Chapter 41

402K 15.5K 6.3K
                                    

Chapter 41


[Jillian's POV]


"Jillian? Jillian? Jillian!!"

Napa-mulat ang mata ko at naaninag kong may lalaki sa harap ko.

"Jillian? Are you okay?"

West... West?

I blinked.

"S-sir Zyron."

Inalalayan niya akong maka-upo at naramdaman kong may nagpatong ng twalya sa likod ko.

"Are you okay? What the hell happened?!" tanong niya sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Napatingin ako sa paligid.

Wala na si Ayesha.

Pero pinapalibutan naman ako ng mga ka-office mates ko.

Nasa gilid ko si Luke at Elise na parehong nag-aalalang nakatingin sa akin. Sa tabi ni Zyron ay si Ms. Sasha.

Wala si Cupid.

Wala rin si West.

Napapikit ako.

"Jillian!" dinig kong tawag sa akin ni Elise. "Naku sir Zyron, dalhin na natin siya sa clinic!"

"Yes. Yes, let's bring her to the clinic. Namumutla siya," dinig ko namang sabi ni Ms. Sasha.

"Okay. Okay.."

Naramdaman ko ang mga braso ni Zyron sa balikat at hita ko at alam kong bubuhatin niya ako. Napadilat ako.

"Sir.. I-I'm okay. Thank you. Ayokong pumunta sa clinic."

"Ha? No! Kailangan mong ma check up."

"No sir. Seriously, I'm fine. Gusto ko na pong magpahinga sa room namin."

Inalis niya ang pagkakahawak niya sa akin instead ay inalalayan niya akong makatayo.

"Ihahatid na kita sa room niyo."

Napatingin ako agad kina Elise. Alam ko nangungusap ang mata ko at nagpapasalamat ako dahil na-gets niya agad ang gusto kong ipahiwatig.

"Sir, naku wag na po. Kami na ni Luke ang bahala kay Jillian."

Agad na lumapit sa akin si Luke at inalalayan ako.

"Opo. Kami na po ang bahala sa kanya."

Napatango na lang si Sir Zyron at agad naman kaming naglakad palayo nina Elise.

Ewan ko kung bakit gusto kong makalayo sa kanya. Hindi ko alam kung ba't naninikip ang dibdib ko.

Kanina, akala ko si West ang tumulong sa akin. But it turns out it's Zyron.

Wala si West sa paligid.

Wala siyang alam sa nangyari.

At wala akong karapatang ma-disappoint pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nung makarating kami sa room, nahiga agad ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ilang beses akong tinanong nung dalawa kung may kailangan ba ako. Alam kong nag-aalala lang sila sa akin pero sinabi ko na gusto ko muna magpahinga.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon