P-23 (Lucio)

6.5K 82 1
                                    

Nagkatinginan kami habang nasa ibabaw ko siya. Bakit parang ang gwapo ni Jeremy?

Ahhhhhhhh!

Bigla na lang itong tumayo at umalis. Mukhang nabadtrip ng tuluyan.

Hay! Oh eh bakit? Gusto mo may kiss? Ilusyunada ka! tinampal ko ang ulo sa naisip. Saan nanggaling ang ideyang gusto ko may kiss?

Pumasok sa kwarto niya si Jeremy.

Kinaumagahan, wala na kaming imik. Balik na naman sa dati. Napaismid ako.

Hindi ko talaga maintindihan 'tong si Jeremy, tupakin din kasi.

Pagpasok ko pa lang sa klasrum tiningnan ko na agad kung nandun na siya pero wala pa siya. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Nalungkot ako, ewan ko! 

Nauna kayang umalis 'yun ng bahay.

Bigla nalang may kumalabit sa'kin. Nang tingnan ko ay nakita ko si Chandi na nakangiti.

"So anong feeling ng mayakap ng isang Lucio Hiramigu?"

Umismid ako at naglakad papunta sa upuan ko. "Sinong Lucio na 'yang pinagsasabi mo?" at naupo na ako. Bumalik bigla ang alaala ko sa nangyari kahapon at napasinghap ako. Yung manyak siguro na lalaking 'yun.

"Hindi mo ba alam na yang Lucio na 'yan ay ang kinikilalang hearthrob dito sa Campus? S'yempre mas gwapo si Jeremy!" kinikilig pa nitong sabi. Tiningnan ko siya ng patuya. Parang gusto ko siyang ihagis sa labas nang bintana, OA naman 'tong maka react. Hindi dahil sa nagseselos ako at gusto niya si Jeremy pero heller grabe naman makareact ang hitad. Okay, friends kami ni Chandi, sorry! peace!

"So?" 'yun lang ang reaksiyon ko. Wala akong pakialam sa kanya. Period!

"So? Anong so? At alam mo ba kung bakit ka niya napagkamalang si Mica kahapon?" at may kinuha ito sa wallet nito at pinakita sa akin. Mica? Mica na naman? Palagi ko nalang naririnig ang pangalang iyon ah? Nakakaburo na. 

"Siya si Mica Ran, ang dating kasintahan ni Lucio mas kilala bilang Cio" tiningnan ko ang picture at para akong nakatingin sa salamin. Nagulat ako sa nakita, bakit magkamukha kami ng babaeng ito. Kaya pala lahat sila si Mica ang nakikita sa akin. Si Jeremy kaya ganun din? Tumingin ako kay Chandi na parang nagtatanong kung nasaan na ang Mica na 'yan. Naintindihan naman nito.

Napatigil ako, at naipilig ang ulo. May kamukha pala ako rito at bakit kinopya ni Mr Diaz ang mukha niya para sa akin? O hindi lang alam ni Diaz na may kamukha ako dito? Iwinaksi ko nalang yun. Napaka-irrelevant.

Nakita kong nalungkot bigla ang anyo ni Chandi "Wala na siya, namatay siya sa car accident" at bigla na lang tumulo ang luha niya. "She's my bestfriend, napakabuti niyang tao. Pero dahil sa pangyayaring iyon kaya siya nawala" at napahikbi.

Inalo ko siya at mabuti na lang dumating na ang professor namin kaya natigil ang kwento nito. Gusto ko pa sanang marinig ang ibang detalye para kasing nacurious ako. Tiningnan ko ang upuan ni Jeremy, wala pa siya.

Papalabas na ako sa school.

