Chapter 63

360K 14K 4.3K
                                    


Chapter 63

[Jillian's POV]

FLASHBACK.

Nang makalapit ako kay Cupid, inilabas ko ang golden dagger atsaka ko ito itinaas. Itinapat ko ito sa ulo niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong aatakihin sa puso.

Alam kong may point si Ayesha sa lahat ng sinabi niya sa akin. Kung tutuusin, mas madali na lang kung paniniwalaan ko siya. Mas pabor pa sa akin.

Si West ang nakatadhana para sa akin. Si Zyron naman ay kay Ayesha. Ginagawa ito ni Cupid para gawin akong apprentice.

Oo, kung iisipin pwedeng ayun ang totoo.

Pero isang bagay ang napaisip ako.

Si Cassandra.

Sabi ni Ayesha, kaya siya pinatay ni Cupid ay dahil tama ang prediction ni Cassandra na may mag b-betray sa akin. Kung ganoon ay tama rin ang prediction ni Cassandra na dalawang lalaki ang nakatadhana sa akin?

Bakit sabi ni Ayesha si West lang ang nakatadhana?

At kahit pag bali-baliktarin ko ang mga nangyari. Kahit anong isip ang gawin ko, hindi pa rin ako completely makapaniwala na gagawin sa akin ni Cupid yun.

Naalala ko lahat ng pinagsamahan namin. Na kahit bwiset siya sa buhay ko, pinatunayan niya ang concern niya sa akin.

Kada sinasabi niya na sasaya ako, alam kong meant niya yun. Nararamdaman ko yun.

At maaring mali ang instinct ko na magtiwala kay Cupid. Maaring mali na hindi ko susundin ang inutos sa akin ni Ayesha.

Pero bahala na. Kailangan kong mag take ng risk. Hindi ko alam kung mapapahamak ako o ano.

Pero kailangan kong gawin ito. I need to know his side.

Huminga ako nang malalim.

"Cupid," bulong ko. "Gumising ka."

Biglang napadilat ang mata ni Cupid at agad kong itinapat ang patalim sa kanya.

"Jillian?!"

Dumistansya ako pero hindi ko pa rin ibinababa ang patalim.

Napa-bangon si Cupid at tinignan niya ako habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Jillian, saan mo nakuha ang patalim na 'yan? At bakit mo itinututok sa akin yan?!"

Inilayo ko ang pagkakatutok ng patalim kay Cupid at itinutok ko 'to sa puso ko.

"J-Jillian? Anong nangyayari sa'yo."

"Hindi kita magagawang saktan o patayin sa patalim na 'to Cupid kung sakali mang kalaban ka. Pero alam kong kailangan mo ako ng buhay para isama sa Mt. Olympus kaya kung gagawa ka ng kalokohan, sasaksakin ko ang sarili ko."

Itinaas ni Cupid ang dalawa niyang kamay.

"Jillian, kahit saksakin mo ang sarili mo niyan, hindi mo 'yan ikamamatay. Sasaktan mo lang ang sarili mo."

Napakunot ako ng noo.

"Dahil ba sa goddess ako? Dahil immortal din ako katulad mo?"

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon