P-21 (other guy)

6.4K 72 1
                                    

Nabigla talaga ako ng may yumakap sa akin. Dahil sa pagkabigla hindi agad ako nakagalaw. Hindi ko matiyak kung ano ang gagawin ko. Parang tinangay ng hangin ang katinuan ko. Napatulala lang ako.

Mabuti na lang dumating si Jeremy-chan ko.

Ko? 'At kailan pa naging sa'yo si Jeremy, Yuri?'.

Hindi pala siya sa'kin. Echusera naman ako, minsan lang naman pagbigyan ninyo nalang. 

"Bitawan mo ang babaeng 'yan!" iyon ang narinig ko. Naputol tuloy ang pagmumuni-muni ko, at may gana pa talaga akong gawin 'yun no? 

'Babaeng 'yan? I felt insulted? 'Talaga lang ha? At bakit?' tanong ng mahaderang isip ko. 'KAsi babae daw. Parang basurang babae? Ah! ewan.

Pero alam kong si Jeremy ang nagsalita dahil kabisado ko ang boses niya. Masculine pero sexy.  

Ahhhhh! may gana pa akong mag-isip ngayon? May nakayakap kaya sa'yo Yuri, o baka gusto mo rin ang yakap niya. Nakalimutan ko pala iyon ah? Paking-tape!

Pero imbes na bitawan ako nito bakit hindi ito natakot kay Jeremy? Si Jeremy kaya iyon? Ang kilalang bad boy sa eskwelahang ito, isang sabi lang niya napapasunod na ang lahat. Eh bakit ang isang ito hindi manlang natinag sa sinabi ni Jeremy? At feel na feel pa talaga niyang yakapin ako? Hindi ba siya natatakot sa akin? Baka bigyan ko siya ng isang backstroke.

Naramdaman ko na parang nagtatagisan sila ng tingin dahil ang tahimik ng paligid. Kahit 'yung mga nag-uusyusong mga estudyante natahimik rin. Ramdam ko ang bawat silakbo ng damdamin nila.

"And why should i?" narinig kong paanas na sabi ng lalaki kay Jeremy. Ang boses niya ay buo din gaya ni Jeremy, parang may kalakip na kapangyarihan na kahit sino mapapasunod sa kanya.

Hindi ko nakikita ang mukha ni Jeremy pero alam kong hindi na ito maipinta. Si Jeremy pa. Alam na alam ko kung paano iyon magalit. Nakakatakot na 'pag natatakot ka nga sa kanya baka maihi ka pa sa kinatatayuan mo. At gusto kasi nun pag may bagay na gustong gawin agad-agad kailangan nitong makuha. Maikli lang ang pasensiya nito pagdating sa lahat ng bagay. 

"I said let her go, Lucio!" ulit ni Jeremy.

Natigilan ako, so magkakilala pala ang dalawa na 'to? Kaya pala hindi natakot ang lalaking ito kay Jeremy. Kaya pala ang lakas ng loob na makipag-argumento sa mokong na 'yun.

Pero teka, bakit hindi ako na lang ang kumalas sa lalaking ito?

"Yuri, umalis ka d'yan!" utos na kailangang sundin agad-agad. At alam ko nakakunot na ang noo ni Jeremy. Pwede ko na nga sigurong idrawing kahit hindi ko siya nakikita.

Marami na talagang tao sa paligid namin.

Kakahiya na.

Pinuwersa kong itulak ang lalaki pero hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa akin. Nagulat naman ako sa ginawi ng lalaking iyon. Bakit ayaw niya akong bitawan? Hindi talaga takot kay Jeremy? 

Nakita ko si Chandi sa harapan ko, nakatulala lang siya habang nakatingin at naka-O ang labi. Marami na ring nagbubulungan sa paligid, parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa ng mga sandaling iyon. Shit! bakit wala akong ginagawa? Bakit hinahayaan ko lang yakapin ako ng gagong lalaking ito?   

"Bigyan mo ako ng isang malaking rason kung bakit ko siya bibitawan?" narinig kong sabi ng lalaking nakayakap sa akin kay Jeremy. Talagang ayaw akong bitawan ng lalaking 'to ah. Biglang uminit ang paligid. Hindi ba talaga alam ng lalaking ito na baka lasog-lasog ang katawan nito mamaya kay Jeremy?

Bigyan ko kaya ng isang suntok? Ah! bakit suntok lang? Niyakap kaya ako nito at walang nakakayakap ng ganun sa akin kahit sino. Talagang 'pag nakawala ako dito, malilintikan ang lalaking ito sa akin. Hindi lang suntok ang makukuha niya sa akin. Hindi lang 'yun! Nagpupuyos na rin ang kalooban ko. Walang-hiya 'tong lalaking 'to ah?

Pero bago ko nagawang bigyan siya ng suntok ay..

"She's my girl and... we're living together" sagot ni Jeremy.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Yung level ng gulat ko ay parang 1 out of 10 ay 10!

Ako girl niya? No way!

Napatda ako. 

Narinig kong marami ang napasinghap at nagbulungan pa sa paligid.

Napapikit ako.

Lintek ka Jeremy makakatikim ka sa'kin pag-uwi ko.

Naramdaman ko ang unti-unting pagkaluwang ng yakap ng lalaki sa akin.

Nang magkaharap kami ay nakita ko ang lungkot sa mga mata nito.

"I'm sorry..." narinig kong bulong nito.

Tiningnan ko ang mukha ng lalaki, parang nakita ko na siya. Parang pamilyar sa akin ang mukha pero hindi ko alam kung nasaan ko siya nakita. O baka dahil nga tinawag niya akong Mica kaya baka iniisip ko na kilala ko na rin siya? Ah! ang gulo ko!

Gwapo ito, kahit nakasuot lang ito ng t-shirt pero nangingibabaw pa rin ang sex appeal. Ang mga mata ay maamo hindi katulad kay Jeremy na napakalalim tumingin. Blonde ang buhok niya. Mapungay na mga mata at kissable lips.

What??? May gana pa akong tingnan ang lalaking 'to?

"Tayo na Yuri.." may biglang humila ng braso ko. Napasiksik bigla ako sa harapan ni Jeremy, nakatingin lang siya sa lalaki. Ang lalaki naman ay nakatingin din sa kanya ang malungkot na mga mata ay napalitan ng parang galit. Naguluhan ako bigla sa ginawi nila. 

"Lucio!" biglang may tumawag sa lalaki sa likuran. Pero hindi manlang siya lumingon sa tumawag. Tiningnan ko ang nagsalita at nakita ko ang si Gico ang isa sa mga  barkada ni Jeremy kasama din niya ang ibang tropa niya. Dahan-dahan itong lumakad papunta sa lalaki at inakbayan ngunit bigla nalang umalis ang lalaki na tinawag nilang Lucio.

"Hayaan mo na muna siya Gico" sabat ng isang naka violet ang buhok. Tumingin lang sa amin si Gico at hindi na nagsalita. Walang may nagsalita kahit sino kahit ang mga taong nakiusyuso. 

Nakabawi na ako sa pagkabigla kaya agad ang ginawa kong pag-alis sa tabi ni Jeremy. Nakakahiya! 

Pero agad ang paghatak sa braso ko ni Jeremy.

Lakad lang kami.

 Nagpatianod na lang ako sa takbo ng pangyayari kasi hindi ko rin alam kung anong nangyayari?

Maya-maya naramdaman ko na lang na binubuksan na ni Jeremy ang kotse nito.

"Pasok!" utos nito sa akin.

Pumasok naman ako sa loob at huli ko na narealized bakit ako nasa loob? Akala ko ba walang nakakasakay sa kotse ni Jeremy na kahit sino.

Napapikit na lang ako ng humarurot na ang sasakyan..

Angel in Disguise [Completed]Where stories live. Discover now