon niya. Gusto kong paglaruan ang isang Eduard Go. And so far, umaayon naman sa plano ang mga ginagawa ko. Umaayon siya dahil talagang ganun siya.


"And where do you think you're going?" may nagsalita nalang bigla sa likuran namin ng paalis na kami. Pareho kaming napalingon at ang nangangalit na mukha ni Eliza ang nakita namin.


Uh-oh.. nandito na naman ang linta, daig pa nga talaga ang linta makadikit kay Eduard.


"It's none of your business" paarteng sabi ko at binigyan siya ng isang patuyang ngiti. Eliza dear, nagsisimula pa lang ako sa inyong dalawa.


"Bitch! He's..."


"Same to you" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Nakita ko nalang na umangat ang kamay nito papunta sa akin pero naagapan ni Eduard. 


"What are you doing here Eliza? And you don't have the right to call Miss Yuri a bitch!" bwelta ni Eduard. Tiningnan ni Eliza si Eduard na masakit na tingin. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya habang hawak ni Eduard iyon. Tumaas-baba ang dibdib niya at alam kong galit na galit na siya. Kaya nagbubunyi ang lahat ng sistema sa buong katawan ko. Ganun nga, ganun nga!


Kaya parang pumalakpak ang tenga ko sa narinig, hahaha. Pinagtanggol ako ng gunggong na si Eduard. Binigyan ko ulit ng isang plastik na ngiti si Eliza. Alam ko mula pa noon na may lihim na relasyon ang dalawa kaya sisirain ko muna sila bago si Eduard. Uunit-untiin ko kayong lasoning dalawa.


"Let's go Yuri" saka hinila ako ni Eduard. Binigyan ko naman ng last look si Eliza.


Loser!


Hindi maipinta ang mukha nito, alam ko gagantihan ako nito pero naghahanda na ako bago pa siya aatake. Ako yata si Yuri Hashi.


"Eduard!" sigaw ni Eliza.


Naramdaman ko na lamang na may sumabunot sa buhok ko.


"Bitch! bitch!" habang hila ako sa buhok na sabi ni Eliza.


Hindi ko naman napaghandaan ang ginawa niya kaya hindi ako naka move. Akala ko kasi sa susunod pa ito gaganti kaya hindi ako handa ngayong araw. Naramdaman ko na lang na hinila na ni Eduard si Eliza at nasa amin na ang atensiyon ng lahat.


"Are you okay, Ma'am?" tanong naman ng waiter sa akin.


Tumango lang ako. Nagsisigaw pa rin si Eliza pero nailayo na nito ni Eduard, pumasok sila sa isang pinto at lumabas din bigla si Eduard.


Nakita kong parang nahiya ito sa akin "I'm sorry sa nangyari, Yuri".


"Don't worry Eduard, it's ok" ngumiti ako. It's ok! Ibibigay ko muna ang araw na ito para sa kanya dahil sa susunod akin naman. Napangiti ako ng lihim.


"But it's not ok!" madiin na sabi nito "Hayaan mo hinding-hindi na makalalapit si Eliza sa'yo, sisiguraduhin ko 'yan". Nagtatagalog ito dahil sinabihan ko siyang half-Japanese ako at marunong ding magtagalog.


Ngumiti naman ako at tumango. 'Hayaan mo rin Eduard, makagaganti rin ako kay Eliza maghintay ka lang', bulong ko sa sarili ko. 'Hay, nangangati na ang kamay ko sa gagawin kong paghihiganti kay Eliza, huwag kang mag-alala Eliza darating din tayo diyan'.


Sa kotse ni Eduard pahinamad akong naupo.


"Please bring me home instead, Eduard" kunwang sabi ko.


"Akala ko gusto mong pumunta sa isang private place?" nakita ko ang panghihinayang sa mga mata nito.


"Nawalan na ako ng gana eh"


"I'm sorry ulit sa ginawa ni Eliza" apologetic na sabi niya.


"Ano ba it's ok, naiintindihan ko siya" ngumiti ako dito.


"But don't think na may relasyon kaming dalawa..".


"Hindi ko iniisip 'yan"


Ngumiti siya at kinuha ang kamay ko at pinisil "Ang bait mo naman".


Ngumiti rin ako pabalik dito 'Tingnan lang natin Eduard, tingnan lang natin kung masasabi mo pa 'yan sa gagawin ko sa'yo'.


Pinaandar na nito ang kotse at hinatid ako sa bahay.


Handa na ba kayo sa gagawin kong paghihiganti kay Eliza? Dahil ako, handang-handa na...

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon