Chapter 61

390K 13.8K 5.4K
                                    


Chapter 61


[Jillian's POV]

Everything's a blur.

Wala ako sa sarili. Hindi ko na naiintindihan pa ang mga nangyayari. Ayaw mag sink-in sa utak ko kung bakit nagkakaganito.

Ilang beses ko nang tinawag si Cupid. Paulit ulit ulit. Pero hindi siya pumupunta.

Bakit ganun si Cupid? Kung kailan kailangan ko siya atsaka pa siya hindi nagpapakita sa akin?!

Bakit namatay si Ana?! Sabi niya magagawa siyang iligtas ni West. Pero isang araw pa lang silang nagkikita eh! Huli na ba? Nahuli ba kami sa pagpunta?

Bakit ngayon lang ipinakilala ni Cupid ang makakatadhana ni West! Sana noon pa! Sana dati pa!

Sana dati pa nung hindi pa malubha ang sakit ni Ana. Dapat noon pa nung hindi pa ako nahuhulog ng husto kay West.

Sigurado ako, iba ang mangyayari.

Bull shit na timeline 'yan! Bullshit na book of soulmates yan!

Wala na ang best friend ko. Wala na ang nakatadhana para sa lalaking mahal ko.

At hindi ko ineexpect na masasaktan ako ng husto dahil dito.

Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko nang mahigpit. 

Napatingin ako sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Doon sa kabaong ni Ana.

"Jillian, ang weird ng pakiramdam ko," halos pabulong niyang sabi sa akin. "Bakit ganun? Saglit lang naman kami nagkausap ni Ana. Kahapon ko pa lang siya nakilala. Pero sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na parang may nawala sa akin na napaka halaga? Bakit ganito?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko kay West na si Ana ang nakatadhana sa kanya. Na ngayong wala na si Ana, wala na ang para sa kanya. Na ni hindi man lang sila nagkaroon ng chance na magkakilala.

At parang nilulunod ako ng konsensya.

Dapat nung nalaman ko ang tungkol doon, dinala ko na agad si West kay Ana. Sana nung sinabi na hindi kami pwedeng dumalaw dahil schedule ng treatment ni Ana, nag pumilit pa rin ako. Sana hindi ko kinuha ang chance na makasama si West dahil hindi naman siya para saakin eh.

Nag selos ako nung naguusap sila. Nasaktan ako nun. Pero leche Jillian, sana itinatak mo sa utak mo na wala kang karapatan sa mga bagay na yan.

She Who Stole Cupid's ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon