P-37 (The Past)

5.7K 69 0
                                    

 Bigla akong naalimpungatan sa panaginip ko na iyon, hinihingal pa ako.

Oo, naalala ko na ang lahat. Simula noong napanaginipan ko tungkol sa dalawang batang lalaki. Si Miggy at Lulu. Ang dalawang bestfriends ko noong maliit pa lang kami. Pero bakit hindi ko sila naalala, pagkatapos ng aksidente noon?

Napasinghap ako ng maalala ko na, nabaril pala ako sa ulo. Hinawakan ko ang bahagi ng ulo ko pero ang nakapa ko ay benda na nakapalibot dito. Pero bakit pagkatapos ng pangyayaring iyon ay nawala na ring parang bula ang dalawang bestfriends ko? Biglang sumakit ulit ang ulo ko dahil sa naisip kaya napadaing ako.

Naramdaman ko bigla na may pumungas-pungas sa tabi ko at ng tingnan ko ay si Jeremy. Parang kagigising lang nito. "Are you in pain?" ang nag-alalang tinig niya.

At naalala ko kung anong nangyari bakit nandito ako. Parang lumalala ang sakit ng ulo ko, marami yatang impormasyon ang nalikom ng utak ko ngayon.

Tumango ako sa kanya na parang maiiyak. Dali-dali naman ang ginawa niya at nakita kong patakbo na itong lumabas ng pintuan at nang makabalik ay kasama na ang Nurse. Binigyan ako ng Nurse ng pain killers at natulog ulit ako.

 ****

"Where are we?" tanong ng batang lalaking umiiyak.

"Shut-up Lulu, 'di ka nakakatulong sa ginawa mong pag-iyak. Baka makita nila tayo" sabi ng katabi kong batang lalaki. Nasa kasukalan kami ng gubat at nagtatago kami sa gustong kumidnap sa aming tatlo. Sa likod ko si Lulu at sa tabi ko naman si Miggy habang hawak ang maliit kong kamay. Napatingin ako sa gawi ni Miggy.

"Are you okay, Isabelle?" tanong sa akin ni Miggy. Tumango lang ako pero sa totoo lang nanginginig na ako sa sobrang takot.

"Just hold my hand" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Magkahawak kamay na kami, kung kanina siya ang nakahawak ngayon ako na ang mahigpit na nakahawak sa maliit niya ring kamay.

"Nandito lang sila kanina" narinig naming may nagsalita. Napahawak pa lalo ako ng mahigpit sa kamay ni Miggy. Nag-sign siya na huwag maingay. Narinig namin ang biglang pag-iyak ni Lulu. Napamulagat kaming dalawa ni Miggy.

"Ayun sila" sabi ng mga lalaki.

Nakita namin na tumakbo si Lulu. "Lulu!" sigaw ko at tumayo ako para habulin ito.

"Isabelle!" sigaw din ni Miggy. Pero narinig ko na lang ang putok ng baril at napalugmok ako sa lupa.

"Isabelleeeeeeeeeee!" narinig kong sigaw ng dalawa. At nawalan na ako ng malay.

 ****

Minulat ko ang mga mata ko. Parang napapagod na ang isip at katawan ko.

"Yuri" narinig kong may nagsalita sa tabi at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako dito at nakita ko ang luhaang si Chandi.

"Chandi" at ngumiti ako.

"Kamusta ka na? May masakit pa ba?" nag-aalalang tanong niya. Umiling ako, totoo naman hindi na masakit ang ulo ko; pagod lang ako.

"Anong gusto mong kainin?" panic na siya.

"Ano ka ba? okay lang ako" tumawa ako pero mababaw lang. "Teka, ilang araw na ba ako nandito?" tanong ko sa kanya.

"One week ka na dito" at napasinghap ako sa narinig, matagal na pala. Na coma na naman ba ako?

"Buti na lang hindi grabe ang tinamo mo" at napatingin ako sa nagsalita, nandoon pala si Jeremy? Bakit hindi ko napansin? "Nextime, kung gusto mong magpakamatay tiyakin mong mamatay ka kaagad" nakita ko ang galit sa mga mata niya.

Angel in Disguise [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon