Chapter 17 (12/9/14)

540K 18.3K 9.7K
                                    

Dedicated to leily kea 

Tawa ako nang tawa sa comment mo sa Chapter 15 XD Yung Edgar + Unggoy = Edgoy XD Pati yung "baka si Edgar at Ayesha ang nakatadhana?"

Nyahahahaha XD

***

Chapter 17

 

 

[Jillian’s POV]

 

Napatingin ako sa bintana ng kitchen ko habang kumakalampag dito ang malakas na hangin. Sarado ang bintana at hindi ko makita ang labas ng apartment ko pero dinig na dinig ko naman ang malakas na buhos ng ulan.

            Nadinig ko mula sa sala ang news sa TV. Unpassable na ang karamihan ng mga daan. Mataas na rin ang tubig sa ilang parte ng lugar namin.

            Kaya naman ngayon…

            Napatingin ako sa boss kong nakapangalumbaba sa may sofa ko habang nanunuod ng news. Naka-suot siya ng hoodie na blue, maong pants at rubber shoes. Isang magandang bagay sa opisina namin ay wala kaming dress code. Dahil publishing company naman ito, kahit simpleng t-shirt at pantalon lang, okay lang.

            Simple lang pumorma si Sir West. Bagay naman sa kanya ang mga damit na sinusuot niya kasi maganda built ng katawan niya. Pero kahit anong simple niya pumorma, hindi nawawala yung aura niya na alam mong angat siya sa buhay.

            Kaya naman nang makita ko si Sir West na nakaupo sa bulok kong sofa habang nanunuod sa t.v kong hugis kahon ay para akong biglang nanliit.

            Tinignan ko ang ref ko kung ano ang pwede kong ipakain sa kanya. Tanging dalawang pistel ng tubig, isa bote ng peanut butter, isang can ng liver spread, at isang pack ng sandwich spread lang ang nakita kong laman nito.

            Binuksan ko ang cupboard ko at ay bumungad naman sa aking tatlong lata ng 555 tuna Mechado flavor.

            Nasaan na ang mga pagkain kong matitino?! Nasaan na?!

            Naiumpog ko ang ulo ko sa ref ko.

            Napaka-hina ko talaga. Kanina nung sinabi sa akin ni Sir West na gagawin niyang possible ang impossible, parang lumundag ang puso ko at parang na touch ako. Ewan. Siguro dahil siya ang kauna-unahang lalaking nakapagsabi sa akin ng ganyan. He made me feel special. Kaya naman hindi ko magawang humindi sa kanya nang alukin niya akong ihatid.

            Pero habang nasa byahe kami, doon ako nagsisi. Naalala ko kasi ang pana. Hindi naman niya gagawin at sasabihin ang lahat nang ito kung hindi dahil sa pana ni Cupid.

            At ewan. Nalungkot ako sa thought na ‘yun.

            Pero hindi ko na nagawa pang malungkot nang mas matagal dahil pagkarating namin sa bahay, mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nag stay lang siya saglit para magpatila kaya lang, tatlong oras na siyang nandito at hindi pa rin tumitila ang ulan. At ayon sa balita, mukhang wala pa itong planong tumila hanggang bukas ng umaga.

            “Jillian.”

            Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si West. Nakita ko na nasa likuran ko na pala siya.

            “Uhmm Jilian, sabi sa news na baka abutin daw bukas ng hapon ang bagyo kaya naman nag suspend na kami ng pasok bukas sa trabaho.”

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon