P-17 (Homeless Yuri)

7.3K 79 3
                                    

 "Bakit mo 'ko sinusundan?"

Lagot nakita ako nitong sinusundan siya. Napakamot ako sa ulo, "Wala lang, masama bang sundan kita?" Oo nga naman bakit ko ba siya sinusundan? 'Bigyan mo ako ng isang valid na rason Yuri at kung bakit mo sinusundan ang suplado na ito?' Aisssh! Diba ito ang misyon ko? Ang protektahan siya?

Napakunot ang noo niya sa akin "Oo!" ang angas nitong sumagot  "dahil malay ko at baka kidnapin mo 'ko".

Tumalikod agad siya at naglakad na. Pero sinundan ko pa rin, nakarating kami sa isang condominium unit at nakita kong pumasok siya doon. Hindi manlang ako niligaw ng gago! Eh kung kikidnapin ko talaga siya malalaman ko kong saan siya nakatira 'pag ganun. Minsan bobo rin 'tong si Jeremy eh.

Doon lang ako at pagkalipas ng ilang minuto ay uuwi na ako. Ilang linggo ko na rin siyang sinusundan, at ilang linggo niya na rin akong inaangilan. Ang sama talaga ng ugali lalaking iyon. Parati nalang nakakunot ang noo na parang palaging may PMS! 

Sa klase naman ni hindi ako kinakausap kahit sa tabi na niya ako nakaupo, nagpapacute na nga ako sa kanya pero walang epekto. Hay naku, Jeremy ang suplado mo talaga. Maganda naman ako ah, sabi nga ni Chandi, yung babaeng tawag ng tawag sa'kin na Mica. Sabi niya para daw anghel ang mukha ko, sinabi niya e wala tayong magagawa. 

Wala na 'yung mga lalaking umaway sa'kin noong first day ko. Hindi ko alam bakit wala na sila. At hindi ko alam kung nasaan na yung ibang tumulong kay Jeremy.

Speaking of yung mga 'yun. Nakita ko sila nakaantay sa labas ng klasrum. Lumabas si Jeremy na hindi manlang sila tiningnan. Walang utang na loob! Lumabas na rin ako.

"O, si 'meow' uh!" sabi nung naka orange ang buhok. Medyo manipis ang bilas ng mukha niya pero maputi siya. Nasa 5'8 ang height at naka t-shit na may nakasulat na DIPLO. Lakas maka-diplo eh no? Tiningnan ko lang sila ng masakit at umalis na.

Pauwi na ako sa aking condo, naalala ko si Mr Diaz hindi naman kasi siya tumawag sa akin kung anong lagay doon sa Pilipinas. Pakanta-kanta pa ako habang papalabas ng elevator. Pagdating ko sa unit ko ay nakabukas ang pintuan, naabutan ko doon ang mga tauhan ni Mr Diaz.

"Hey, hey, anong ginagawa n'yo dito?" angil ko. Namataan ko ang maleta ko sa gilid. Parang may ideya ng pumasok sa isip ko pero pinagkibit-balikat ko lang. 

"At ano ito?" taas kilay kong sabi sa kanila.

"Eh Ma'am, utos lang ni Boss. Paaalisin ka na raw namin dito sa condo na 'to" sabi nung naka shades na lalaki.

Kapal naman ng mukha ng kalbong iyon para paalisin ako, ngitngit ko. Bigla yatang tumaas ang dugo mula sa paa hanggang sa ulo ko, nakakahighblood ha!

"Gusto ko siyang makausap!" naiinis kong sabi. Kung pwede pa lang liparin ko ang Pilipinas para makita at mabigyan ng isang suntok si Diaz. Ano 'to? Bakit niya ako paaalisin dito sa condo na 'to?  Saan ako titira? Nakuuuuu!

"Pero..." nagkatinginan pa silang dalawa. Pigilan n'yo ako at baka sila ang mapagdiskitahan ko.

"GUSTO KO SIYANG MAKAUSAP!!!" sigaw ko.

Nagpanic yata ang dalawa kaya nilabas ng isa ang telepono nito sa bulsa at nag dial. "Boss, gusto ka..."

Hindi pa tapos sa kasasalita ang lalaki ng hablutin ko ang celphone nito na hawak.

"Anong ibig sabihin nito Rommel? Kapal naman ng mukha mong paalisin ako dito pagkatapos mo akong gamitin. Ano 'to lokohan?" nagpupuyos ako sa galit.

"Isabelle..."

Hindi ko ito pinagsalita "Huwag ka lang magpakita sa'kin, kundi lagot kang kalbo ka!" napatingin ako sa mga lalaki at nagpanic yata sila sa sinabi ko. Dakdak pa rin ako ng dakdak ng walang ano-anu'y sumigaw si Mr Diaz.

"Isabelle! Makinig ka muna sa akin!"

Doon lang ako tumigil sa kasasalita at nakinig dito. Oo nga naman, daldal ko kasi.

"Ito lang ang tanging paraan para sa misyong ito" narinig kong sabi niya sa kabilang linya.

Kumuno't ang noo ko "Anong paraan? At excuse me, si Yuri na ako ngayon".

"Doon ka na titira sa bahay ni Jeremy"

"Anoooooooooooo?" gulat na sabi ko, hindi yata nagsink-in sa utak ko ang sinabi ni Mr Diaz. Ano ito isang pelikula? Bakit ba ang hilig ni Diaz gawing pelikula ang buhay ko? Nakakaumay na ang ganoong senaryo, wala na bang iba?

"Oo, kumbinsihin mo si Jeremy na wala ka nang matitirhan kaya doon ka muna makikituloy sa bahay niya. In that case, makakasama mo siya at mababantayan mo pa ang kilos niya".

Teka, teka, kami ako? dalawa kami ni Jeremy, sa iisang bahay? Hindi ko yata maimagine iyon, jusmeo! Kahit sa iisang school nga lang kami hindi na kami magkaintindihan sa iisang bahay pa kaya?

"Paano ko gagawin 'yun? at paano ko siya kukumbinsihin?" 'yun ang lumalabas sa bibig ko. Natakpan ko ang bibig ko nang mapagtanto ang sinabi ko. Kung ganun sumasang-ayun ako sa gusto nito. Haist! problema na naman ito.

"Kaya mo na 'yan, ikaw pa basta bantayan mo lang siya. Hindi mo alam kung sino ang mga taong gagawan siya ng masama".

May sasabihin pa sana ako ng biglang naputol ang linya. "Mr Diaz? Hello? Mr Diaz?" dinayal ko ulit pero out of coverage na. Lintek! hindi ko pa natatanong kung anong nang nangyayari doon sa Pilipinas. Humanda talaga ang kalbo na 'yan. Naibato ko tuloy ang cellphone sa sahig. Napakamot sa ulo ang lalaking may-ari nun.

Naalala ko ang napag-usapan namin, sumimangot ako. Hayssss! pag minamalas ka nga naman. Naeestress talaga ako dito sa Japan. Bwisit na misyong iyan, grrrr.

Binuhat ko ang maleta ko.

"Ma'am, tutulungan na po namin kayo" agaw eksena ng dalawang galamay ni Mr Diaz.

"Wag na, kaya ko naman!" asik ko at dali-dali ng lumabas ng kwartong iyon.

Naku, pag minamalas ka nga naman. Sumakay na ako ng taxi at isa lang ang direksyong patutunguhan ko: Ang condo unit ni Jeremy!

Humanda ka Jeremy, iinvade ko ang bahay mo.

Napatingala ako sa building kung saan nasa 18th floor ang kwarto ni Jeremy. Bakit ko nalaman? Na try ko once na sundan siya hanggang sa taas, Haha!

Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa gusaling iyon..

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now