"Magkaibigan sina Jeremy at Cio mula nung bata pa sila. Magkagrupo rin sila pero dahil sa nangyari kay Mica ay tuluyan ng iniwan ni Lucio ang grupo. Ang tatay ni Jeremy at ni Cio ang magkalaban sa politika ngayon. Hindi ko alam, masaya naman ang relasyon ni Cio at Mica. Pero isang araw, malungkot na kinuwento sa akin ni Mica na parang nawawala na ang pagmamahal nito kay Cio at doon niya din ikinonfess sa akin na gusto niya si Jeremy. Nalaman 'yun ni Cio kaya galit na galit ito kay Jeremy. Iniwasan ni Jeremy si Mica para wala ng gulo pero si Mica ang kusang lumalapit kay Jeremy. Kaya mas grabe ang siklaban sa pagitan ng dalawa.

Isang araw, nag-away si Cio at Mica. Umiiyak na tumawag sa akin si Mica habang nagmamaneho. Pero bigla nalang narinig ko sa kabilang linya ang isang ingay at namatay ang telepono. Dali-dali kong tinawagan si Cio at hinanap namin si Mica. Huli na ng makita namin si Mica, wala ng buhay at hindi na makilala dahil sa nasunog ang mukha nito dahil sa apoy ng tumaob ang kotse nito.

Sinisi ni Cio si Jeremy, dahil daw sa kanya kaya nag-away silang dalawa na nauwi sa ganitong pangyayari. At pati ang pamilya nila na matalik na magkaibigan din ay nagbanggaan. Nadepressed si Cio at nagawa pa nitong mag suicide kaya pinadala siya sa America. Isang taon palang siya doon, hindi ko nga alam kung bakit bumalik ito agad."

May narinig akong sumitsit, bigla tuloy naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa usapan namin kanina ni Chandi pagkatapos ng klase. Kinulit ko kasi ito na ikwento ang lahat-lahat. Kaya ayun kinwento nga, s'yempre curious din ako kung sino sa Mica sa buhay nila. Baka akala nila ako iyon. Saka atleast wala na ang kamukha ko, isipin mo nalang kung buhay siya at magkamukha kami, gulo 'yun. At isipin kong iniiwasan 'yun noon ni Jeremy pero ngayon 24hours niyang nakikita. Pero hindi naman ako tinanong ni Jeremy kung ako ba talaga si Mica? At bakit kami magkamukha? At bakit ako sumulpot nalang bigla sa buhay niya? At sa bahay niya?

Tiningnan ko ang taong sumitsit at nakita ko ang lalaking iyon na nakangiti. Ang lakas talaga ng sex appeal nito. Pero bigla akong nainis at walang babalang pinuntahan ang kinatatayuan at binigyan ng isang suntok sa tiyan. Namilipit naman  sa sakit, buti nga.

"Bastos!" sigaw ko. Ngumiti lang ito kahit nasaktan. Aisssh! pareho sila ng reaksIyon ni Jeremy, ang sarap upakan ang mga mokong na 'to.

"I'm Cio" nakangiting lahad ang kamay.

"Ciohin mong mukha mo!" taray ko dito at umalis na. At may gana pang magpakilala pagkatapos ng ginawa niya kahapon sa akin. Bastos talaga at ang kapaaaallll ng mukha! Aissshhh! ngitngit ko.

Napasunod naman ito "Hey, gusto ko lang naman makipagkaibigan sa 'yo"

Lakad pa rin ako at biglang sumagi sa isip ko ang sabi ni Jeremy na 'wag ko daw siyang kausapin. Hayyyy! nakakainis! Lagi ko nalang naiisip ang mokong-walang modo-pumapatol sa babae-walang pakialam-walang puso na lalaking iyon.

"Please?" wala pa ring tigil ang sunod nito sa akin.

Bigla ang ginawa kong paglingon "Okay!" at ngumiti dito.

Wala namang masama kung makikipagkaibigan ako sa kanya, ayoko ngang sundin si Jeremy! Tingnan natin kung sinong masusunod ngayon. At ngumiti pa ako. Heh!


Angel in Disguise [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant