Chapter 60

422K 14K 4.5K
                                    


Chapter 60


[Jillian's POV]


Ang liwanag ng buong paligid. Hindi ko makita ang taong nasa harapan ko. Hindi ko siya mamukhaan. Pero kilalang kilala ko ang boses niya.

Kaya nga nang marinig kong tinatawag niya ang pangalan ko, sinundan ko siya. Ang dami kong gustong itanong.

"Cassandra, sino ang gumawa ng bagay na yun sa'yo? Bakit ka nila sinaktan at pinatay? Bakit?"

"Jillian magiingat ka sa kanya. Mag iingat ka. Maari kang mapahamak dahil sa kanya."

"Sino ang tinutukoy mo? Kanino ako magiingat? At sino ang pumatay sa'yo? Si Ayesha ba?! Cassandra!"

"Dalawa ang nakatadhana. Isa ang magaalay ng buhay para makasama mo ang isa. Mag iingat ka. Buksan mo ang mata mo."

"Cassy!"

...

"Jillian? Jillian gising na! Ang ganda ng araw sa labas oh. Bumangon ka na please?"

Biglang napadilat ang mata ko at nakita ko si West na nakangiti sa akin.

"Wake up sleepyhead! It's time for breakfast!"

Bumangon ako at kinusot ko ang mata ko. Nag l-loading ang utak ko kung bakit nasa harapan ko si West at kinigising niya ako. And then I realized, nasa Cebu nga pala kami para kay Ana.

Nasa Cebu ako para ilapit si West sa babaeng para sa kanya.

Pero eto ako ngayon, nangako na makikipag date kay West kahit nakaratay sa hospital bed si Ana.

"Mag ayos ka na para makakain na tayo ng breakfast," masiglang sabi ni West sa akin.

Ang ganda ng ngiti niya. Halata sa mata niya na excited siya sa araw na 'to.

Nginitian ko rin siya.

"Sige mag-aayos na ako."

Kumuha ako ng damit at pumasok sa loob ng bathroom. Pagkasara ko ng pinto, agad akong naghilamos ng mukha.

Napahawak ako ng mahigpit sa sink at ipinikit ko ang mata ko.

May iba ngayon.

Pakiramdam ko mag co-collapse ako any minute now. Ramdam ko ang pagikot ng paligid. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Nag flashback bigla sa akin ang panaginip ko.

Ang boses ni Cassandra. Ang sinasabi niya.

Hindi ko maintindihan bakit ako mananagipi ng ganun? Bakit si Cassy at bakit bumalik sa akin lahat ng mga sinabi niya noon.

Una, dalawa raw ang nakatadhana sa akin. Isa ang makaksama ko habang buhay at yung isa, magaalay ng buhay para sa akin.

Pangalawa, mamili ako ng pagkakatiwalaan ko dahil maaring ito ang ikapahamak ko.

Sabi ni Cupid fraud daw si Cassandra. Sabi niya hindi totoo ang mga sinasabi nito sa akin.

Ipinakita niya sa akin ang book of soulmates. Malinaw na malinaw, nakatadhana ako kay Zyron at si West naman ay kay Ana.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon