Chapter 55

401K 14K 6.1K
                                    

Chapter 55


[West's POV]


"So, we fell in love with the same girl huh?" sabi ni kuya Zyron sabay inom ng beer.

I shrugged, "oo nga eh."

Bumuntong hininga ang kuya ko. "Alam mo ba nung inampon ako ng parents mo-"

"-natin," pagtatama ko sa kanya.

"Okay---ng parents natin eh ang saya ko kasi ikaw ang naging kapatid ko. Magkasundo tayo sa lahat ng bagay. Marami tayong pagkakapareho. At halos iisa ang mga gusto natin. But who would have thought na pati babaeng mamahalin natin eh pareho rin?"

Hindi ako sumagot instead nilagok ko yung alak na hawak ko.

Hindi ko alam kung matatawa, maiinis o mawi-wirduhan ako sa sitwasyon naming dalawa. Magkapatid kami eh. Pero eto kami ngayon, magkaribal dahil sa isang babae. At kahit magkaribal kami, nagawa pa naming mag inumang dalawa.

"Minsan iniisip ko sana hindi mo na lang nakilala si Jillian," sabi ko sa kanya.

He grinned, "sorry bro pero mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo."

I sighed, "so, magkakilala na nga talaga kayo doon sa bahay ampunan?"

Tumango siya.

Naghinala na ako dati na kilala ni Zyron si Jillian nang malaman kong sa iisang bahay ampunan tumira ang dalawa.

Pero hindi ko akalain na gusto rin siya ng kapatid ko.

"West, alam kong mas lamang ka sa akin ngayon but I want you to know na hindi ko agad susukuan si Jillian."

Napatawa ako ng mahina. "Anong mas lamang? Pakiramdam ko nga ikaw pa ang mas lamang eh. Ilang beses na kaya niya ako binasted. Pero katulad mo, 'di ko rin siya susukuan. It's either her o mananatili na akong single habang buhay."

He grinned. "It's either her o ikamamatay ko kapag hindi ako ang pinili niya."

Napailing ako. "Matindi na ang tama natin."

"Sobra. Grabe kasi ang babaeng yan. Pag tinamaan ka sa kanya, sobra sobra."

"Pero paano kung may iba siyang magustuhan?"

"Edi iyak tayong dalawa."

Napatawa ulit ako ng mahina.

"Para tayong gago 'no? Magkaribal tayo pero nagagawa pa rin nating makipagbiruan sa isa't-isa."

"Hindi lang kasi tayo magkaribal West. Magkapatid din tayo. Pero 'di porket mas bunso ka eh pagbibigyan na kita ah?"

I smile, "hindi porket panganay ka magpapa bully na ako sa'yo."

"Edi ayos. Sabi ko nga kanina, may the best man win."

Napatango ako.

Ang gaan sa pakiramdam. I know Jillian kissed me back a while ago pero ayokong pakampante sa gesture niya na yun.

Kuya Zyron is a great guy at tanga na lang kung sinong hindi magkagusto sa kanya. At alam ko malaki ang chance na mahulog si Jillian sa kanya.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon