P-29 (Very Unusual)

6.3K 74 2
                                    

Bigla na lang may humila sa braso ko at napadagan ako kay Jeremy. Kapwa kami nakatingin sa isa't-isa. Ayun na naman ang kaba at bilis ng tibok ng puso ko. Namula yata pati talampakan ko, mabuti na lang napayuko ako agad.

Pero iniangat ko muli ang mukha ko just to find out na nakatingin pa rin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya "Jeremy?" I murmured.

Pero nanatili lamang siyang nakatingin sa akin, sapakin ko kaya 'to? Gago makatingin e.

Nang bigla nalang niya akong niyakap. Napamulagat ako, nagulat ako sa ginawa niya. Halos hindi ako makahinga sa yakap niya. Na-freeze ako pansumandali, bigla yatang tumigil ang pagtibok ng puso ko. At bigla ring bumilis iyon.

Dugdug..

Dugdug..

Nararamdaman kaya nito ang mabilis na pagtibok ng puso ko? Kasi para sa akin, naririnig ko ang malakas na pagtibok nito.

Kumalas siya sa pagkakayap at tiningnan ako.

"Go to sleep, I'll be alright.." sabi nito. Seryoso ito sa pagsasalita ngunit wala ng bakas ng otoridad sa boses nito.

I blinked twice. Tama ba ang naririnig at nakikita ko? Si Jeremy hindi galit sa akin at...

Aisshhh! Tumayo na ako. Pero hinawakan nito ang kamay ko "Goodnight" saka ngumiti sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nung ngumiti siya. Pambihira! Ngayon lang kasi ito ngumiti sa akin.

"Goodnight" tanging nasabi ko na lang at pumasok na sa kwarto ko na parang tulala.

Sinara ko ang pintuan at napasandal ako dun. Hindi lang kasi ako makapaniwala, si Jeremy kasi parang kakaiba yata ito ngayon? There's something wrong talaga. I expected na nagrarambolan na kami ngayon dito sa loob ng bahay pero hindi iyon nangyari. Kabaliktaran pa nga ang nagyari dahil...dahil... homaygad! At napatakip ako sa mukha ko. Niyakap niya lang naman ako! Pulang-pula na siguro ako ngayon dahil sa naisip, o dahil sa kilig? Haler, kilig? bakit naman ako kikiligin?

Aissshhh! Makapagshower na at baka aftershock lang ito sa nagyari kaninang pakikilaban.

'Hitad, haliparot, malandi' sigaw ng isip ko.

"Watever!" sabi ko sa sarili ko.

Kinaumagahan, hindi ko na naabutan si Jeremy. Pero pumasok nga ba siya? Napatingin ako sa pintuan ng kwarto niya. O baka hindi pa ito bumangon? Dahan ang ginawa kong pagbukas ng pinto at agad natuon ang pansin ko sa kama niya. At presto! Natutulog pa ito.

Lumapit ako pero dahan-dahan lang, ilang beses na rin naman akong nakapasok sa kwarto niya pag naglilinis ako. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, parang bata lang. Lumapit ako at naupo sa kama nito, nakita ko ang pasa sa mukha niya at gusto kong haplusin. Hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako dahil nasaktan siya. Parang gusto ko siyang protektahan gaya nga ng iniutos sa akin ni Mr Gomez. Pero bakit ako?

Bigla ang pagkilos nito kaya nahigit ko ang hininga ko.

1..

2..

3.. seconds na hindi ako huminga at nanalangin na sana hindi siya magising. Pero hindi ako pinakinggan ng Maykapal (Maykapal pa talaga) nakita ko nalang na he opened his eyes widely and stared at me. Napalunok ako, kulang nalang tumakbo ako palabas dahil sa hiya.

Pero nakabawi naman ako "I..i.. just check if you're okay" spell s-t-a-m-m-e-r?

Ngumiti ito, shit! ayun na naman ang pamatay na ngiti niya. Parang tatalon na talaga ang puso ko sa rib cage ko.

"I'm okay, no worries" at hinawakan nito ang kamay ko. Teka, kagabi pa ito nanantsing ah. Tsansing ba talaga ang tawag doon Yuri? e gusto mo rin naman. Sapakin ko kaya itong traidor kong isip?

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now