Chapter 48

404K 13.8K 3.8K
                                    

Chapter 48


[Jillian's POV]

"The amazing—mud pie sundae!" ngiting-ngiti na sabi sa akin ni West. "Kain na!" at inabot niya sa akin yung dessert fork na hawak niya.

Napangiti na rin ako.

"T-thanks sir..."

Pinanliitan ako ng mata ni West, "kelan mo pa ako tinawag na sir pag tayong dalawa lang?"

Napangiti na lang ako sa tanong niya. Sa totoo lang, nakakailang na rin siyang i-address sa first name niya ng walang "sir"

Ramdam na ramdam ko na ang gap naming dalawa.

Kanina lang nung nagsusumbong si Sasha sa kanya na ninakaw ko yung mga alahas, grabe ang kaba ko. Parang naninikip ang dibdib ko. Nung tinanong niya ako kung totoo ba yun, parang nadudurog ang puso ko.

Akala ko kasi maniniwala siya kay Sasha.

Napatingin ako doon sa mudpie sundae. Mukhang masarap pero hindi ko makuhang mag cheer up.

Naiinis ako sa sarili ko na umiyak ako sa harapan ni West. Nakakainis kasi ayoko nang makita niya akong umiiyak. Ayoko nang i-comfort niya ako.

Mas lalo kasing lumalalim ang feelings ko para sa kanya kada gagawan niya ako ng mabuti. Minsan iniisip ko sana pala nag stay na lang siyang galit sa akin kesa yung ganito.

Mas lalo atang mahirap mag move on.

"Alam mo, mas okay kainin yung mudpie sundae kesa titigan. Eat. You'll feel better."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at nginitian siya.

"Paano mo naman nalaman na I'll feel better after kong kumain ng mudpie?"

He shrugged, "it works for me. Remember nung dinala mo ako dati dito nung depress ako dahil sa father ko?"

Napatango ako, "hindi ko akalain na kahit papaano na cheer up ka ng mudpie sundae nun. At least I did something right."

"Ikaw kasi ang nag-dala sa akin noon dito kaya sumaya ako."

Bigla akong natigilan. Napaiwas ng tingin si West sa akin.

Please West wag nang ganito. Please please please.

He chuckled, "wag ka nang ma-awkwardan. Past na yun. Wala na yun sa akin."

Nginitian ko lang siya.

Wala na akong maisagot kundi ngiti.

Puro ngiti. Pekeng ngiti.

Past na yun.

Nakaka gago naman ang sakit na 'to oh!

Tumusok ako sa mudpie sundae at dali-dali kong sinubo. Halos mangilo naman ako dahil ang lamig nito at kinagat ko.

"Dahan dahan, hindi kita uubusan," natatawa-tawang sabi ni West.

"Sorry sorry excited lang!"

"May chocolate ka na sa may gilid ng labi mo," inabutan niya ako ng tissue.

Agad ko naman kinuha at pinunasan yung labi ko.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon